Luna POV* Inayos ko ang buhok ni Euna dahil ngayon na ang unang araw na papasok na siya ng School. Two pig tails ang ginawa ko sa buhok niya at ang cute niya ngayon. Inayos ko ng kaunti ang bangs niya ang then ang uniform niya hanggang sa matapos na. May biglang kumatok at pumasok naman iyon at si Euno iyon na naka uniform na din. "Halika dito, Anak." Lumapit naman siya at agad kong inayos ang kwelyo ng damit niya. Kinuha ko din ang suklay at sinuklayan ko ang buhok niya. "Ayan ang ganda at ang gwapo ng mga anak ko." Nahihiya naman si Euno habang si Euna naman ay malaki ang ngiti. "Tayo na labas na tayo baka bumaba na ang Dad niyo." Tumango naman sila at hinawakan ko sila sa mga kamay nila habang ang mga katulong nila ang nagdala ng bags nila. Nakarating kami sa pagkainan at nan

