The Dinner

3247 Words
BLOOD: COMPILATION OF HORROR STORIES The Dinner Nagising na lang ako na parating oras ako nagigising ang masayang mukha ng aking asawa na si Mary. Ibang-iba ang aura at mood niya ngayon, na hindi niya parati naman ginagawa. Ang masayang ngiti at maaliwalas niyang mukha ang mag bigay ng kilabot na lang sa akin. Bihis na bihis siya, at nag lagay ng make-up na para bang may napaka mahalagang okasyon sa araw na ito ngayon. Suot niya ang magandang bestida na pula na niregalo ko sakanya no’ng naka raang limang taon na anibersaryo namin. Ako si Jhon Madrigal at siya naman ang asawa kong si Mary, pareho kami 43 years old at nag tra-trabaho ako sa GMH Company at karaniwan akong umuuwi gabi na kaya’t ang asawa ko na lang ang naiiwan mag isa sa bahay. “Happy 8th year wedding anniversary, Hon.” Bati niya na lang sa akin na masiglang tinig. Ngayon alam ko na kong bakit napaka saya ngayon ni Mary dahil mahalaga talaga ang araw na ito sa amin pareho. Hindi naman sa naka limutan ko na ang espisyal na araw na ito sa aming dalawa kundi nawala lang talaga sa isipan ko. Kada taon pag sapit ng aming anibersaryo pinag didiwang talaga namin ang aming wedding anniversary, na walang palya. Hindi na doon nawawala ang dinner date na gumagawa kami ng pakulo paano maging special at memorable ang gabing iyon para sa amin. At bago matapos ang gabing iyon mag bibigay kami ng regalo sa isa’t-isa na iyon ang inaabangan ni Mary lagi. Alam kong hindi madali ang pinag daanan ng asawa ko nitong nag daang apat na taon. Nakuhan muli si Mary sa pang tatlong sana namin na anak at labis siyang depressed na, halos ilang buwan siyang tulala at hindi maka usap ng maayos. Iyak lang siya nang iyak, na halos hindi na siya lumalabas ng silid. Nalugmok siya sa pag kawala ng anak namin at alam kong napaka hirap para sakanya ang kanyang pinag daanan ng sandaling iyon. Nahirapan din ako, nasaktan rin ako dahil nawalan din ako ng anak. Masakit na ilang taon na kami nag hihintay para sa biyayang iyon, pero wala pa rin. Ganun siguro, Sinabi ko sa asawa ko, na kailangan naming tanggapin ang lahat dahil baka iyon talaga ang plano ng Diyos sa amin. Baka hindi pa namin oras. Baka sa tamang panahon ibibigay din iyon sa amin. Maka lipas ng ilang buwan na gamutan sa asawa kong si Mary, bumalik na rin siya sa dati pero nag bago na ang lahat. Hindi na siya kagaya ng dati. Hindi na siya pala ngiti at masayahin. Parati na lang siyang tahimik at naging kakaiba rin ang kanyang kilos. Naging malamig siya sa akin, na para bang nawalan ng sigla at tabang sa pag sasama namin na halos hindi na kami ganun nag uusap na dalawa sa iisang bahay. Nanibago ako sa kilos at pakikitungo sa akin ng asawa ko pero tinanggap ko iyon. Inintindi ko siya dahil baka nasa parte pa lang siya ng pag hihilom ng pag kawala ng anak namin at babalik rin ang asawa ko. Nag hintay ako. Ang araw naging linggo. Ang linggo naging buwan. At ang buwan naging taon. Tatlong taon na ang nakaka lipas simula ang pag kawala ng anak namin, hindi na nag bago ang pakikitungo ng asawa kong si Mary sa akin. “Happy anniversary,” matabang ko na lang na sagot at pinakita niya lalo ang matamis na ngiti sa labi. “Halika na, mag handa kana at nag handa ako ng masarap na almusal sa ibaba.” Bago pa man ako maka sagot, hinaplos ni Mary ang balikat ko at nag lakad na siya palabas ng silid, na kina sunod ko na lang sakanya ng tingin. Tinignan ko na lang ang nilabasan na pinto ng asawa ko, bago