Thy Womb
"Excited kana ba, Erika sa inyong pag alis mamaya?" Ang salita ni Mommy ang mag patigil sa akin sa pag iimpake ng mga damit ko.
"Opo, Ma." Hindi na maalis ang matamis na ngiti sa labi ko na sinasabi ang bagay na iyon. Isa-isa kong nilalagay ang mga damit ko sa malaking bag laman ng mga gamit ko, na sakto naman sa isang linggo na pag babakasyon ko sa probinsiya. Naka lagay na doon ang mga pang bahay, pang alis at iba pang mga damit na alam kong magagamit ko sa aking pag babakasyon. "Hindi na talaga ako makapag hintay, na maka balik doon, Ma." Wika ko na lamang na huminto naman si Mama sa tabi ng kama pinapanuod ako nitong mag ayos ng mga gamit ko.
Hindi na maitago ang saya at pag kanabik ko lamang dahil mananatili ako sa bahay ng pinsan ko sa Bicol para mag bakasyon ng mahigit isang linggo doon. Kakatapos lang ng klase namin at kasalukuyan na bakasyon ng mahigit isang buwan kaya't susulitin ko talaga ng husto sa pananatili sa bahay ng Lola ko, kasama ng mga malalapit kong pinsan at kaibigan doon.
Hindi pa man nakaka alis, marami ng sumasagi sa isipan ko na magagandang gawin ko sa ilang araw kong pananatili doon na mag pasabik pa lalo sa akin.
Tubong taga Bicol talaga sila Mama at Tita, naka tira lang kami dito sa Tarlac dahil dito nila piniling manirahan no'ng ikasal na ang mga magulang ko. Sa tuwing bakasyon at espisyal talagang mga okasyon ako nakaka punta sa dating bahay nila Mama doon sa Bicol, at labis talaga akong natutuwa na maka balik muli dahil na rin sa gusto kong malanghap ang sariwang hangin at higit sa lahat napaka layo sa buhay namin dito sa Tarlac.
Maraming mga puno sa paligid sa Bicol, probinsiya talaga ang datingan na malayong-malayo talaga sa siksikan at polluted na lugar. Marami rin sa Bicol na makikita na mga pang paliguan doon kagaya ng batis, ilog, bukal, dagat at mga paliguan na walang bayad kaya't doon ako labis nag eenjoy. Marami ka rin na mapupuntahan na mga magagandang tanawin at lugar na mamangha ka talaga ng husto na kasing ganda iyon ng paraiso.
Higit sa lahat ang binabalik-balikan ko talaga doon ang mga masasarap na pag kain at mga naging kaibigan ko na rin sa ilang beses na pabalik-balik ko doon sa aking pag babakasyon.
May isang bagay rin talaga akong inaabangan sa pag balik ko sa Bicol, kundi iyon ang paliligo sa mga paliguan at ilog doon kaya't mas marami akong dinala na pang paligo at sexy na mga outfit.
"Habang naroon ka sa Bicol, huwag mong bibigyan ng sakit ng ulo ang Lola mo." Paalala na lang ni Mama na nakikinig lang ako sakanya na malapit na ako sa pag aayos.
Naka tira doon sa Bicol sina Lola at Lolo. Kasama na rin si Tita Lagring ang kapatid ni Mama, ang asawa na rin ni Tita at dalawa ko pang pinsan na si Melanie na kasing gulang ko lang naman na labing pitong taong gulang at sumunod naman sakanya si Joshua na kinse anyos lamang. "Ayaw kong malaman-laman Erika na kong saan-saan kang paliguan nakaka punta. Jusko po, baka pag alalahanin mo pa nang husto ang Lola at Lolo mo doon na bigla-bigla na lang kayong nawawala ng pinsan mo na si Melanie na umaalis na lang kayo na walang paalam at nalalalaman namin na naliligo na kayo sa mga ilog at dagat." Pinapalabas ko na lang sa isa kong taenga ang mga sinasabi ni Mama at pinag sawalang bahala na lang ang kanyang sinasabi.
Alam ko naman na nag aalala sila lang husto kong saan-saan na lang kami nakaka punta ni Melanie maligo kasama ang mga kaibigan namin at kung minsan ginagabi na kami nakaka-uwi galing sa pamamasyal kong saan-saan.
Pero ayos lang sa akin ang pag tatalak ni Mama dahil kapag naka rating na ako sa Bicol, wala rin naman ang makaka pigil sa amin.
"Kong wala lang talaga kaming importante na gagawin ng Papa mo sa trabaho, sasamahan ka namin diyan sa Bicol dahil kilala kita, hindi ka mapakali sa isang lugar lang.. Hindi talaga ako sang-ayon sa pag babakasyon mo na iyan eh." Napa ngiti na lang ako ng kay tamis dahil alam na alam talaga ni Mama ang ugali ko.
Alam niya kasi na isa sa mga hilig ko ang maligo sa mga swimming pool o kaya naman mga paliguan.
Dito nga sa Tarlac halos nalibot ko na ang lahat ng mga paliguan dito dahil parati akong naka tambay doon at naliligo na kung minsan nagagalit na nga si Mama na parati na lang ako nawawala at nahahanap nila ako sa mga paliguan dito sa amin.
"Hindi po talaga Ma, pramis." Tinaas ko na lang kaliwang kamay ko na nanunumpa sa harapan niya na mapa busangot na lang ito, halatang hindi kumbinsado sa sinasabi ko. Sinarhan ko na ang bag ko na palatandaan na tapos na ako sa pag aayos. "Huwag po kayong mag-alala, nangako po ako kay Papa na hindi kami pupunta ni Melanie kong saan-saan na mga paliguan at tyaka po nandon lang kami sa bahay ni Lola sa buong isang linggo ko na bakasyon doon." Kulang na lang mapunit ang ngiti ko sa lawak ng tamis doon na hindi pa rin mawala sa mukha ni Mama ang pag aalala sa akin.
"Tigil-tigilan mo ako diyan, Erika. Siguraduhin mo lang talaga at ayaw kong malaman na umaalis ka at maliligo ka kong saan-saan." Pinanlakihan na lang ako ng mata nito. "Kong ako lang talaga ang papipiliin mas gusto kong narito kana lang sa bahay dahil biglang kumakati ang paa mo sa tuwing nakaka kita ng tubig e——-" hindi na natapos ni Mama ang pag tatalak na marinig namin pareho ang pag busina ng sasakyan sa labas ng bahay namin, na palatandaan na nandiyan na ang sundo ko na mag hahatid sa akin sa Bicol.
Dali-dali naman akong tumayo at kinuha na ang bag ko na naka lagay sa ibabaw ng kama at sinabit na sa balikat ko para maka panhik ng maka alis. "Nandiyan na ang sundo ko Ma, bye po." Dali-dali na lang akong kumilos at hindi ko na siya binigyan pa ng pag kakataon na ipag patuloy ang sasabihin na humalik na lang ako sa kanyang pisngi. "Alis na ako Ma, I love you. Ingat kayo ni Pa!" Paalam ko na lang na halos takbuhin ko na palabas ng aking kwarto at pag sunod na lang sa akin ni Ma ng tingin.
"Sandali lang, Erika." Pahabol na lang na pag tawag nito sa akin, na hindi ko na kinalingon pa at dire-diretso na akong lumabas at hindi ko na kinapansin pa. "Erika."
Masaya naman ang bakasyon ko sa Bicol at sinulit ko talaga ang anim na araw na pananatili ko doon, kasama ang pinsan kong si Melanie na nilibot namin ang magaganda na mga paliguan doon. Enjoy na enjoy talaga ako ng husto dahil walang magulang ko ang mag babawal sa akin kaya't kong saan-saan na lang kami nakaka punta kasama ng kaibigan ko na ginagawa namin ang masasayang gawin.
"Melanie, maligo tayo doon." Napa hinto na lang ako at tinuro sa pinsan ko ang nadaanan namin na ilog sa pag lalakad namin pauwi. Kakagaling lang namin sa ilog doon sa kabilang baryo at napa daan kami sa masukal na daanan na short-cut na nga kong tawagin. Medyo familiar na rin sa akin ang dinadaanan namin dahil madalas kaming dumadaan dito subalit, sa ilang beses naming pabalik-balik ngayon ko pa lang nakita ang ilog na iyon.
Napaka lawak ng ilog at makaka kita ka pa ng mga malalaki at katamtaman lamang na mga bato sa paligid ng ilog at maririnig mo na lang ang pag lagaslas ng tubig na animo'y ang sarap-sarap mag tampisaw at mag babad doon. "Mukhang masarap maligo roon dahil malamig at sariwa ang tubig. Maligo tayo doon kahit saglit lang, halika na." Paanyaya ko na lang sa pinsan ko, na imbes masabik walang buhay na tumitig na lang siya sa ilog at halata nga na ayaw niya.
"Huwag na Erika," tangi na lang nito, na mapa nguso na lang ako. Anu ba iyan. "Ang dumi-dumi kaya riyan at isa pa ang sabi-sabi dito sa lugar namin na marami diyan na mga linta kaya't wala masyado naliligo sa ilog na iyan. Iniiwasan ng mga tao dito sa amin na maligo diyan."
"Pft. Nag papaniwala ka naman." Natatawa kong wika, na tinatawanan na lang ang kanyang sinasabi. "Sabi-sabi nga lang iyon Melanie, ibig sabihin hindi totoo, huwag kang mag paniwala sakanila." Giit ko na lamang.
"Ay basta ayaw ko. Halika na at baka hinahanap na tayo sa bahay at mag didilim na rin." Anito na dapit alas singko pa lang ng hapon no'n at kami lang na dalawa ang mag kasama. "Kailangan mo pang mag ayos at pupunta dito ang mga magulang mo para sunduin kana bukas ng umaga, diba?" Napa simanggot na lang ako sa sinabi ni Melanie.
