NAPATUNAYAN ni Ashley kung gaano kayaman ang asawa nang iba na namang eroplano ang sinakyan nila. ‘ATLAS,’ iyon ang pangalan ng pribadong eroplano nito.
Habang nasa himpapawid, hindi sinasadya ay nakita niya ang isang magazine: The Billionaires. Tumambad sa mga mata niya ang pangalan ng asawa, pumapangalawa sa pinakamayaman. At nag-iisang tagapagmana, pero tumawag pansin sa kaniya ang nangunguna sa ranking: Montemayor-The twins. Bakit parang pamilyar sa kaniya ang apelyido na iyon?
"Wifey, let's eat, masyado ng late ang dinner natin," wika ni Atlas Froi sa asawa.
Nang marinig ang boses ng asawa, agad niyang tinago sa ilalim ng unan ang magazine at saka bumangon. Hindi naman siguro nito nakita ang ginawa niya.
"Hindi pa naman ako nagugutom," sagot niya sa asawa.
"Kahit wala ka pang gana, kailangan mo pa ring kumain kahit konti," mahinahong sagot pa ni Atlas Froi.
Tumango na lang siya at lumapit na sa asawa. Hinawakan niya ang wheelchair nito at siya na ang nagtulak. Napansin niya na kapag nasa loob ng eroplano, ordinaryong wheelchair ang gamit nito.
"Ahm... parang ang tagal na natin dito sa loob ng eroplano. Malayo ba ang pupuntahan natin?"
"Oo, kagaya ng sabi ko sa iyo, pupunta tayo doon sa walang snow at mainit ang panahon, upang makalabas ka at nang magawa mong mamasyal na rin sa mga lugar na nais mong puntahan."
"Salamat," saka inalalayan ang asawa palapit sa upuan. Minsan, hindi niya maiwasang magduda kung talagang hindi pa ito nakakalakad, sapagkat madali lang dito ang lumipat sa upuan, ganun din sa kama kapag matutulog na sila.
"Pagdating natin sa bahay, hindi mo muna ako makakasama. Ang ibig kong sabihin, may mga oras na kailangan kong manatili sa library. May mga tao din na darating at kailangan ko silang kausapin. Kaya ang mga bodyguard muna ang makakasama mo kung may pupuntahan ka. Pero mag-ingat ka at huwag basta magtitiwala sa mga taong lalapit o makipag-usap sa iyo. Marami na ang nakakakilala na asawa kita, higit sa lahat, baka biglang lumitaw ang babaeng iyon at pagtangkaan kang saktan. Kaya isuot mo ito at huwag mong aalisin. Pindutin mo lang ang button sa gilid at konektado iyon sa akin. Mabilis kong malalaman kung nasaan kang lugar."
"Oo, lagi kong tatandaan ang mga bilin mo." Sa inabot sa asawa ang kwintas. Ngunit ito ang nagsuot sa leeg niya at hindi maiwasang malanghap ang hininga ng asawa. Ilang segundo, naghinang ang mga mata nila at agad siyang nag-yuko ng ulo. Saka inabot sa kamay nito ang kwintas, at nilagay sa leeg niya. Hindi maiwasang magkalapit ang mukha niya, at langhap niya ang hininga ni Atlas. Nag-init ang kanyang mukha nang sila ay magkatinginan. Tumagal ng ilang segundo ang titigan nila at siya din ang sumuko. Nagbaling na lang siya ng mukha at lumayo na rin naman sa kanya si Atlas.
"Good, kumain na muna tayo at nang makapagpahinga na rin."
Tumango na lang si Ashley sa asawa at nagpatuloy na sila sa pagkain. Paminsan-minsan, sinusulyapan niya si Atlas Froi at ganun din pala ito, nakatingin sa kaniya.
"Call me, hubby, sa labas man o sa loob ng bahay." Hindi iyon utos dahil may respeto si Atlas sa kanyang asawa, pero iyon ang gusto niya.
"S-Sige, h-hubby," sagot ni Ashley upang hindi na humaba pa ang usapan. Bago lihim na sinulyapan ang asawa. At huli niyang nakita ang pagtaas ng kabilang sulok ng labi nito. Ano kaya ang ibig sabihin nito sa reaksyon na iyon ?
ANG buong akala ni Ashley nasa Pilipinas na sila dahil sa init ng panahon , pero mali pala nang mabasa ang lugar na kinaroroonan nila.
Dito siya dinala ng asawa sa Asian country, parte ng Thailand. 'Yon ang nababasa niya sa loob ng airport. Wala man siyang maalala, pero sa palagay niya, malapit ito sa Pilipinas. Paglabas nila ng arrival area, isang luxury car ang naghihintay sa kanila. Ibig sabihin, may bahay din sa lugar na iyon ang kanyang asawa?