ko napag pasyahan na bumaba sa kama para makapag handa na. Pag baba ko sa unang palapag, naabutan ko na lang si Mary, na nag hahanda ng pag kain sa hapag kainan. Naging normal lang ang pag sasalo namin ni Mary ng agahan, kagaya ng araw-araw naming ginagawa. Hindi nag kikibuan hanggang matapos lang kaming kumain, na para bang hindi kami mag kakilala na dalawa. Nasanay na lang talaga ako sa ugali at pinapakitunggo ng asawa ko sa akin at aaminin kong nag bago na rin ang pag tingin ko sakanya. Mahal ko siya pero unti-unti nang nawala ang pag mamahal ko sakanya. Ayaw ko siyang saktan. Gusto kong sabihin sakanya na makikipag hiwalay na ako sakanya ngunit wala akong lakas ng loob na sabihin ang bagay na iyon. Ayaw kong sirain ang magandang mood niya ngayon araw lalo anibersaryo naming dalawa. Nag handa si Mary ng toast bread, scrambled egg, fried rice at hotdog. Ang mabangong aroma ng black coffee ang mag pakalam pa lalo ng sikmura ko. Palihim ko na lang ang asawa kong tahimik na kumakain, hindi na maalis ang matamis na ngiti at sigla niya ngayong araw na hindi normal sa araw-araw niyang sarili. “Hon? Umuwi ka ng 7pm mamaya at mag hahanda ako ng masarap na dinner para sa ating dalawa.” Bago pa ako matapos kumain ng agahan pinutol ni Mary ang malamig na atmosphere na namamagitan sa aming dalawa. Mapa hinto ako sa pag kain, hindi pa rin nawala ang matamis na ngiti sa labi niya. “Baka, hindi ako makaka uwi Mary.” Sagot ko naman.Pinag dikit ni Mary ang kanyang palad at sinandal ang siko sa lamesa, na hindi inaalis ang mata sa akin. “Marami pa kasi akong gagawin na trabaho sa kompaniya na dapat asikasuhin at baka gagabihin pa ako ng uwi.” “Sige na Hon.” Pangungumbinsi niya na lang. “Excited pa naman ako sa anniversary natin, naka handa na rin ang special na regalo ko sa’yo. Hindi ka ba doon nasasabik?” “Kasi Mary.” “Sige na, para sa akin? Hmm?” Pag pupumilit niya na lang at nilapag na ang hawak kong kubyertos. “Hihintayin kita mamayang 7pm, huwag kang mala-late ha?” Hindi na lang ako sumagot. Hanggang maka tapos na akong kumain, kagaya ng dating ginagawa ni Mary hinahatid niya ako sa labas ng bahay namin. Sumakay na ako sa sasakyan at nag paalam na sakanya. Binuhay ko na ang makina ng sasakyan, habang pinapatakbo ko iyon nakita ko na lang ang repleksyon ng asawa kong si Mary sa salamin, naka tayo sa labas ng bahay namin at sinusundan ako ng tingin. Kumakaway siya sa palayong kotse ko at hindi naalis ang nakaka kilabot na ngiti sa labi na binitawan niya na mag pagimbal na lang sa aking dibdib. Naka rating ako sa kompaniya pasado alas nuwebe ng umaga. Tulala at napaka layo ng aking iniisip. Naalala ko pa rin ang nakaka kilabot na ngiti ni Mary bago ako umalis, na ibang dating no’n sa akin na hindi ko maipaliwanag. “Kumusta love?” Sinalubong ako na pag bati ni Chloe na maka pasok ako sa Opisina at hinalikan niya ako sa labi. “May problema ba?” Lumapit si Chloe at tinignan ko na lang ang secretary ko. Isang taon na kaming may relasyon ni Chloe, siya ang mistress ko. Alam kong mali. Alam kong bawal pero gusto ko ng tapusin ito sa aming dalawa ng asawa ko. Si Chloe lang ang naging sandalan at karamay ko ng panahon na naging malamig ang pakikitungo ng asawa ko sa akin. Alam kong mali ang humanap ng atensyon at pag mamahal sa iba pero nahulog na ako sakanya. Mabait si Chloe, maalaga at may mabuting puso/ “Si Mary.” Pag bibitin ko na lang na tinig. “Niyaya niya akong mag dinner date mamayang gabi. It’s