bc

THE UNWANTED MARRIAGE, ASHLEY MONTEMAYOR

book_age16+
179
FOLLOW
1.4K
READ
family
HE
arranged marriage
heir/heiress
substitute
like
intro-logo
Blurb

=

Nagising si Ashley sa isang silid na hindi familiar. Isang ginang ang naroroon at sinabing meron siyang amnesia. Ang sabi pa nito ay siya ang dahilan ng malagim na aksidente ng anak ni Donya Esmeralda na ngayon ay isa nang paralisado. At bilang kabayaran sa kaniyang kasalanan kailangan niyang magpakasal sa anak nito. Hindi lang yon nakatira din ang lalaki sa malaking bahay na maihahalintulad sa isang haunted house. Dumagdag pa ang itsura nito na mukha ermitanyo. Kaya hindi siya pumayag lalo pa at nalaman niyang substitute bride lamang siya. At ang tunay na fiancee ng lalaki ay isang sikat na modelo. Kaya sinubukan niyang tumakas ngunit hindi siya nagtagumpay at nahuli din siya ng mga tauhan ni Donya Esmeralda.

Nang sumunod na araw sapilitan siyang inayusan at binihisan ng mamahaling damit pangkasal. Pagkatapos binantaan din siya na kapag muling sinubukan tumakas may masamang mangyayari sa kaniya.

Ano ang gagawin ni Ashley, sasagot ba siya ng I do? O kukunin ang pagkakataon na yon upang takasan ang kasal na hindi niya gusto.