Nasagot ang katanungan sa isipan matapos ang halos kalahating oras na biyahe. Pumasok ang sasakyan nila sa mataas na gate, bumungad sa mga mata nila ang magarang mansion. Pag hinto ng sasakyan nila, ay nasa mismong harapan sila ng malaking pintuan. Meron nakatayong mga gwardiya at mga taong naka-uniporme ng kulang dark blue. Babae man o lalaki, nakayuko ang mga ito habang dumadaan sila.
As usual, kagaya ng unang mansion na pinuntahan nila ng asawang si Atlas Froi , kahit saan siya lumingon, lahat karangyaan ang makikita sa paligid.
"H-Hubby, ahm... bahay mo rin ba ito?" tanong niya nang makasakay sila sa loob ng elevator.
"Yeah, kaya hindi ka dapat mailang sa mga taong naririto. Lahat sila ay mga tauhan natin, at kagaya ng lagi kong sinasabi sa iyo. Asawa kita, ikaw lang ang nag-iisang may karapatan sa lahat ng pagmamay-ari ko. Higit sa lahat, ikaw ang nagmamay-ari sa akin. Kaya ipakita mo sa lahat kung sino ka. Dahil kahit saan tayo magpunta, hindi mawawala ang mga taong nais tayong sirain. Mga taong walang nasa isipan kundi paghiwalayin tayo at tatangkain na agawin ako sa iyo. Ikaw si Mrs. Atlas Froi Velasquez, ang tanging binigyan ko ng aking pangalan. Kaya gamitin mo ang posisyon at kapangyarihan mo upang magkaroon ng takot at matuto silang respetuhin ka."
"S-Susundin ko ang gusto mo," sagot ni Ashley, at umuna na sa paglabas ng elevator. Malaki ang hakbang na iniwan ang asawa. Ngunit nang maisip na dapat siya ang umaalalay dito, ay agad na humarap at humakbang pabalik. Saka hinawakan ang wheelchair nito at siya na ang nagtulak.
"Sorry, nakalimutan kong hindi ka nga pala nakakalakad," mahinahong pahayag niya kay Atlas Froi.
"It's okay, wifey," saka inabot ni Atlas Froi sa asawa ang card key. "Mamaya, papalitan ko ang door code gamit ang palad mo."
"Sige , ikaw ang bahala," saka sila pumasok sa loob. Malawak ang loob ng silid kumpara sa pinaggalingan nila. "Ahm... h-hubby, gusto mo ba na magpahinga muna?" lakas-loob na tanong ni Ashley sa asawa.
"Yes, wifey, may oras pa naman ako bago magtungo sa library."
"Okay, halika at aalalayan kita," presinta ni Ashley, saka dinala sa gilid ng kama ang wheelchair nito. Pagkatapos, ni-lock ng gulong at inalalayan makalipat sa kama ang asawa.
"I think, kailangan ko muna maligo, wifey," wika ni Atlas Froi sa asawa. At nakita niyang natigilan ito saka bahagyang lumayo sa kanya. "Bakit, natatakot ka ba sa akin at ganyan ang reaksyon mo?"
"Hindi naman; binigyan lang kita ng espasyo upang makakilos ka ng maayos." Kalmado ang sagot ni Ashley, kahit ang totoo ay halos manginig ang mga kamay niya sa nerbyos. Kaya ba niyang makita ang hubad na katawan ng asawa?
"Wala ang PA ko, kaya ikaw muna ang gagawa no'n. Saka, asawa kita, natural lang naman siguro na samahan mo ako sa loob ng banyo."
"P-Payag naman ako, tama ka, asawa mo ako, kaya dapat hindi ang PA mo ang laging nasa iyong tabi."
"Are you jealous?"
"Hindi naman sa ganun, saka lalaki naman ang PA mo, bakit ako magselos?"
"Ang ibig kong sabihin, baka nagseselos ka dahil PA ko ang laging nasa aking tabi, kahit sa paliligo ko ay siya pa rin."
"Isa lang naman ang dahilan para magselos sa PA mo, kung bakla siya."
"Wait, nakakaalala ka na ba, wifey?"
"Wala akong naalala, pero ganun ang nabasa ko sa isang romance book."
"I see," tipid na sagot ni Atlas, may pagdududa sa isipan niya kung nagsasabi ng totoo si Ashley. Pero nang lumuhod na ito sa harap niya upang hubarin ang suot niyang pants matapos maipwesto ang wheelchair sa tapat ng shower, agad niyang nahila ang braso ng asawa. "Huwag kang lumuhod; pwede mo akong tulungan mahubad nang mga kasuotan ko na hindi ka lumuluhod."
"O-Okay, sorry," saka ni-lock ang gulong ng wheelchair. Pagkatapos, una niyang inalis ang suot na pang itaas ni Atlas Froi. At halos hindi magawang tingnan ni Ashley ang katawan ng asawa. Pakiramdam niya ay nag-iinit ang kaniyang mukha. At para hindi siya mahalata nito, agad na yumuko upang isunod ang suot nitong pants. Ngunit nang sumayad na ang kamay sa sinturon na suot, ay hindi napigilan ang panginginig ng mga kamay. Lalo pa at obvious ang umbok nito sa harapan.
"Wifey, are you still a virgin?"
"Ha? Ang ibig kong sabihin, w-wala akong maalala, kaya hindi ko masagot ang tanong mo."
"Oh, nakalimutan ko, wala pa rin nga pala ang iyong alaala." Saka bahagyang inilayo ang kamay nito at siya na ang nagbukas ng suot niyang pants. Subalit nang hilahin ni Ashley ang pants niya, ay kasamang nahila ang underwear. Bumalandra sa mga mata nito ang matigas na p*********i niya. Umigting ang panga ni Atlas Froi, lalo pa at mas lalong tumitigas yata nang makitang sinulyapan iyon ni Ashley.
Namumula ang mukha na hindi magawang tumingin ni Ashley sa asawa. Lalo at nahuling nakatingin siya sa ibabang bahagi ng katawan nito.
"Wifey, look at me," utos niya dito na agad namang sinunod nito. "Asawa kita, kaya hindi ka dapat nahihiya sa akin. Unless wala ka pa talagang karanasan sa lalaki."
Umiling si Ashley, wala siyang naaalala, kaya paano niya sasagutin ang katanungan nito?
ILANG araw na sila doon at wala siyang ginawa kundi mamasyal habang ang asawa ay nananatili sa mansion nito. Ang kasama niya sa pag-alis-alis ay mga bodyguard na nakalaan sa kaniya. Pagdating naman ng gabi ay magkasama silang nag -dinner.
"Wifey, sorry kung ngayon lang natapos ang online meeting ko. Halika na, sabayan mo akong kumain. Ang sabi ng kasambahay, konti lang ang kinain mo kanina."
"Wala din akong gana kumain," pagtatapat ni Ashley sa asawa.
"It's my fault. Kung inuna ko ang dinner natin bago nagpatuloy sa online meeting ko. Hayaan mo, simula ngayon, anuman ang ginagawa ko at kahit gaano pa ako ka-busy, ay iiwan ko kapag oras ng pagkain."
"Hindi mo naman kailangan gawin 'yon, nauunawaan ko naman 'yon."
"Basta, pangako ko sa'yo, kagaya ng dati, lagi tayong magkasabay kumain. Breakfast, lunch o dinner."
"Sige kung ' yon ang nais mo," saka siya nagsimulang humakbang at magkasama silang lumabas ng silid nila.
UMABOT sila ng isang buwan sa lugar na 'yon. At ngayon ay aalis na sila; ang mga gamit nila ay nakahanda na rin.
"Babalik na tayo ng bansang Pilipinas, kailangan ako ni Mama." Pagbibigay-alam ni Atlas kay Ashley.
Tumango lang siya at may bahagi sa puso niya na nakaramdam ng kasiyahan. Siguro dahil uuwi na sila sa sariling bansa. May parte din sa puso niya na nais malaman kung sino talaga ang twin's chairman Montemayor. Mula nang makita niya sa magazine, hindi na niya makalimutan ang kambal. Maraming katanungan sa isipan kung kilala ba niya ang mga ito.
Nasa himpapawid na sila, nang maisipan ni Atlas Froi na silipin ang kinaroroonan ng asawa. Lately, nais niyang lagi itong nakikita; malaman na okay ito at naibibigay ang mga kailangan nito.
Nadatnan niyang tulog na tulog ang asawa at iyon ang isang napansin niya dito. Hindi basta nagigising; kahit buhatin pa yata niya, ay mananatiling tulog.
May nais siyang makita sa katawan ng asawa upang makumpirma na ito talaga ang tunay na Ashley Montemayor at hindi ang babaeng nagpakita noong nasa bansang Thailand sila.
Maingat na ibinaba ang comforter sa katawan nito, pagkatapos ay sinimulang buksan ang butones ng suot nitong pantulog. Ang totoong Ashley ay may nunal sa ibabang parte ng boobs, malapit sa tagiliran. Nakita niya iyon sa mga old picture nito habang nakasuot ng two-piece swimsuit.
Ayon pa sa isang tauhan niya na inutusan niya noon na alamin ang tunay na pagkatao ng isang Ashley Montemayor, ang nakalagay sa resulta ay wala itong kakambal o kapatid na babae. Tatlo lang magkapatid ang mga ito, ang twin's chairman at bunso ang asawa niya. Kaya ang babaeng lumapit sa kanya noong nasa Thailand sila, nakakasigurado siyang kamukha lang ng kanyang asawa.
Ang gumugulo sa kanyang isipan, sino ang babaeng iyon, bakit bigla na lang lumitaw at nagpakilala sa kanya na ito ang asawa niya at ang kasama raw niya ay impostor? Ganunpaman, hindi siya kailanman magpapaloko sa mga kagaya ng babaeng iyon.
Tumabi siya ng higa sa asawa at pinagmamasdan ang kabuuan ng mukha nito. Iniisip niya ngayon ang pagdating nila sa bansang Pilipinas. Imposibleng maitago pa niya si Ashley sa mga kapatid nito.