our wedding anniversary, love.” Sinapo ko ang mukha ko at nagunguluhan na tumitig sa nobya ko. “Ganun ba? Sige pumunta ka love, okay lang sa akin.” “Pero paano na ang dinner natin mamaya?” “Okay lang at may mga susunod pa naman love.” Anito. “Tyaka tumawag sa akin kanina si Mom, at mag family dinner kami mag kakasama. Alam mo naman na ilang buwan ko na sila hindi nakikita ang mga magulang ko dahil parati akong busy sa trabaho kaya’t pag bibigyan ko sila.” “Love.” “Okay lang.” Anito at pinakita niya ang matamis na ngiti sa labi. “Pag bigyan mo na ang asawa mo, alam kong inaabangan niya sa lahat ang araw na ito dahil anibersaryo niyo. Pumunta kana love, that’s okay with me.” Minasahe na lang ni Chloe ang kamay ko at hindi na ako sumagot pa. Alas sais pasado, nag handa na ako paalis ng kompaniya para maka uwi sa bahay. Buo na ang desisyon kong pupunta na lang sa dinner date namin ni Mary para tapusin na ito. Balak kong sabihin sakanya ang totoo. Hindi na ako mag lilihim sakanya. Hindi ko na ito itatago ko pa Paka tapos ng dinner namin, doon ko sasabihin sakanya na makipag hiwalay na ako sakanya at mag sasama na kaming dalawa ni Chloe. Alam kong masasaktan siya. Alam kong mahihirapan siya pero ayaw ko nang patagalin pa itong kasalanan at pag kakamali ko. Lumabas na ako sa aking Office, sinilip ko ang area ni Chloe at wala na siya roon. Natanggap ko ang kanyang mensahe na maaga siyang aalis dahil gusto niyang sulitin ang oras na kasama niya ang pamilya niya. Umalis na ako sa kompaniya para pauwi sa amin, para hindi ako maipit sa mahabang byahe. Saktong 6:50 ng gabi, naka rating na ako sa tapat ng bahay namin. Nag taka ako nang husto dahil hindi naman brownout pero ang bahay lang namin ang walang ilaw, sa mga kabahayan na naroon sa subdivision. Lumabas na ako sasakyan at gamit ang spare key, naka pasok ako. Ang malamig na hangin at kadiliman ng bahay namin ang unang sumalubong kaagad sa akin. Ilang parte ng bahay nilamon na ng dilim at tanging nag sisilbing liwanag lang ng gabing iyon ang mga kandila sa kasulok-sulokan ng bahay. Binuksan ko ang switch ng ilaw ngunit naka patay iyon, hindi na ako nag isip ng sandaling iyon, nag asseum na lang ako na parte iyon ng surprised dinner date naming dalawa na hinanda ni Mary. “Mary?” Tawag ko na lang ngunit katahimikan na lang ang sumalubong sa akin. “Mary, nandito ka ba?” Kinuha ko ang kandila para mag bigay liwanag sa paligid Nag patuloy ako sa pag lalakad para hanapin ko ang asawa ko pero nanaig ang katahimikan ng gabing iyon, na mabibingi kana lang talaga na sobrang tahimik. Ginala ko ang mata ko sa paligid ngunit hindi ko nahagip ng mata ko ang presinsiya ng asawa ko kaya’t sinimulan ko na siyang hanapin. Inapak ko na ang paa ko papunta sa ikalawang palapag para doon siya hanapin. Nag lakad na ako sa hallway at nakita ko ang pintuan ng kwarto namin. Pinihit ko ang seradura ngunit naka lock iyon kaya’t pilit ko na naman muli na buksan. “Mary? Nasa loob ka b——-“ “Mabuti naman at nandito kana, Hon.” Ang salita na lang sa likuran ko ang mag patigil na lang sa akin. Nakita ko si Mary na naka tayo sa likuran ko at binigyan niya ako ng creepy na ngiti. “Bakit naka patay ang mga ilaw?” Hindi ko pinahalata pero na we-weirdan ako lalo sa kinikilos niya. “Parti ito ng surprised ko, Hon.” Kalmado niyang tinig. “Bakit naka sarado ang pintuan ng kwarto natin?” Tanong ko pa. “Gusto ko sanang pumasok dahil gusto kong maligo at mag palit ng damit.” Wika ko pa at