CHAPTER 62: SA BAHAY KO nakatulog si Travis ngunit paggising ko sa umaga, hindi ko na siya naabutan. Nag-iwan siya ng note sa ibabaw ng side table ko… Rory, kailangan ko lang kausapin si Mommy. I need to clear things with her for us to get marry in peace. Please, trust me with this. Wait for me, okay? – Travis. Matapos kong mabasa iyon ay nag-ayos na ako ng sarili at naghanda na sa pagpasok sa trabaho. Somehow, I gave him all my trust. This time, hahayaan ko na muna siyang kunin ang tiwala ko, at kung hindi pa rin matatapos ang lahat ng ito, tama na talaga. Wala ng siguro, wala ng isa pang chance. Kahit sino naman siguro’y magsasawa sa ganito, magsasawang maghintay sa tamang panahon. Nakalabas na ako ng condo unit ko dahil papasok na ako sa trabaho nang makaramdam ako ng kakaiba. I bit