chap-preview
Free preview
CHAPTER- 1
HINDI makapaniwala si Ashley sa sinabi ng ama. At nang makabawi sa pagkabigla ay nakaramdam agad ng matinding galit. “No, I can't marry him! Galit na sagot ni Ashley, hindi siya papayag na ikasal sa lalaking hindi niya mahal. Lalo pa at business partner ng ama ang lalaking yon. “Kung magmamatigas ka isa lang ang dapat mong gawin, lisanin ang mansion na ito!” Saka nagmamadaling tinalikuran siya ng ama. Natigagal at tumulo ang luha ni Ashley, hindi niya inaasahan maririnig mula sa ama ang mga salitang yon. Kung ang dalawang kapatid na lalaki ay hindi nagawang manipulahin ng ama at ina sa babaeng nais ireto sa mga ito. Lalong hindi siya papayag na habang buhay matali sa kasal na hindi niya gusto. Midnight, kahit masakit sa loob ay nilisan ni Ashley ang mansion. Unang beses na mawawalay siya sa mga magulang at dalawang kapatid. Habang palayo siya sa mga taong mahal na mahal niya panay ang tulo ng kaniyang luha. Sobrang sakit at naninikip ang dibdib niya habang minamaneho ang sasakyan na regalo sa kaniya ng Kuya Lance niya. Lahat ng binigay ng mga magulang ay hindi niya dinala. Siguro naman mabibili din niya ang mga iyon mula sa sariling pera. Mataas ang pinag-aralan niya kaya maraming kompanya ang maaaring tumanggap sa kaniya. Pagdating sa highway ay iginilid muna ang sasakyan. Kinuha ang cellphone at inalis ang sim card. Pagkatapos ay binuksan ang bintana at itinapon iyon sa labas saka muling pinasibad ang sasakyan. Pansamantala ay sa hotel muna siya magpalipas ng gabi. Ayaw niyang magtungo sa mansion ng mga kapatid dahil sermon lang ang aabutin niya mula sa mga ito. NANG sumunod na araw sakay na siya ng eroplano patungo ng US, doon niya napili na manirahan. May kaibigan din siya sa lugar na yon kaya pansamantala doon muna siya makikitulog habang naghahanap ng bahay na paupahan. Ang nais niya ay umupa na lang muna ng apartment habang wala pa siyang trabaho. “Anong nangyari bakit biglaan yata ang pagpunta mo dito. Samantalang kailan lamang tayo nag-usap at ayaw mo nga sa trabaho na inaalok ko sayo?” sunod sunod na tanong ni Agatha Mae, ang kaisa-isang kaibigan niya dito sa US. “Hindi na ako babalik sa mansion ng parents ko.” Napipilitan pahayag ni Ashley sa kaibigan. Wala sana siyang plano na sabihin dito ang mga nangyari pero alam niyang hindi siya titigilan ng kaibigan sa kakatanong. Kaya nagpasya na ikwento ang buong detalye dito. “Ash, wala akong alam sabihin dahil kahit ako ay hindi makapaniwala na magagawa ng Daddy mo ang tungkol doon.” “Ayos lang, ahm… bakante pa ba ang trabaho na inaalok mo sa akin nang huli tayong mag-usap?” “Ash, pasensya na pero may nakuha nang bagong company lawyer. Pero kung papayag ka meron pang bakante; Accountant, urgent hiring ang main office.” “Pag-iisipan ko…” “Huwag mo ng pag-isipan kailangan mo ng magdesisyon ngayon din. Sapagkat maraming applicants baka mawalan ka pa ng chance.” “Fine!” “Come here at mag-fill up ka ng online application.” Pagkatapos bukas ng umaga i-print ko agad at idadaan ko sa HR.” “Okay, thank you, Mae.” “Hindi mo kailangan magpasalamat magkaibigan tayo natural lang ang tulong na ginagawa ko. Ang nais ko lang ay makuha mo ang pwesto na yon upang magkasama tayo sa trabaho.” “Para naman may kompanya na umayaw sa akin sila pa ang naghahangad na makuha ang serbisyo ko.” “Alam ko naman yon pero kilala kita kapag hindi mo nagustuhan ang offer bigla kang aalis.” “Syempre noon yon hindi na ngayon, alam mo naman ang sitwasyon ko ngayon ‘di ba?” “Alam ko pero iba ang takbo ng utak mo kapag na badtrip.” Ngumiti na lang si Ashley saka tinapos ang application bago tumayo at tinalikuran ang kaibigan. A few days later… Unang araw ni Ashley sa trabaho pinagamit ng kaibigan ang sasakyan nito sa kaniya. Kailangan maaga raw siya ng limang minuto sa oras ng trabaho. Dahil naghihintay sa kaniya ang dating accountant. At sa relo niyang pambising ay labinlimang minuto na lang at oras na ng trabaho. Kaya binilisan niya ang pagmamaneho, subalit bigla ang pangyayari. Mabilis niyang nakabig ang manibela pero huli na at sumalpok siya sa malaking truck. Nagising si Ashley, pero wala siyang idea kung gaano na katagal sa higaan. Basta namamanhid ang likuran niya at hindi magawang igalaw ang katawan. Unti-unting nagmulat siya ng mga mata at agad din napapikit dahil sa silaw ng liwanag mula sa kisame. Ilang segundo na nakapikit bago muling nagmulat ng mga mata. Nagtataka siya kung ano ang nangyari sa kaniya. Napansin niya rin ang aparato na nakakabit sa kaniyang katawan. Iniisip niya kung ano ang nangyari may sakit ba siya kaya naririto siya? “Ash, oh my God! Mabuti at nagising ka na, sandali lang at tatawagin ko ang mga doktor.” wika ng isang babae na hindi niya kilala pagkatapos ay nagmamadaling umalis. Kaya pumikit na lamang siya at sinubukan alalahanin ang nangyari. Ngunit blanko ang isipan wala talaga siyang naalala kahit konti. “Mabuti naman at gising ka na!” narinig niyang wika ng isang boses babae. Kaya sinikap na igalaw ang ulo upang makita ito. Pero hindi niya kilala ang may edad na babae. “Hurry! Ilabas na siya bago pa dumating ang kaniyang doktor!” utos nito sa mga lalaking nakasuot ng black coat and tie. “S-Sandali saan ninyo ako dadalhin…?” ngunit naputol ang pagpoprotesta niya nang biglang takpan ang kaniyang bibig. At agad siyang nag-panic nang binuhat ng isang lalaki ang stand na sinasabitan ng mga aparato. Saka agad na tinulak ang kamang higaan niya. “Donya Esmeralda, sa private jet plane na po ba siya dadalhin?” “Yes, at siguraduhin ninyo na walang papalpak sa inyong