NAKATITIG lang si Ashley sa kisame ng silid na kinaroroonan niya. Kahapon ng ipasok siya doon ay dalawang doktor ang sumuri sa kalagayan niya. At ang tanging narinig niya na sinabi ng isa ay stable na ang kaniyang katawan. Maliban sa memory niya na walang kasiguraduhan kong kailan babalik o posibiling hindi na.
Naputol ang mga iniisip niya ng bumukas ang pinto. Agad siyang nakaramdam ng takot nang makita ang lalaki. Nakaupo ito sa wheelchair at matalim ang mga titig nito sa kaniya. Nakakatakot din ang itsura dahil sa balbas at mahabang buhok na tila hindi pa nasusuklay. Kaya agad siyang nagbaling ng tingin sa ibang direksyon. Hindi niya matagalan ang kulay gray nitong mga mata.
“Ikaw pala ang iresponsable na driver kaya ganito ang aking sitwasyon ngayon!” Galit na galit nitong sigaw sa kaniya saka agad nakalapit at mahigpit siyang hinawakan sa panga.
“Look at me, woman! Tingnan mo ang ginawa mo sa mga paa ko!” Muling sigaw nito at dahil doon ay nanginig ang katawan ni Ashley sa takot kaya agad na sinunod ang utos nito. Unti-unting nanubig ang mga mata niya habang nakatingin sa mga paa ng lalaki. Namamaga parin yon at mayroon benda sa magkabilang hita.
“I’m sorry,” ang tangi niyang nasabi dahil wala siyang alam na sabihin lalo at wala siyang naalala.
“Hindi maibabalik ng sorry mo ang nangyaring pinsala sa mga paa ko!” Saka siya biglang binitawan at nagmamadaling pinagulong ang wheelchair palabas ng pinto.
Nang makalabas ang lalaki at sumara ang pinto saka lang tuluyan umagos ang luha niya. Ngunit muling bumukas ang pinto kaya mabilis na pinunasan ang mukha at umayos siya ng higa.
“Halika bumangon ka at aalalayan kita, kailangan mong kumain upang bumalik ang lakas mo.”
“S-Salamat po, ahm… nasaan po ako… ang ibig kong sabihin anong lugar po ito?”
“Narito ka sa bahay bakasyunan ni Master Atlas.”
“Ah, Okay po.” Saka siya tumanaw sa labas. Pero puro kakahuhayan ang nakikita niya sa labas ng glass wall.
“Gusto mo ba subuan kita?” Mahinahon tanong ng ginang sa kaniya.
“Huwag na po kaya ko naman kumain mag-isa.” Saka kinuha sa kamay nito ang hawak na bowl.
“Kung ganun ay heto ang mga gamot na dapat mong inumin pagkatapos mong kumain.”
“Sige po salamat.”
“Maiwan na kita, pindutin mo ang push button na nasa gilid mo kung may kailangan ka.” Tumango na lang si Ashley at iniwan na siya ng ginang.
Kagaya ng bilin ng ginang kailangan niyang kumain upang bumalik ang lakas niya. At nang matapos ay agad na ininom ang tatlong klase na gamot. pagkatapos muli siyang nahiga at pinapakiramdaman ang sarili hanggang unti-unting nakaramdam ng antok.
SA silid ni Atlas Froi, hawak niya ang tablet habang nakatingin sa mga larawan ni Ashley Montemayor. Kanina ng sabihin ng PA niya ang tungkol sa babaeng siyang dahilan kung bakit siya nalumpo. Hindi siya makapaniwala na ang babaeng iyon ay nag-iisang princess at kapatid ng twin brother na mahigpit niyang kalaban sa taekwondo noong nasa high school sila. Ganun din ng mag-aral sila sa London at bumuo ng grupong Gang ang mga ito. Isa siya sa hindi sumali kaya bugbog ang inabot niya.
Sinara ang tablet at binalik sa ibabaw ng table saka kinuha ang cellphone at may tinawagan.
“Aljoe, walang dapat makaalam kung sino talaga ang babaeng yon. Siguraduhin mong confidential ang katauhan niya. Mamaya kapag tumawag si Mama, wala kang sasabihin. Hayaan mong siya mismo ang maka diskubre sa tunay na status niya.”
