WALANG idea si Ashley kung ano ang negosyo ng kaniyang asawa. Ayaw naman niyang magtanong dito lalo at hindi din ito pala-salita. Laging tahimik at malalim ang iniisip. Isa pa pinakasalan lang siya nito para makaiwas sa kahihiyan. Kaya wala siyang dapat asahan na ituturing siya nitong asawa.
Isang linggo na sila dito sa lugar na wala yatang katapusan ang pag-ulan ng snow. Kahit nais niyang lumabas at maglakad lakad ay hindi pwede dahil sobrang lamig. Wala din kahit isang tao na makikita sa paligid lahat ay nasa loob ng bahay. Kaya sa araw-araw nakuntento na lang siyang tumanaw sa labas ng bintana.
At kaya sila naririto dahil honeymoon nila pero hindi naman sila nag-uusap. Kapag nakikita niya ang asawa, nakasakay ito sa automatic wheelchair nito at agad din umaalis. Nagsasabay lang sila sa oras ng pagkain dahil yun ang gusto nito. Hinahayaan siya nito sa mga gusto niya pero pagdating sa oras ng pagkain dapat magkasabay sila.
“Ashley, maghanda ka na at mamaya ay aalis na tayo-- dalawang oras mula ngayon.”
“Ahm… saan tayo pupunta?” lakas loob niyang tanong kay Atlas Froi.
“Pupunta tayo sa lugar na walang snow, yung makakalabas ka at magagawa mo ang bawat naisin.”
“Ah, okay,” mabilis niyang sagot saka humakbang na pabalik sa silid nila. Magkasama sila sa malaking kwarto pero sa gabi nasa magkabilang side sila ng kama. Double king size ang kama kaya malayo ang pagitan nila. Bukod pa doon meron siyang nilagay na mga unan sa gitna. Sapagkat hanggang sa mga sandaling yon ang takot niya sa asawa ay nananatili sa kaniyang dibdib.
Sa umaga pag gising nila inaalayan niya itong sumakay sa wheelchair. Minsan siya na rin ang nagtutulak para lumabas sila at magtungo sa hapag kainan. Pero sinasaway siya nito hindi daw siya maid o staff upang pagsilbihan niya ito. ‘Asawa kita at ang nais ko ay masanay ka bilang Mrs. Atlas Froi Velasquez. May mataas na confident sa sarili at kayang humarap sa kahit sino.’ Yon ang mga salitang isang beses lang nito sinabi. Ngunit itinanim niya iyon sa isipan dahil ang ugali ng asawa isang beses lang magsalita at hindi na uulitin pa.
Nang matapos sa pag iimpake ay lumabas siya ng silid at hinanap ang asawa. Nakita niya ito sa harap ng fire place siguro nalalamigan at kumikirot ang mga paa. Ganun ang napanood niya sa isang movie, kapag sobrang lamig at dumaan sa surgery sumasakit daw.
Lumapit siya dito at lumuhod sa tabi nito saka hinawakan ang isang paa at sinimulan iyon imasahe.
“A-Anong ginagawa mo?” nauutal na tanong ni Atlas Froi, bigla ang kakaibang init na nararamdaman niya mula ng lumapat ang palad ng asawa sa kaniyang hita.
“Alam ko masakit ang mga paa mo dahil sa sobrang lamig. Kaya hayaan mong hilutin ko ang mga ito.” Wika ni ashley, hindi din niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman. Takot siya sa asawa at masama ang loob niya dito dahil sapilitan siyang pinilit na pakasalan ito. Pero kapag nakikita niyang nahihirapan at nagkukunwari na ayos lang ay nakakaramdam siya ng bahagyang kirot sa dibdib. Siguro dahil siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin ito nakakalakad.
“Ashley, enough! Hindi mo yan kailangan gawin at kung tapos ka nang mag ayos ng mga gamit natin tatawagan ko na ang mga staff upang isakay na ang lahat ng yon.”
“Sabihin mo kapag hindi na masakit,” sa halip iba ang sagot niya at saka nagpatuloy sa ginagawa. Itinaas niya ang suot nitong pajama upang mahilot niya ng maayos. Ngunit unti-unting umantak ang puso niya ng makita ang mahabang pilat. Naroon pa rin ang patunay na dumanas ito ng surgery at hindi napigilan tumulo na ang kaniyang luha. “I-I’m sorry,” saka inayos ang pajama nito at nagmamadaling tumayo bago tumalikod at humakbang palayo.
