CHAPTER- 3

2033 Words
WEDDING DAY... Kung ang ibang babae na ikinakasal ng marangya ay walang pagsidlan ng kaligayahan, kabaligtaran niya. Dahil ang araw na ito ay katumbas ng kaniyang kamatayan: ang ikasal sa lalaking hindi niya mahal. Sa bawat paghanga mula sa mga taong naroroon lahat iyon ay narinig niya. Ang mga taong naroroon upang sumaksi sa pag-iisang dibdib nila ng lalaking may nakakatakot na aura. Sa palagay niya, lahat ng mga babaeng iyon ay nangangarap na ikasal din gaya niya. Wala siyang ideya sa ibang kinakasal kung pareho din sa kaniya ang nararamdaman kapag hinahangaan ng kapwa niyang babae. Pero sa palagay niya, ang kasal na nagaganap ngayon ay engrande, masasabi din niyang napakaganda ng damit pangkasal niya. "Hija, don't cry, masisira ang makeup mo," wika ni Doña Esmeralda, ang ina ng lalaking pakakasalan niya. Hindi namamalayan ang kaniyang luha na dumadaloy sa pisngi niya. "Sorry po, hindi ko lang mapigilan ang umiyak," matapat na wika niya sa ginang. "Alam ko kung ano ang nararamdaman mo ngayon , pero maniwala ka sa akin. Ngayon ka lang mahihirapan at masasaktan, pero once na makilala mo nang lubusan ang aking anak, nakakasiguro akong isa ka sa mga babaeng masuwerte na nagkaroon ng asawa na kagaya ni Atlas Froi." Tumango na lang siya kay Doña Esmeralda, ayaw niya itong kontrahin sa mga sinasabi, lalo't nakikita niya kung gaano ito kasaya. Humawak na lang siya sa braso nito at nagpatuloy sila sa paglalakad. Nagtataka din siya bakit ito ang umaagapay sa kaniya habang naglalakad dito sa aisle, samantalang dapat naroon ito sa tabi ng anak nito. Malapit na sila sa altar nang may narinig silang malakas na boses kaya huminto sila sa paglalakad ni Doña Esmeralda. Humarap sa taong iyon at napaatras siya sa nakikita. Nakasuot ng damit pangkasal ang babaeng galit na galit at sa kaniya nakatingin. Mabilis ang lakad nito at anumang sandali ay sasaktan siya. "Don't dare to hit her!" Malakas ang boses na pahayag ni Doña Esmeralda na ikinahinto ng babae at humarap sa ginang. "Bakit hindi ko gagawin? Inagaw niya ang fiancé ko?!" singhal ng babae. "Wala siyang inaagaw, ikaw ang nagkansela ng kasal niyo ng aking anak!" galit na sagot ng Doña. "Yeah, that's true, pero nagbago ang isipan ko, kaya ikaw babae, umalis ka na bago pa maubos ang pasensya ko at sinisiguro kong pagsisisihan mo!" May diin ang bawat salitang binibitawan ni Larezah. "Ahm..." "B*tch! Sino ka sa akala mo? Ikaw ang umalis dahil hindi ikaw ang babaeng pakakasalan ko!" galit na sigaw ni Atlas Froi, pagkatapos agad na lumapit sa kaniyang bride na si Ashley at hinawakan ng mahigpit sa kamay. "Babe, I 'm sorry, huwag ka nang magalit, naririto na ako, 'di ba ito ang pangarap natin?" Saka agad na yumakap ang ex- fiancée sa braso ni Atlas Froi. "Let go of me! Tapos na tayo!" Saka inalis ang mga braso nito na nakayakap sa kaniya. Kung ano-anong pinagsasabi nito para lang paniwalain ang mga tao sa kasinungalingan. Kaya lang naman sana niya ito pakakasalan dahil sa negosyo. "No! Hindi ako makakapayag! I will kill this woman kapag itinuloy mo ang pagpapakasal sa kaniya!" pagbabanta pa ng ex- fiancée ni Atlas Froi. Pagkatapos muling yumakap sa kaniya. "Go ahead , nang malaman mo kung paano ako magalit!" at malakas na tinabig ang babae na ikinatumba nito sa sahig. Saka niya iginiya patungo sa altar si Ashley, ang babaeng pakakasalan niya. Samantala, ang natitirang pag-asa ni Ashley na huwag maikasal sa lalaking ito ay tuluyang naglaho. Wala siyang nagawa nang magsimula ang wedding ceremony. Ang babaeng tunay na fiancée at dapat ikakasal kay Mr. Atlas Froi ay inilabas ng mga tauhan ni Doña Esmeralda. At nang sumapit sila sa pagsusuot ng singsing, hindi iyon nagawang tutulan ni Ashley. Naging sunod-sunuran siya sa lalaking mapapangasawa. Nagulat pa siya nang bigla siyang halikan ni Mr. Atlas Froi, ang lalaking ngayon ay asawa na niya. "Atlas Froi at sa iyo din Ashley, congratulations, sa inyong dalawa. At sa iyo naman son, alagaan mo ang iyong asawa. At sana bago matapos ang taon, may apo na