pinakita niya ang ngiti sa labi. “Nandiyan kasi sa loob ang surprised gift ko sa’yo Hon, kaya naka lock ang pinto. Hindi naman maganda na makita mo na kaagad ang surpresa ko na hindi pa tayo kumakain ng dinner. You don’t want to spoil the surprised , do you?” Dinala ako ni Mary sa guest room, doon ako naligo at pinag handaan niya rin ako ng damit na maisusuot samantala naman si Mary nasa ibaba na dahil malapit na raw maluto ang masarap na ulam na hinanda niya sa dinner namin. Bumaba na ako at pumunta sa dining area, naka set up na ang dining table ng pinggan at mga kubyertos at bote ng champagne. Naka lagay sa ibabaw ng table ang sariwang bulaklak. It was a candle light dinner, simple lang naman ang hinanda ni Mary na salad na parati niyang ginagawa taon-taon at for the main dish ang steak. Nag simula na kaming kumain ni Mary, hindi pa rin kami nag kikibuan kagaya ng dati mag katabi kaming kumakain na tanging tunog ng kubyertos na lang ang maririnig mo. “How’s the food, Hon?” Basag ni Mary ng katahimikan na tinusok niya ang steak gamit ang tinidor sabay sinubo. “Hmm, that’s good.” Tinig ko pa na ngumunguya ng pag kain na hinanda niya. “Good? Or so good?” Hirit niya pa. “Oo masarap, saan mo ba nabili ito? Napaka lambot at napaka ninamnam ng karne.” Hindi naman talaga maikakaila na napaka sarap naman talaga ng niluto niyang steak. Nanunuot sa laman ng karne ang lasa na kusang kumakapit sa dila ko ang lasa. “Hmm, nabili ko iyan na karne malapit sa Company mo. Mayron kasi na bagong bukas na meatshop kaya’t sinubukan ko kong masarap talaga.” Pag bibitin ni Mary na hinihiwa ang steak. “Mabuti naman at nagustuhan mo, Hon. Nag alala kasi ako na hindi mo nagustuhan dahil first time ko mag luto ng ganiyan.” Nahihiya pa niyang tinig. May talento naman talaga ang asawa kong si Mary sa pag luluto, katunayan napaka galing niya kaya’t hindi na ako mag tataka kong napaka sarap nitong niluto niya. Nabalot ng kwentuhan ang gabing iyon na nag sasalo kami ng hapunan doon na ako nag lakas ng loob na kausapin siya. “Hmm, Mary.” Pukaw atensyon kong tawag. “May sasabihin sana ako sa’yo.” Aaminin ko na sakanya ang totoo. Iiwan ko na siya at mag sasama na kaming dalawa ni Chloe. “Ako rin, John.” This time, tinawag niya ako sa pangalan ko hindi sa tawagan naming dalawa na ‘Hon’. “So, tapos na tayong kumain, pwede mong tignan ang regalo ko sa’yo sa kwarto.” “Pero importante talaga itong sasabihin ko sa’yo, Mary.” “Pwede mo naman sabihin sa akin pag katapos.” Tumayo na si Mary at binigay niya sa akin ang susi ng kwarto namin. “Sige na, umakyat kana at susunod na lang ako sa’yo. Ililigpit ko lang itong pinag kainan natin.” Kalmado niyang tinig. Kahit ayaw kong sumunod sakanya, wala rin naman akong nagawa. Tumayo na ako at pinanuod ko na si Mary, nililigpit na ang pinag kainan namin. Hindi na ako nakipag talo pa sakanya, pakatapos kong makita ang surpresa niya sa akin aalis na ako at mag pakalayo-layo na ako. Paakyat na ako sa ikalawang palapag na hawak ko ang kandila sa kaliwang kamay ko na tinatahak ang daan papunta sa silid namin. Halos buong bahay, nilamon na ng dilim hanggang tuluyan na akong maka akyat at tumigil sa tapat ng kwarto namin. Pinasok ko na ang susi sa keyhole at hindi ko maipaliwanag kong bakit pinag pawisan na lang ako ng malala sa palad ko. Tinulak ko na lang pabukas ang pintuan, nilamon na ng kadiliman sa loob. Inapak ko na ang paa ko papasok sa loob ng silid, “Ano kaya ang regalo sa akin ni