Samantala nakatitig lang si Atlas Froi, sa likuran ng asawa. Muling pumasok sa isipan ang bilin ng kaniyang ina ‘son, ang pakiusap ko mahalin mo at alagaan ang iyong asawa.’ Ang paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isipan.
Kinuha ang cellphone at tinawagan ang sikreto niyang mga bodyguard. At sinabing isakay na ang nga gamit nila after one-hour ay aalis na sila. Saka pinuntahan ang asawa sa silid nila at naabutan niya itong nakatanaw sa labas ng bintana.
Lumapit siya dito at tahimik na tumabi sa tinatayuan nito. Hanggang nakita niya sa sulok ng kaniyang nga mata na nakatingin ito sa kaniya. Ganun pa man ay hinayaan niya si Ashley, kung kakausapin siya.
“Ahm… may nais lang akong itanong sayo?” kinakabahan si Ashley pero kailangan niyang lakasan ang loob. Gusto lang niyang kahit konti meron siyang alam sa pagkatao niya.
“Yes, go ahead.”
“B-Bago nangyari ang a-aksidente matagal na ba tayong magkakilala?”
“No, hindi kita kilala pagkatapos kong magising mula sa surgery saka ko lang nalaman na ikaw ang nakabangga sa akin.”
“Sabi mo wala akong pagkakakilanlan matapos ang aksidente pero paano nyo nalaman ni Doña Esmeralda ang pangalan ko?”
“Ahm… once nakita ng tauhan ni Mama ang picture mo sa social media meron nakasulat na Ashley. Kaya yon ang pangalan na ginamit namin sayo.”
“I see,” ang tangi niyang na isagot kay Atlas Froi, ganun pa man bakit may pakiramdam si Ashley na hindi nagsasabi ng totoo ang asawa? Pero ano naman ang dahilan kung sakaling nagsisinungaling nga ito sa kaniya?
Tumunog ang cellphone ni Atlas Froi, nasa linya ang tauhan niya kaya agad na sinagot. Sinabi sa kaniya na pwede na silang bumaba at handa na ang sasakyan nila.
“Let's go,” saka pinindot ang push button on at umandar na ang automatic wheelchair. Ganun pa man binagalan lang ni Atlas Froi ang pagpapatakbo upang makasabay sa kaniya ang asawa. At naramdaman niyang humawak ito sa likuran ng wheelchair niya.
Maraming bumati sa kanila mga taong nakakasalubong nila karamihan ay staff ng building ayon na rin sa uniform na suot ng mga ito.
“Bakit parang kilala ka ng mga tao dito?” curious na tanong ni Ashley, sino ba talaga ang asawa niya?
Pero hindi na nagawang sumagot ng asawa nang may lalaking lumapit sa kanila. At nasagot ang katanungan sa isipan nang marinig ang sinabi ng manager. Yumuko din ito sa asawa at malinaw niyang narinig na sinabi nito ‘Bigg Boss.’ ibig sabihin ang asawa ang may-ari ng building na ito at lahat ng mga staff ay tauhan nito. Ibig din sabihin hindi ordinaryong negosyante lang ang asawa kundi maimpluwensyang tao?
Nagulat pa siya ng hawakan ng asawa ang kamay niya at iginiya na patungo sa exit door. Ang init ng palad nito ay nagbigay ginhawa sa kaniyang nilalamig na katawan. At saka lang naalala ang jacket ng asawa nakasabit sa likuran ng wheelchair.
“Sandali lang,” pigil niya sa wheelchair at agad iyong huminto ng pindutin ng asawa ang power off. Kinuha niya ang jacket at isinuot dito. Pagkatapos ay hinila ang kumot sa ilalim ng wheelchair at nilagay sa harapan nito. Inayos pa niya iyong mabuti bago tumayo ay pinigilan din niya na pindutin ang power on at siya na ang nagtulak ng wheelchair.
Pagbukas ng sliding door sumalubong sa kanila ang sobrang lamig ng panahon. Kaya lakas loob niyang tinawag ang mga staff sa paligid para maisakay agad ang asawa sa loob ng sasakyan.
Nang maayos na ito sa pagkakaupo at naka seat belt na rin ay sumakay na siya at umupo sa tabi nito. Muling kinuha ang kumot at nilagay sa lap ng asawa. Inayos din ni Ashley ang suot nitong jacket. Saka siya umayos ng upo at maya maya lang ay umusad na ang sasakyan.
Malakas ang ulan ng snow sa labas ng bintana kaya mabagal ang takbo ng mga sasakyan. At habang nakatingin si Ashley sa labas ay unti-unting nakaramdam siya ng lungkot. Dama niya sa kaibuturan ng puso ang matinding pangungulila. At hindi na naman napigilan ang pagdaloy ng luha sa magkabila niyang pisngi.
Subalit biglang nilukuban ng takot nang maramdaman at makitang kakaiba ang takbo ng sasakyan nila. Tila nakangat din sila sa ere at nakaramdam ng matinding takot nang makitang babangga na sila. Wala siyang suot na seat belt kaya agad na niyakap ang asawa at kasunod ay malakas na ingay.
Samatala, parang kulog sa lakas ang boses ni Atlas Froi nang sumigaw sa matiniding galit. Lalo at kitang kita niya ang paghataw ng katawan ni Ashley sa likurang upuan ng driver.
“I’m sorry, Bigg Boss, bumitaw ang tire chains sa hulihang gulong ng sasakyan kaya dumulas.”
“Hindi mo ba na check bago tayo umalis kanina?”
“Secured, iyon ang sabi ng car maintenance na naglagay ng car Chains. Kaya nagtiwala na rin ako sa kanila at hindi na nagawang i-check ang mga gulong.”
“Tumawag ka kay Manager at sabihin magpadala ng sasakyan dito at pakibilisan dahil dadalhin natin sa ospital ang asawa ko!” sigaw niya sa driver.
“Copy, Bigg Boss.”
Maya maya lang may mga rescue na dumating kasama nang mga pulis. At ang nais ng mga ito ay isakay sila sa rescue car upang dalhin sa ospital. Hindi pumayag si Atlas Froi, sinabi niyang parating na ang sasakyan nila. Wala siyang tiwala sa kahit na sinong awtoridad lalo sa lugar na yon. Dahil sa kapabayaan ng mga ito maagang namatay ang kanyang ama. Kilalang kilala siya kahit saan kaya walang nagawa ng sabihin niyang hindi sila sasama. Wala din naman nasalanta sa mga tauhan niya kundi nagasgas lang ang gilid ng sasakyan nila. Ang tanging concern niya ay ang asawa na mahigpit niyang yakap. Nanginginig ang katawan nito at alam niyang masakit ang likuran.
Ilang minuto ang lumipas at dumating ang sasakyan nila. Inutusan niya ang kaniyang driver bodyguard na buhatin ang asawa at ilipat sa kabilang sasakyan.
“Sa dating pwesto mo siya ibaba kagaya kanina,” pagkatapos ay binuhat na rin siya ng ibang bodyguard at inupo sa tabi ng asawa.
“Sweetheart, pupunta na tayo sa ospital konting tiis lang.” Saka muli niya itong niyakap dama niya ang tinitiis na sakit ni Ashley. Dasal din niyang hindi masama ang kalagayan nito, upang makalabas agad sila. Ayaw na niyang manatili pa sila sa ospital. Simula ng danasin niya ang malagim na aksidente halos isumpa ang muling pagtapak sa lugar na yon.
“A-Ayos lang ako, m-masakit lang ang likod ko. I-Ikaw, hindi ka ba n-nasaktan?” Nahihirapang tanong ni Ashley sa asawa dahil ang akala niya ay tumalsik ito kanina.
“Walang nangyari sa akin, kaya sa susunod magsuot ka ng seat belt. Ang aksidente bigla na lang dumarating kaya dapat lagi tayong handa.”
“Sorry,” ang tanging salita na lumabas sa bibig ni Ashley. Malakas pa rin ang kaba sa kaniyang dibdib ang buong akala niya ay sisinghalan siya ng asawa.