ako." Malapad ang ngiti ni Doña Esmeralda habang si Ashley ay nag-iinit ang mukha sa hiya na nararamdaman. Lalo pa at walang reaksyon ang asawa niya kundi tiim-bagang na nakatingin sa ina nito. "Mama, maiwan na namin kayo, bahala ka na sa mga bisita," wika ni Atlas Froi sa ina nito. "Hindi na ba kayo pupunta sa reception?" Biglang naging seryoso ang aura ni Doña Esmeralda. "No need, lilipad pa kami para sa aming honeymoon. Kaya huwag mo muna akong tatawagan o istorbohin. At huwag kang mag-alala, isang buwan lang kami sa lugar na iyon." Sabay lapit ni Atlas Froi sa ina at may binulong ito. Hindi man lang narinig ni Ashley ang sinabi ng asawa sa biyenan niya. "Yes, go ahead, mag-ingat kayo, lalo na si Ashley, ingatan mo ang iyong asawa." May halong pagbabanta na wika ni Doña Esmeralda habang nakatitig sa asawa. Ang ngiti nito kanina ay wala na at napalitan ng kaseryosohan. Bilang sagot ay tumango lang si Atlas Froi at hinila na siya nito palabas ng pintuan. Pagdating nila sa labas ng simbahan, isang sasakyan ang naghihintay sa kanila. Pinagbuksan sila pareho ng pintuan at kahit tutol ang loob ni Ashley, nagpatianod na lang siyang sumakay sa front seat passenger. Sa driver seat naman umupo si Atlas Froi. Ito pala ang magmamaneho ng sasakyan. "Gusto mong ako pa ang magsuot ng seat belt mo?" Agad nakaramdam ng takot si Ashley nang marinig ang matigas na boses ng asawang si Atlas Froi. Kaya dali-dali niyang hinawakan ang seat belt at kinabit. Ang dibdib niya ay parang tinatambol sa lakas ng kaba. At upang makaiwas na kausapin siya nito, sa labas ng bintana tumingin si Ashley. "Look at me and listen carefully, ayaw kong makarinig sa kahit sino na isa kang mahinang babae o iyakin, lalo na pagdating sa babaeng iyon. Sapagkat hindi siya titigil hanggang nakikita niyang mahina ka at hindi marunong lumaban. Ipakita mong ikaw si Mrs. Atlas Froi Velasquez. Yan ang tunay kong pangalan. At kung sakaling may maririnig kang ibang apelyido ang tawag nila sa akin, ganun din sa mga empleyado o nasa paligid ko. Dedma, dahil wala silang alam sa tunay kong identity." "Okay, ahm... ano pala ang tunay kong pangalan?" Lakas-loob na tanong ni Ashley sa asawa. "Ashley ang tunay mong first name, pero ang apelyido mo ay wala pang nakakaalam." "Wala ba akong pamilya?" "Not sure, wala pa akong nabalitaan na may naghahanap sayo kaya hindi ko alam kung meron kang pamilya." Seryosong sagot ni Atlas Froi, hindi niya maaaring sabihin ang totoo kay Ashley, baka mag-search ito sa internet. Hindi na lang sumagot si Ashley; nakaramdam siya ng paninikip nang dibdib. Sapagkat nagsisimula na siya sa pagiging emosyonal. Pero sinisikap na maging matatag at huwag magpakita ng kahit konting emosyon sa kaniyang asawa. Baka sa halip lalo siyang kawawain nito; dapat talaga maging matapang siya. Sa airport sila humantong at dinala siya ni Atlas Froi sa ladies ' room. Pagkatapos, inabot sa kaniya ang tatlong paper bags. "Magbihis ka muna; hihintayin kita dito sa pintuan." "S-Sige, pero paano ang wedding gown?" "Gusto mo bang dalhin 'yan o iwanan mo na lang doon sa loob?" "Naku! Hindi ko ito iiwanan , mahal ito. Saka dapat labhan muna ito at itabi ng maayos pati na ang suot mo na 'yan." Turo ni Ashley sa tuxedo na suot ni Atlas Froi. "Okay, kung 'yon ang nais mo, pagkatapos mong magbihis ay dalhin mo dito ang wedding gown mo at iuuwi natin sa mansion." "Okay, sige." Saka pumasok na siya sa loob. Naiwan ang asawa niya sa labas ng pintuan. Nang makapasok siya ay agad na hinubad ang wedding gown. Pagkatapos, kinuha ang laman ng paper bags at sinuot iyon. Nagpasalamat si Ashley dahil meron siyang sandals na manipis. Kanina pa sumasakit ang paa niya sa mataas na heels. Nang matapos magbihis ay dinampot ang wedding gown pati na ang heels at saka lumabas. Agad naman siyang sinalubong ng asawa at kinuha sa kaniya ang wedding gown. Pagkatapos, tinawag ang tauhan nito at inutusan dalhin sa loob ng eroplano ang wedding gown niya. Habang naglalakad, biglang pumasok sa isip ang passport. Alam ni Ashley, kapag sumakay ng eroplano, meron passport at identifications. Ibig sabihin, naroon ang full name niya? "Ahm... 'di ba bago makasakay ng eroplano, meron passport? Ibig sabihin, naroon ang buong pangalan ko?" "Ahm... ano... w-wala kang passport; ginawan ka lang ng peke na apelyido para sa travel documents." "G-Ganun ba?" "Yeah, kagaya ng sabi ng mga tauhan ni Doña Esmeralda: walang isa mang nakitang pagkakakilanlan mo doon sa lugar kung saan tayo pareho naaksidente. Ang sabi daw ng mga rescue bago pa sila dumating, marami nang tao. Kaya posibleng may taong kumuha ng wallet mo at cellphone." Tumango na lang si Ashley; gusto na niyang umiyak. Paano kung may pamilya siya at hinahanap pala siya? O kaya naman, kung may ina pa siya at umiiyak iyon sa kakahanap sa kaniya? Sa puntong iyon, tuluyan nang pumatak ang luha niya. Kaya mabilis na tumagilid bago pa makita ng asawa niya at pagalitan pa siya nito. "Stop crying, baka isipin ng mga taong nakakita sa ating dalawa ay pinagbuhatan kita ng kamay," wika ni Atlas Froi habang naglalakad sila patungo sa boarding area. Kanina pa nakakaramdam ng p*******t ng mga paa si Atlas Froi. Ang kaniyang kilikili ay masakit na rin gawa ng saklay. Hindi naman lingid kay Ashley ang sitwasyon ng asawa. "Nasaan pala ang wheelchair mo? Bakit saklay ang gamit mo?" " Gusto kong sanayin ang sarili ko na naglalakad ng walang wheelchair." "Pero nahihirapan ka.” "Hayaan mo na, at malapit lang naman ang lalakarin; meron akong wheelchair sa loob ng eroplano... sabi ko, huwag ka nang umiyak pero hindi ka nakikinig." "S-Sorry," saka mabilis na pinunasan ang magkabilang pisngi. Umayos din siya ng paglalakad at tuwid na tumingin sa unahan. Ngunit naramdaman niya ang bisig ng asawa; inakbayan siya nito. Pagkatapos, huminto sila sa paglalakad. Ang akala niya ay pagagalitan siya, pero nagulat siya nang bigla siyang yakapin at hinalikan sa buhok. "Don't cry, hindi kita sasaktan tulad ng iniisip mo." "S-Salamat," mahinang sagot ni Ashley. "You're my wife; marami kang dapat malaman tungkol sa akin. Sa tunay kong status at kung sino talaga ako. Ang nais ko lang ay huwag kang matakot sa akin. At kahit hindi na bumalik ang memorya mo, ayos lang 'yon. Dahil simula ngayon ay gagawa tayo ng magagandang alaala mula sa pagiging mag-asawa natin," ani pa ng asawa niya saka sila muling nagpatuloy sa paglalakad. May parte ng puso ni Ashley ang nais maniwala sa mga sinasabi ng asawa. Pero mas lamang ang takot na nagpapanggap lamang ito upang makuha ang tiwala niya. Sapagkat hindi niya nakakalimutan ang mga pagbabanta nito sa kaniya noong bago pa ang araw ng kasal nila. Kaya hindi siya dapat maniwala sa pananalita nito o matatamis na salita. Dahil nakasisiguro siyang kasinungalingan lahat ang ipinakikita nito sa kaniya. Ganun pa man, dapat niyang sakyan ang asawa at magkunwari na naniniwala siya dito. Saka siya kikilos ng sikreto upang hanapin ang tunay niyang katauhan. "Asshole! Tumingin ka sa dinadaanan mo at hindi mo nababangga ang asawa ko!" malakas na sigaw ni Atlas Froi, na ikinabigla ni Ashley. Sabay kabig nito sa bewang niya kaya sumalpak ang kaniyang booba sa matigas na katawan ng asawa. "S-Sino ba 'yung pinapagalitan mo?" saka tumingala si Ashley sa asawa at nakasalubong ang mga mata nila. Parang na-magnet siya sa kulay gray nitong mga mata at hindi na magawang alisin doon. "Muntik ka nang banggain ng lalaking 'yon. Alam ko, sinadya niya upang chansingan ka, tarantado!" "Huwag ka nang magalit; hindi naman niya ako nabunggo." Ani Ashley, bago tinaas ang isang kamay at hinawakan sa kabilang pisngi si Atlas Froi. Pero pareho pa silang natigilan dahil sa ginawa niyang 'yon. Ano ba ang nangyari sa kaniya at hinawakan niya sa kabilang mukha ang asawa? Baka isipin nito na inaakit niya pa ito kaya mabilis na dumistansya. Subalit kinabig siya nito sa baywang at hinapit ng mahigpit. Sa pagkakadikit ng mga katawan nila , dinig ni Ashley ang malakas na t***k ng puso niya. O tamang sabihin na ang puso nilang pareho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD