CHAPTER 64: “I’M REALLY SORRY, hindi ko alam na pupuntahan ka niya. Nag-away na kami ni Mommy kaninang umaga dahil ipinipilit kong huwag ituloy ang kasal. Nang malaman ko kay Natasha na sinugod ka pala ni Mommy dito, she helped me runaway.” “Talaga?” I asked him. Pinupunasan niya ng ice pack ang pisngi ko dahil bahagya iyong namumula. Kanina pa siya panay ang hingi ng sorry mula nang umalis ang Mommy niya. At kanina pa rin ako walang kibo. “Yes, I told you that Natasha is also against to the marriage. May boyfriend siya kaya ayaw niya rin akong pakasalan,” he replied. Marahan akong tumango at hinayaan siyang ipagpatuloy ang pagpupunas sa aking pisngi. Nakatitig lang din ako sa kanya habang ginagawa niya iyon. Kanina ko pa rin iniisip kung paano ko sasabihin sa kanya ang tungkol sa si

