Tamayo Residence Malakas kong naipalo ang aking kamay sa lamesa ng malaman na may mga taong kumuha kay Naomi. Nagngingitngit ako sa galit dahil hindi siya nakinig sa akin upang protektahan ang kaniyang sarili. “Sinubukan namin habulin pero dumating ang mga security ng Casino. Ilang sandali pa ay mga pulis naman ang dumating.” Habang iniisip ang mga problema na kinahaharap ko ay hindi ko nabaling ang aking atensyon sa telebisyon. “Naitala ang tatlong pamamaril sa tatlong lugar.” Bulalas ng reporter. “Unang biktima ng mga grupo na ito ang Marcet Airline. Ayon sa imbestigasyon ay ang presidente ng kompanya na si Aleric Marcet and pakay ng mga suspect. Pinaulanan ito ng bala sa parking lot. Ilang pasahero nga ang nag-panic dahil sa palitan ng putok sa nasabing lugar. Wala naman naitalan