CHAPTER 63: SAGLIT AKONG NATULALA habang nakatitig sa Mommy ni Travis. Nakataas ang kilay niya habang nakatitig sa akin. Iyong mga mata niya ay sinusuyod ang kabuoan ko, tila kinikilala ako base sa kung ano ang itsura ko. “Hindi mo ba ako papapasukin?” mataray na tanong niya. My mouth parted, and without hesitation, I opened the door widely. “P-pasok po kayo.” Nanlalamig ang buong katawan ko habang hinihintay siyang makapasok nang tuluyan. Isinara ko iyon at humarap sa kanya. Naabutan ko siyang papasok sa loob ng bahay ko at sinusuyod ng tingin ang bawat sulok. Grabe-grabe ang kaba sa dibdib ko habang hinihintay siyang matapos sa pagkilatis ng bahay. “You’re 29 years old, a producer at Big Star Network. You owned only this condo unit. Ang mga magulang mo, may ari-arian ba? Sa pagkakaa

