Tiktik
TIKTIK
Ako si Maribel; may dalawang anak at ang asawa ko naman si Romel na kasalukuyan ngayon naka-disteno na militar sa malayong lugar.
Limang taon na kami nangungupahan na bahay sa parte ng bayan ng Masbate. Simple lamang ang aming pamumuhay, tahimik at masaya kasama ang aking asawa at dalawa ko pang mga anak. Ang panganay ko naman na babae grade 5 na samantala ang isa grade 2 na lalaki.
Minsanan lang maka-uwi ang aking asawa na si Romel, kaya't kami lang ang mag-iina ang naiiwan sa bahay. Hindi naman nakakatakot na kami lamang ang naroon dahil napapabalibutan naman kami ng mga bahay sa aming inuupahan at mababait naman ang aming mga kapitbahay. Malapit din ang bahay namin sa bayan kong saan nag aaral ang dalawa kong anak, kaya't hindi na rin hassle mamalengke at pumasok sila sa klase.
"Magandang umaga Maribel," bati sa akin ni Aling Meling na mapa-daan ako sa kanilang bahay.
"Magandang umaga din, Tiya Meling," bati ko sa matanda. Si Aling Meling din ang may-ari kong saan kami nangungupahan.
69 years old na ito at may mahabang at maputi na buhok na aabot hanggang pwet nito. Sakto lamang ang pangangatawan nito at mag-isa lamang itong naninirahan sa kanyang bahay; at pinag kakabuhayan ang maliit na tindahan sa harapan. Mag isa na lang si Tiya Meling at sampung taon ng patay ang asawa nito, samantala naman ang mga anak nito may sarili na rin na pamilya at ang ilan nag trabaho sa Maynila, minsanan din na umuwi at dalawin ang matanda.
"Mukhang napa-rami ata ang namalengke mo." Puna nito na kina-baling sa aking dalang eco bag laman ng aking mga pinamili.
"Opo, Tiya. Mamaya na kasi ho, ang birthday ng anak kong si Tantan," tukoy ko sa pangalawa kong anak. Dinamihan ko na rin ang pamamalengke para isahan na at hindi na pabalik-balik sa bayan. "Mag luluto lang ako na simpleng handa para sa anak ko at embitado ho kayo." Ngumiti ako ng matamis. Mag katabi lamang ang bahay namin ni Tiya Meling at masasabi ko naman na close naman kami sakanya dahil mabait ito at parating nag binigay ito ng ulam sa amin.
"Maraming salamat Maribel, napaka-bait mo talaga. Pupunta na lang ako sainyo mamaya." Anito. "Siya nga pala nabanggit sa akin ng asawa mo no'ng naka-raan buntis kana daw? Totoo ba iyon?"
"Oho," mag aapat ng buwan buntis si Maribel at masaya siya dahil madadagdagan na naman ang kanyang pamilya. "Sige na ho, Tiyang naiwan ko na po kayo." Ngumiti na lang ako nang matamis sa matanda at tinalikuran ko na para pumanhik sa aming bahay.
Hinakbang na ni Maribel ang paa at naka- dalawang hakbang; bumaling muli siya ng tingin kay Tiya Meling na ngayo'y maka-hulugang ngiti sa labi.
Ibang-iba, sa paraan na ngumi-ngiti ito sa akin noon na makaka-salubong ko niya ito sa tuwing lumalabas siya.
Hindi niya na lang ang maka-hulugang pag titig nito sa akin at dumiretso na papasok sa munti kong tahanan. Naka-limutan na ni Maribel ang paraan na titig at ngiti sakanya ni Tiya Meling dahil naging abala na siya sa pag luluto ng handa para sa birthday ng kanyang anak.
Pasado alas tres pasado na matapos na siyang maka-luto. Simpleng spaghetti, bihon, tinapay at fried chicken at cake lang ang hinanda niya para sa simpleng selebrasyon ng kanyang anak. Inembitahan din ni Maribel ang malalapit na kaibigan at kalaro ng anak na si Tantan at malalapit na kapitbahay nila.
Pasado alas nuwebe nang gabi, natapos na rin si Maribel mag ligpit at maka-kain sila ng hapunan.
Nahugasan niya na rin ang mga pinggan at nakapag ligpit na rin sakanila.
Masaya naman si Maribel na napa-saya niya ang kanyang anak sa simpleng birthday nito sa kanilang bahay at masayang-masaya ang anak niyang si tantan na naka-usap ang ama kanina sa videocall at niregaluhan ng paboritong laruang kotse.
Pasado alas onse na nang gabi, gising pa rin ang diwa ni Maribel, samanta naman ang dalawa niyang anak mahimbing na natutulog sa higaan at mukhang napagod sa kanilang pag lalaro kanina.
Kinuha na ni Maribel ang lagayan ng kanyang karayom at sinulid at kinuha ang lampin para mag borda doon. Isa din ang hilig ni Maribel ang mag tahi at mag borda sa damit kapag mayron siyang oras. Ginagawa niya rin itong pampalipas ngayon lalo't hindi pa naman siya inaantok.
Ilang minuto na si Melinda nag tatahi at tangi niya na lang narinig ang huni ng kuliglig at palaka sa kalaliman ng gabi. Tulog na ang lahat at mukhang siya na lang ang gising sa gabing iyon.
Maaga rin na natutulog ang mga tao sa kanilang lugar at pasado alas otso pa lang ng gabi, wala kanang makakita na bukas na tindahan o kaya naman nag lalakad sa labas.
