Natunton nga nina Rose at Juliana ang bahay ni Eilyn Rebato. Unfortunately, sa ibang bansa na raw pala nakatira ang mga magulang ni Eilyn Rebato. Kaya naman dismayadung-dismayado sila, para silang nawalan ng lakas. Parang gumuho ang mundo nila. Lalo na nang wala ring makapagsabi kung saan saktong inilibing ang dalagang inakala nilang kusang nagkitil ng buhay pero pinatay pala. Nang tanungin naman nila kung ano ang pinakamalapit na sementeryo eh apat daw ang posibleng sementeryong malapit sa lugar. May kaya raw kasi ang pamilyang rebato kaya pwede ring sa pribadong sementeryo ito pinalibing, dahil sa isang funeral pa nga raw ito noon ibinurol imbes na sa bahay. Kaya no'ng ilibing ang dalaga ay hindi alam ng mga kapitbahay kung sinu-sino ang mga pumunta. Isa pa mga halos baguhan na ang mga