“Masusunod, Master Atlas Froi, pero bago ko makalimutan. Nais kong ipaalala sayo ang kasal mo na pinakansela ng iyong fiancee. Hahayaan mo ba na mapahiya ka sa mga nakakakilala sayo upang bigyan ng kasiyahan ang babaeng yon na tumalikod sayo?” Hindi sumagot si Atlas Froi, nakatingin lang siya sa labas ng bintana. “Ahm… kung wala ka ng ipag uutos ay lalabas na ako.”
“Sige, tatawagan na lang kita kapag kailangan.” At umalis na ang PA niya kaya sinara na rin ang cellphone. Ngunit mabilis siyang gumawa ng desisyon. Hindi niya hahayaan na mapahiya ang pangalan niya na matagal iningatan. Ganun din ang buong pamilya nila. Kaya muli ay nag-dial at tinawagan ang wedding coordinator na dapat siyang gaganap sa nalalapit niyang kasal.
“Pumunta ka dito sa bahay bakasyunan ko ipapadala ko ang address sa email mo upang maasikaso agad ang kasal ko. Kung may mga katanungan ka pag-usapan natin kapag naririto ka na, bye.”
Lumabas si Atlas Froi ng kaniyang silid at muling nagtungo sa kwarto ng dalaga. Hindi na siya kumatok basta tinulak ang pinto. Ngunit agad din natilihan sa pagpasok ng makitang halos hubad ito at inaayos ang benda sa bandang tagiliran.
“Pwede bang kumatok ka naman bago pumasok?” inis na pahayag niya sa lalaki. Saka nagmamadaling inayos ang suot na damit at muling nahiga.
“Bakit pa ako kakataok ay naririto ka sa pamamahay ko? Isa pa kahit maghubad ka sa harapan ko hindi ako apektado. Nagsawa na ako sa iba’t-ibang katawang hubad ng mga babaeng mas maganda pa sayo, huh!”
Tila napahiya naman ang dalaga at agad na nagyuko ng ulo. Tama naman ang lalaking ito dahil ayon sa ginang na laging naghahatid sa kanyang pagkain. Isa itong mayaman na negosyante at ang fiancee nito ay isang sikat na modelo.
“Kaya ako naririto dahil parating dito ang wedding coordinator. Kailangan mo akong pakasalan. Siguro naman nasabi na sayo ni Donya Esmeralda?”
“Bakit ako magpapakasal sa kagaya mo samantalang meron ka naman fiancee? Kung magpapakasal lang ako sa lalaking mahal ko!” pagkatapos ay nag talukbong ng kumot. Hindi niya alam kung saan humugot ng lakas upang sumagot sa lalaking may nakakatakot na awra. Subalit malakas na hinila ang kumot at nawala iyon sa katawan niya.
“Gusto mong ipakulong kita habang buhay at sa kulungan ka na mabulok?”
“N-No, p-please huwag mo iyong gagawin sa akin.”
“Kung ganun susundin mo ang bawat naisin ko. Dahil sayo tinalikuran ako ng babaeng dapat pakasalan ko. Dahil din sayo nakulong ako sa silya na de gulong. At dahil din sayo, ilan sa mga negosyo ko ay bumagsak at bilyones ang nawala! Ngayon mamili ka sasagot ka ng Ido sa harapan ni Padre o sa kulungan ka na mabubulok?” Saka nagmamadaling iniwan ni Atlas Froi ang hindi makapagsalita na dalaga.
Samantala nakaramdam ng galit si Ashley, sa mga sinabi ng lalaki. Ang kalooban niya ay naghihimagsik. Pero alam niyang wala siyang laban dahil hanggang sa mga oras na yon wala pa rin siyang naaalala. Ang tanging alam lang niya ay ang kaniyang pangalan. Kahit edad at pangalan ng mga magulang ay hindi din niya maalala.
Muling dumaloy ang luha sa kaniyang magkabilang pisngi. Bumangon siya at naglakad patungo sa veranda. Palinga linga siya paligid at naghahanap ng pwedeng madaanan upang makatakas siya. Kahit wala siyang alaala pero nararamdaman niyang may mali sa nangyayaring ito. Hindi sinasadyang napatingin siya sa malawak na swimming pool. At nakatingala sa kaniya ang lalaki sa klase ng titig nito ay may pagbabanta. Kaya tumalikod siya at naglakad papasok sa loob ng kwarto.