Mar———-“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko na may maapakan akong tubig sa sapatos ko. Bakit may tubig rito sa loob ng silid namin? Binaba ko ang hawak kong kandila patapat sa aking paa para tignan kong ano iyon. Bigla na lang ako nagimbal na masaksihan ang pulang likido sa sahig. Pulang likido na mag palakas ng kalabog ng aking puso, at takot para sa sarili ko. Sinundan ko, kong saan nag mumula ang pulang likido at pinag pawisan na ako ng malala hanggang mapunta iyon papunta sa kama. Nagulantang ang aking pag katao at may anong hilakbot sa puso ko na makita ko si Chloe na naka upo sa kama. Duguan, at wakwak ang kanyang dibdib at labas ang kanyang laman-loob. Nag kalat ang kanyang dugo sa buong kama at sobrang nakaka gimbal na ngayon wala na ang ibang parte ng kanyang laman. “C-Chloe.” Mangiyak-ngiyak niyang tawag sa nobya wala sa sariling napa atras sa ako ng aking paa sa takot at hindi makapaniwala sa nakaka takot na aking nasaksihan. “H-Hindi, hindi.” Paulit-ulit kong sambit. Hindi. Hindi maari. Chloe. “Nagustuhan mo ba ang surpresa ko sa’yo John?” Sulpot na tinig ni Mary na ngayon naka tayo na sa likuran ko, nag danak ang malamig na pawis sa leeg at noo ko na ngayon may hawak siyang patalim . Naging malilikot na ang mata ko, bigla na lang nanigas ang mga paa ko. Gusto kong tumakbo hindi ko magawa Labis na sindak, hindi ako makapag isip ng matino sa labis na takot. “Matagal ko ng alam John, matagal ko ng alam na niloloko mo ako at balak mo akong iwan. Hindi ako bulag John, hindi ko bulag para hindi ko maramdaman ang lahat ng mga ginagawa mo.” Panimula niyang tinig at parang nababaliw sa harapan ko. “Kanina tinawagan ko si Chloe, para mag usap kaming dalawa, buti na lang talaga nasarapan ka sakanya.” “Anong i-ibig mong sabihin?” Pawisan na tanong ko, naguguluhan sa ibig niyang ipahiwatig doon. “Kanina, sarap na sarap ka pa nga habang sumasalo tayo ng dinner. Si Chloe iyon, John.” Napa kurap na lang ako ng aking mga mata. “Napaka sarap ng steak diba? Naubos mo pa nga eh. Napaka sarap talaga ang laman ng tao, sobrang lambot at napaka ninamnam.” Parang umakyat sa lalamunan ko ang mga kinain ko na gusto kong dumuwal sa pandidiri na marinig lahat ng sinabi ni Mary. Hindi, Hindi maari. Gusto kong paniwalaan na mali ang mga narinig ko. Gusto kong paniwalaan na hindi totoo ang mga sinabi niya, pero sinasabi naman ng utak ko. Posibleng totoo nga dahil wala halos ang ibang laman ng katawan ni Chloe. Niluto niya iyon at sabay pa naming pinag saluhan kanina. Tinignan ko sa huling pag kakataon ang patay na bangkay ni Chloe sa ibabaw ng kama. Dilat na dilat ang kanyang mga mata, at gumuhit ang sindak at labis na trauma bago siya namatay sa kamay ni Mary. “Uckkk.” Dinuwal ko lahat ng mga kinain ko sa isang tabi, diring-diri at hindi ko akalain na kakain ako ng mismong laman ng tao. Ang nakaka gimbal pa doon ang laman ng taong mahal ko. Si Chloe. “Hahaha!” Parang nababaliw na malakas na tawa ni Mary, ang kanyang pag tawa nakaka kilabot at nakaka takot. Hinang-hina na mapa tingin ako sakanya, hindi ko maatim ng aking sikmura na kumain at nasarapan ako sa laman ng tao. “Hindi ako makakapayag na mawala ka sa akin John at iwan ako. Kong hindi ka man mapapasa akin, hindi ako makakapayag na mapunta ka sa iba John.” Lumitaw na lang ang nakaka kilabot niyang tinig at wala sa sariling napa atras na lang ako ng aking paa sa takot. THE END.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD