Ukay-Ukay

1356 Words
Ukay-Ukay "Pa mine na lang po dito." Kaharap ni Monique ang cellphone kong saan siya nag live selling. "Pa code na lang po dito, short green. Uulitin ko po, ang code niya is short green. 50 pesos na lang po, kakasya po ito sa size 28-29 po." Nilapag ni Monique sa isang tabi ang hawak niyang short para kumuha na naman muli ng panibagong items na kaniyang ipabili sa live selling. "Last item na natin ito mga madam. Like new pa po itong pantalon. Kasyang-kaysa po ito sa size 26-27. Pa code po ako dito pants for only 100 pesos po." Pinakita ni Monique sa screen kong gaano kaganda ang mga pinanininda niya sa online selling na pantalon. Tumingin si Monique sa live at na mine na nga ito sa isa niyang mga trusted buyes and viewers online. "Ayan! Sold out na po lahat ng aking mga paninda ngayong gabi, maraming salamat po.. Abang-abang na lang mga madam bukas sa next item. Mag se-send na lang po ako ng mga invoice sa mga miners natin diyan. Maraming salamat po. Goodnight." Nag ba-bye si Monique sa camera at ig end na ang live para sa gabing ito. Tinabi na ni Monique ang mga ilan niyang mga paninda sa isang silid kong saan siya kadalasan nag kukuha ng live kapag tinitinda niya ang mga items. "Grabe naman ghurl, hanggang ngayon wala ka pa din kupas.. Kaya mong ma sold out lahat ng mga paninda mo sa isang live lamang." Hirit ng kaibigan ni Monique na si Catherine. Ito ang nag pa-pack at nag aayos ng kaniyang mga paninda, na kailangan nilang ihatid sa kanilang mga buyers. Limang taon na ginagawa ni Monique ang pag online selling para dagdag gastos sa pang araw-araw. Hindi lamang mga damit, pantalon ang kaniyang tinitinda, meron din siyang bags, sapatos depende na rin sa mga paninda ng suppliers na kaniyang nabibili. Ang iilan sa mga paninda niya kinukuha niya na bale(kumbaga naka per sack or kahon na mixed item, depende na rin sa ganda ng kalidad na gusto niyang bilhin. "Aba syempre naman. Kailangan natin maibalik ang puhunan natin para hindi tayo malugi." Dugtong pa ni Monique. Bawat sentimo mahalaga para kay Monique, hindi naman napupulot ang pera kaya't doble kayod talaga siya para may pag kakitaan. "Siya nga pala Catherine, ano ang mga iyon sa isang tabi?" "Mga old items na hindi nabili na mga naka raang buwan." Hindi naman talaga swertehan sa pag online selling na mga damit— makaka incounter ka talaga paminsan na hindi mabili na mga item at ang mga iba naman bogus buyer pa na hindi kinukuha ang mga paninda. Para kay Monique, iinimbak nila ang mga damit na hindi nabibili sa online o kaya naman kinukuha na ng mga buyers.. Para maka-bawi puhunan, pinag bibili iyon ni Monique kay Tiyo Ramon na kapitbahay nila ng mababang presyo at ginawa nito na basahan. Nilapitan ni Monique ang karton kong saan naka-imbak ang mga damit at ilang items na hindi nabili no'ng naka-raang buwan. Malaki ang karton na iyon at maluluge talaga siya ng marami-rami. Tinignan ni Monique ang karton, para tignan kong may naka-ligtaan siya na magagandang items na maari niya muli idagdag sa koleksyon niya bukas o kaya naman gagawin niya na lang damit pang bahay. Sa pag hahalungkat ni Monique, nag paagaw sakaniya na atensyon ang isang dirty white dress. Simple lamang ang desinyo, at hindi naman halatang sosyalin ang dating. Kahit siguro labhan niya iyon, hindi maalis ang munting dumikit na mantysa. "Mukhang maganda ito." Kinuha ni Monique ang dress na iyon—mahilig din siya mag suot na dress kahit naroon lamang siya sa bahay, ginagawa niya iyon na pang bahay para naman may magamit din siya. "Catherine, pag katapos mo mag ayus, ihatid mo na itong karton kay Tiyo Ramon para naman mabawasan na rin ang kalat dito sa silid." "Sige po." Umalis na si Monique sa silid. Inuna niyang labhan muna ang dress na kaniyang napili para naman sa proper hygiene Kinaumagahan, sinuot na ni Monique ang dress na nilabhan niya. Sakto naman ang sukat no'n sa katawan niya at presko kong suotin. Hindi naman din mainit ang tela kaya't komportable talaga siyang suotin iyon. Sa