Sa pag tatahi ni Maribel naagaw ang kanyang atensyon na may nahulog na parang sinulid sa kanyang parteng maumbok na tyan.
Dahil ayaw maistorbo ni Maribel sa pag tatahi, tinabig niya ang sinulid at tinuonan ng pansin ang kanyang pag buburda para matapos na iyon.
Ilang segundo lamang, ayan na naman.
Nahulog na naman sa parteng tyan niya ang parang sinulid at sakto talaga na tumama sa aking tyan.
Nairita na si Maribel at tinabig na naman palayo sakanya ang sinulid at tinuon muli ang atensyon sa ginagawa. Gusto niya kasi dire-diretso at ayaw na mag pa istorbo lalo't abala siya sa pag tatahi.
Ilang segundo, nahulog na naman ang sinulid at doon na si Maribel nairita. Hindi niya alam kong saan galing ang sinulid na nahuhulog; hindi na rin niya inalam kong saan galing dahil abala siya sa kanyang pag tatahi.
"Ano ba itong sinulid na ito." Himutok na bulong ni Maribel, sa labis na iritasyon na gustong matapos ang ginagawa. Kinuha niya ang gunting na naka-lapag sa sahig at walang ano-ano ginunting ang sinulid na parating nahuhulog sa kanyang parteng tyan.
Nangilabot na lang si Maribel na marinig ang nakaka-kilabot na sigaw na daing sa sakit na nakaka-takot na nilalang ang narinig ko sunod ang kalabog na mabigat na katawan na nahulog mula sa itaas ng aming bubong.
Kina-bangon ko naman sa kina-uupuan na marinig ang malakas na tunog na ngayon ko pa lang narinig.
Binuksan ni Maribel ang maliit na bintana at sinilip sa maliit na siwang kong ano ba ang mabigat na nilalang na nahulog sa itaas nang aming bubog. Inaaninag ko mula ka sa kadiliman na makita kong ano o sino iyon, ngunit wala akong nakita.
Wala nang anumang bakas pa ako na naabutan.
Kinaumagahan, hinatid na ni Maribel ang kanyang mga anak sa klase. Hindi pa rin niya alam kong anong nilalang ang narinig niya kagabi at palaisipan pa rin iyon sakanya.
Nag luto na rin siya nang tanghalian at ang sobra naman sa kanyang niluto, balak niyang bigyan ng pag kain si Tiya Meling na hindi nito nagawang pumunta sa birthday kahapon ng kanyang anak.
Lumabas na si Maribel sa bahay bitbit ang mangkok na kanyang niluto.
Pag labas ko, tahimik sa labas at naka-sarado ang pintuan at bintana sa bahay ng matanda.
Luminga-linga pa si Maribel sa paligid at sakto naman na nakita ko ang matanda na bubukas sana ng pintuan at lumapit siya dito.
"Tiya Meling," isasara sana nito ang pintuan at napigilan ni Maribel. Kumubli ang matanda sa likod ng pintuan na animo'y takot na para bang may tinataguan. Kalahati lamang ng mukha ang nakikita ni Maribel subalit, may takot sa mata nito. "Sandali lang Tiya, may dala po pala akong pag kain sainyo," inabot ko sakanya ang mangkok na niluto ko hindi ito maka-titig sa akin ng diretso.
May usok pa ang mangkok na hawak ni Maribel na tanda na bagong luto lamang.
Tumitig lamang si Tiya Meling sa hawak niyang mangkok at walang balak na kunin sa kamay niya.
Tumingin si Maribel sa labas at nakita na sarado ata ang tindahan nito. Hindi karaniwan sakanya na makita na mag sara ito ng tindahan. Hindi ugali ni Aling Meling na mag sara ng tindahan, bagkus nag titinda ito kahit may sakit ito.
"Mukhang hindi po kayo mag bubukas ng tindahan niyo, Tiya." Malilikot ang mata nito at hindi mapakali. Hindi rin maipaliwanag ni Maribel kong bakit takot na takot ito at namumutla. "Inembitahan ko po kayo kahapon sa birthday nang anak ko na si Tantan at hindi po kayo dumating,"
Naka-limutan ni Aling Meling na dapat hindi siya mag salita. Binuka niya ang bibig para sumagot sa akin, pero walang tinig na lumabas.
Naging slow motion lamang ang pangyayari at nagimbal si Maribel na makita na maikli ang dila nito at mukhang putol na hindi naman karaniwan na ganun dapat.
"May problema ba Tiya? May sakit po ba kayo? Ang dila niyo p—-" hindi ko na natapos ang sasabihin nang mabilis na sinarhan ng matanda ang pintuan ng bahay nito.
At naiwan na lang si Maribel na naka-tayo at naguguluhan sa nangyari.
Simula noon, hindi na ito nakapag salita pa.
Bibihira na lang ito lumabas at makipag halubilo sa mga tao na para bang takot na takot.
Palaisipan sa mga tao dito kong bakit bigla na lang nawala ang boses nito.
At marami din nag sabi; parang naputol daw ang dila ni Aling Meling.
Hindi pa rin maipaliwanag ni Maribel ang misteryo at anong kababalaghan ang nangyari kay Aling Meling at tikom ang bibig na mag salita sa tunay na nangyari sa kanyang dila.
Sa tuwing pinipikit ni Maribel ang mata; naalalala niya ang nakaka-kilabot na sigaw at tunog na nahulog mula sa itaas ng kanyang bubong.