Doon lang sumagi sa isipan ko na uuwi na pala ako bukas sa Tarlac.
Ito na ang huling araw ko sa Bicol at nakaka lungkot naman na kailangan ko ng umalis dito at hindi ko na muli masusulit pang maligo sa mga magaganda at iba't-ibang paliguan dito.
Kong ako talaga ang papapiliin ayaw ko pa sanang umuwi sa Tarlac kundi wala naman akong magagawa dahil kagustuhan ng mga magulang kong isang linggo lang akong mag babakasyon dito.
"Oo nga pala." Napa kamot na lang ako sa ulo ko at halatang dismayado nga. Napaka bilis talaga ng oras at araw at heto't huling araw ko na ito sa Bicol. Hindi naman ako makakapayag, na hindi ko sulitin ang huling araw ko dito.
Napa tingin na lang ako sa ilog na mahigit sampung hakbang lang naman ang layo sa kinatatayuan namin ni Melanie. Kagat-labi na lang ako at may pag hihinayang sa dibdib ko na gustong-gusto ko talaga maligo doon sa ilog saglit pero alam ko naman sa sarili ko na kapag tumanggi na ang pinsan ko, alam kong hindi ko na siya mapipilit pa.
"Halika na Erika." Aya na lang nito na pabaling-baling na lang ang mata ko sa pinsan ko at sa ilog, halatang ayaw ko pa nga talagang umalis.
Gusto ko pang maligo.
"Siya nga pala, mauna kana Melanie at may gagawin pa ako." Pag dadahilan ko na lamang. Balak ko talagang maligo muna sa ilog, at tiyak ko naman na hindi ko na maaaya pa ang pinsan ko.
"Huh?" Nag kasalubong na lang ang kilay nito sa sinabi ko, halata nga na hindi inaasahan ang sasabihin ko.
"Sige na, mauna kana at susunod na lang ako sa'yo." Pinalawak ko na lang ang ngiti sa labi ko. "Naalala ko pala, naiwan ko pala doon ang panyo ko sa pinag liguan natin. Babalikan ko muna saglit."
"Gusto mo bang samahan na kita?" Presinta nitong kaagad ko naman kina- iling ang ulo ko bilang pag tatangi.
"Hindi na, Melanie kaya ko na." Giit ko na lang. "Mauna kana at bibilisan ko pumunta doon para maka balik kaagad ako."
"Basta sumunod ka ha?" Paalala na lang nito na napa tango na lang ako sa sinabi niya. "Huwag kanang tumagal pa at huwag kanang maligo pa." Tumingin pa si Melanie sa ilog bago nito hinakbang ang paa paalis lamang.
Hindi talaga ako umalis sa kinatatayuan ko na masiguro talaga na naka alis na ang pinsan ko. Nang masiguro na naka alis na nga si Melanie, sabik na sabik naman akong lumapit sa ilog para maka maka ligo na. Excited kong inalis ang tsinelas ko at tinabi kong nilagay sa mabato na hindi maabot ng tubig-ilog. Luminga-linga muna ako sa paligid sinisiguro na nga wala talagang linta kagaya ng sinabi ng pinsan ko.
Nilublob ko na lang ang paa ko sa tubig, bahagyang kinikilig pa na nanunuot sa laman ko ang malamig at preskong tubig, na mag pagaan pa lalo ng aking naramdaman. Nang hindi pa ako nakuntento at sinuong ko na ang katawan ko sa tubig at piniling huminto na hanggang pa dibdib ko ang lalim no'n.
Kibit balikat na lang at iniling ang ulo ko. "Ts, si Melanie talaga oh. Wala naman na linta dito, pinag loloko niya ata ako." Natatawa ko pang tinig at sarap na sarap naman akong nilulublob ang katawan ko sa presko at masarap na tubig, na parang batang nag enjoy na enjoy na nag tampisaw na naligo doon.
****
Maka lipas ang dalawang buwan at nak balik na ako sa Tarlac, natapos na rin ang isang buwan na bakasyon kaya't heto't balik skwela na naman.
Matapos maligo, naka harap ako sa salamin at naka suot lamang ako ng panty bra. Hindi ko maiwasan na ma obserbahan na medyo lumalaki na nga ang tyan ko na pinapanuod ang sarili ko sa repleksyon ko sa salamin.
Nag kibit-balikat na lamang ako at pinag sawalang bahala na lang ang pag laki ng tyan ko at naisip ko na lamang na baka medyo tumataba na nga talaga siguro ako kaya't lumalabas na ang bilbil ko.
Dumaan ang mga araw at linggo at heto't hindi ko na nga maitago na pansin ko talaga na lumalaki talaga ang tyan ko sa bawat linggong lumipas.
Nag suot na ako ng mga maluluwag na mga damit