pagiging maganda ng tela na suotin na dress, napapadalas ni Monique na suotin iyon at gawing pang bahay. "Oh anong nangyari sayo? Mukhang hindi ka naka-tulog ng maayos." Puna ni Catherine at tumabi sakaniya. "Ewan, hindi kasi ako maka-tulog." May kong anong enerhiya ang dumapo sa katawan ni Monique nitong nag daang araw. Masasama na ang panaginip niya at kadalasan rin nagigising si Monique na madaling araw—at hindi na siya maka tulog pa. Kahapon nga natulog siya alas onse na nang gabi, pag katapos ng live selling, at nagising na hindi maipaliwanag na dahilan pasado alas tres ng madaling araw. Sinubukan ni Monique na matulog muli, subalit hindi na siya makatulog hanggang inabutan na siya ng umaga at kailangan niya na naman niyang kumilos para sa trabaho niya tuwing umaga. Sa gabi niya na lang naiisinggit ang pag live sa gabi— kaya't bagsak at pagod na pagod na ang kaniyang katawan sa buong mag damag na trabaho at ngayon naman, hindi siya nakaka-tulog ng maayos. Sinubukan naman ni Monique na gawin ang tips sa panunuod sa yt ng mga dapat gawin para maka- tulog ng mahimbing subalit wala din ni isa na umepekto. Parati niya napapanaginipan na masama kaya't nababahala na diyan siya. "Hindi kaya nanuno ka?" "Ano? Saan mo naman nakuha iyan Catherine?" "Baka naman kasi nanuno ka. Subukan mo kaya mag pa tawas. Nangangayat kana sa laging kulang ang tulog mo at tamlay mo Monique." Puna ng kaibigan. Marami din napapansin ang pangingitim ng ilalim ng mata ni Monique sa hindi maka-tulog. Naapektuhan na din ang pang araw-araw niyang ginagawa at trabaho dahil lamang masama ang panaginip niya at parati siya nagigising madaling araw na. **** Matapos ang online selling nila ni Catherine, naka-tulog nang mahimbing si Monique. Sa kaniyang panaginip, naroon siya sa kaniyang silid at napapanuod niya ang kaniyang sarili na mahimbing na natutulog sa kama. Hindi maipaliwanag ni Monique kong ganon kadilim at pangit ng aura ng kaniyang panaginip—malayong-malayo ito sa kaniyang napapanaginipan. Ginala ni Monique ang kaniyang silid at masasabi niya talaga na gabi sa panaginip niya. "Bakit ako nandito?" Bulong ni Monique. Sa pag lilibot ni Monique sa bawat kanto ng kaniyang silid. Nag panindig balahibo sakaniya, na makita ang isang babae naka-tayo sa parteng madilim ng aking silid at pinapanuod ako habang natutulog. Pilit na kinikilanlan ni Monique kong sino ang babaeng pinapanuod ako habang natutulog ako, subalit hindi ko maaninag ang mukha nito dahil nilamon na ito ng dilim. Hindi makaka-limutan ni Monique, na ang babaeng naka-tayo at hindi gumagalaw—naka-suot ito ng dress kaparehong-kapareho na sinuot ko na, na nakuha ko sa ukay-ukay. May kong anong sindak sa puso ni Monique sa nakaka-takot nitong itsura. Masama at nanlilisik ang mga mata nito habang pinapanuod ako habang natutulog, ako sa aking panaginip. Galit- na galit ang babae at para itong demonyo. Sa pag baling ni Monique sa babaeng naka-dress—laking gulat niya na lamang at nasa harapan ko na ito at sobrang laki ang pag kabuka ng bibig nang babae. Sinigawan niya ako na walang tunog na lumalabas sa kaniyang bibig at nakaka kilabot ang itsura nito. Biglang napa-bangon si Monique sa nakaka-kilabot na panaginip, kasabay ang daplis na malamig na pawis sa kaniyang katawan. Hini-hinggal na siya at kahit pag hingga hinahabol niya. Dali-daling kinuha ni Monique ang dress na nakuha niya sa ukay-ukay, na kaparehong suot ng babae na nakita ko sa panaginip. Sinunog ni Monique ang dress at simula no'n nawala na ang masamang panaginip ko, at bumalik na rin sa normal ang aking pag tulog. Hindi makaka-limutan ni Monique ang nakaka-kilabot na karanasan ng gabing iyon. Nabalot pa rin na misteryoso sakaniya kong sino ba talaga ang babaeng naka-suot ng dress. At kong bakit galit na galit ito sa akin. Ito lang ang masasabi ni Monique. Hinding-hindi mo makaka limutan ang nakaka-kilabot nitong mukha at ang bibig nitong naka-buka at sinisigawan ako nang walang tunog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD