Luna POV* Napatingin ako sa likod at nakatingin ang mga Empleyado sa amin dito sa loob ng opisina dahil sino namang hindi titingin kung ang dalawang ito grabe makatakbo. "Diba, si Mr. Jett yun? Yung CEO natin?" "Oo nga. At yung sikat na Multi Billionaire Businessman na si Mr. Juno Miller din iyong isa?" "Bakit sila nandito? At tumatakbo pa sila." Rinig kong ani ng mga Empleyado sa likuran nila. Agad akong tumayo at agad sinira ang pinto at napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa kanila. "Bakit kayo tumatakbo?" "Kasi akala namin kung ano ang nangyari sayo." "Ah, tungkol iyon sa babaeng sumisigaw kanina." "Ako na ang humihingi ng pasensya dahil babaeng iyon nasira ang araw mo, Luna." Napatingin ako kay Liam at agad akong umiling. "Ano ka ba, ayos lang yun at di mo kasalanan