lahat, go! Magkita na lang tayo doon.” “Masusunod po, Donya Esmeralda.” ani pa ng isang lalaki pagkatapos ay sumakay na sila ng elevator. Wala siyang magawa kundi isa-isang pagmasdan ang mukha ang apat na lalaki. At kahit walang maalala ang dibdib niya ay unti-unting napupuno ng takot. Hanggang isakay siya sa isang sasakyan doon ay tuluyan ng tumulo ang luha niya. Nang umandar ang sasakyan binitawan na rin ang bibig niya. Kaya agad niyang kinuha ang atensyon ng mga lalaki. “S-Saan ninyo ako dadalhin at sino kayo?” “Dahil sayo, muntik ng namatay si Master Atlas Froi, napaka irresponsible mong driver!” “A-Ano ba ang nagawa ko sa m-master nyo?” “Two months ago binangga mo siya habang tumatawid. Kaya pag babayaran mo ang ginawa mong iyon sa kaniya.” Napaisip siya ibig sabihin dalawang buwan na rin siya sa loob ng ospital? “Sandali saan ninyo ako dadalhin at ano ang gagawin nyo sa akin?” “Tumahimik ka mamaya mo malalaman pagdating natin sa lugar na pagdadalhan namin sayo!” “Ahm… maari bang ipaliwanag mo sa akin kung ano ang nangyari sa dalawang buwan na nakalipas?” “Wala akong sasabihin sayo! Kagaya ng sinabi ko mamaya mo malalaman ang mga ginawa mo!” mukhang hindi talaga magsasalita ang lalaki kaya pumikit na lang ulit siya. At sinimulan alalahanin ang mga nangyari. Dasal niya may maalala siya kahit konti baka sakaling maunawaan niya kung bakit nasa ganito siyang sitwasyon. Subalit sumakit lang ang kaniyang ulo dahil nagpupumilit siya na may maalala. At kahit ang kaniyang pangalan hindi rin niya alam. Ngunit naalarma siya ng maramdaman ang tusok sa kaniyang braso. At ilang segundo lang ang lumipas nakaramdam siya ng panghihina. Hanggang tuluyang dumilim ang paligid. SAMANTALA, lahat ng mahawakan ni Atlas Froi, ay malakas na binabato sa wall. At ang dalawang tauhan ay walang magawa kundi panoorin ang amo sa pagwawala nito. “Master Atlas Froi, pakiusap kumalma ka, tumawag na ang iyong mama. Parating na raw sila, kasama ang babaeng responsible sa nangyaring ito sayo.” “Huwag mo akong lokohin baka barilin ko ang ulo mo!” singhal niya sa kaniyang personal bodyguard. “Hindi ako nagsisinungaling, isa pa kailangan mo ng maligo.” “At bakit ako maliligo samantalang kaya ko inutos na dalhin dito ang babaeng yon. Upang ipalasap sa kaniya ang ginawa niyang ito sa akin?” salubong ang kilay at halos mag-isang guhit na lang ang mga mata niya sa paniningkit. “Hindi naman yon ang ibig kong sabihin, Master Atlas Froi. Kailangan mong maligo dahil dumating na ang fiancee mo.” “Shut up! Tigilan mo ang kalokohan at isa pa ang gusto ko ay lumayas kayong lahat dito sa silid ko!” “So, ayaw mong makita ang fiancee mo?” “Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi niya ako pwedeng makita sa ganitong sitwasyon…” “At bakit hindi pwede?” sabay sabay pa silang lumingon sa pintuan. Nakatayo doon ang fiancee niya. “Larezah! Bakit ka narito? Samantalang malinaw na sa akin ang hindi mo pagsilip sa ospital! Tapos ngayon bigla kang magpapakita kaya umalis ka na sapagkat hindi kita kailangan!” “Huwag kang mag-alala hindi rin naman kita kailangan. Kaya ako naririto upang tapusin kung anuman ang meron tayo noon. Dahil mula bukas ay magiging busy na ako at ngayon lang ang oras na meron ako. Heto ang engagement ring binabalik ko na sayo. Ibigay mo na lang yan sa babaeng kayang pakasalan ang isang tulad mong walang silbi.” “Get out!” malakas na sigaw ni Atlas Froi, ang mga ugat niya sa leeg at braso ay naggagalawan sa matinding galit. “Aalis talaga ako pero hindi pa ako tapos at sasabihin ko ang mga gusto ko pang sabihin sayo, you deserve it! Bad karma mo na yan dahil sa pagiging babaero mo!” “Huwag mong ibasa sa akin ang gawain mo, akala mo yata wala akong alam. Ilang lalaki na ba ang dumaan dyan sa katawan mo para lang maabot ang kinalalagyan mo ngayon? Palibhasa hindi kita sinuportahan sa career mo kaya kung sino-sinong mayaman ang kinakapitan mo! At gusto kong malaman mo kaya lang naman kita pakakasalan dahil yon sa pagmamakaawa ng iyong mama, huh!” “Whatever! Wala ka ng silbi, pasalamat lang ako at nangyari ang aksidente nang hindi pa tayo kasal!” “Ilabas nyo ang babaeng ‘to!” dumadagundong ang malakas na boses ni Atlas Froi. Agad naman bumukas ang pinto at pumasok ang mga tauhan. Mabilis na hinawakan sa magkabilang braso ang dalaga. “Bitawan nyo ako, aalis akong mag-isa nang hindi nyo kailangan hawakan!” ngunit kinaladkad na ito ng mga tauhan ni Atlas Froi. “Abangan mo bukas ang malaking sorpresa ko sayo, b*tch!” patuya na sabi pa niya kay Larezah. “Asshole!” malakas na sigaw nang dalaga at bago pa sumara ang pinto ay malinaw iyong narinig ni Atlas Froi, . Nagngangalit ang bagang ng binata sa matinding galit. Saka tinawag ang kanang kamay at binigay dito ang isang order. “Siguraduhin mong babalik siya sa baba at walang isa mang modeling agency ang magbibigay ng kontrata sa kaniya, go!” “Yes, Master Atlas Froi, ahm… bago ko makalimutan tumawag ang mama mo at ipinag-utos niya sabihin sayo ang pagdating nila.” “I said get out!” saka mabilis na binato ng remote control ang kaniyang personal bodyguard ngunit agad na nakalabas ito ng pinto. Kaya ang tangi niyang nagawa ay paulit-ulit na magmura.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Shifted Fate

read
658.9K
bc

Chosen, just to be Rejected

read
135.7K
bc

Corazón oscuro: Estefano

read
928.6K
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
139.7K
bc

The Biker's True Love: Lords Of Chaos

read
307.8K
bc

The Pack's Doctor

read
677.5K
bc

MARDİN ÇİÇEĞİ [+21]

read
788.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook