TATLONG oras bago lumapag sa bansa ang eroplano na pagmamay-ari ni Atlas Froi, nakaramdam ng kakaiba si Ashley. Naiinitan siya kahit sobrang lakas naman ng air-condition sa VIP room na kinaroroonan nila ng asawa. Nagsimula ang ganoong pakiramdam ilang minuto pagkatapos mainom ang maligamgam na gatas. Akmang tatanungin niya si Atlas Froi, nang mapansin na hindi rin ito kumportable sa higaan. Nakapikit ito, ngunit ang magkabilang kamay ay mahigpit na nakahawak sa bedsheet. Samantala, siya, habang nakatagilid paharap dito, ay hindi na rin mapalagay. "H-Hubby, are you okay?" tanong ni Ashley sa asawa. "Humm... medyo mainit, baka dahil sa isang shot na whisky. Uminom ako kanina bago nahiga upang agad na makatulog. May tatlong oras pa naman tayo bago lumapag sa bansang Pilipinas. Ikaw, bakit