Luna POV* Napangiti ako nang may nakita akong interesado sa binabasa ko ngayon na binigay nila Mercer and Ranger. Lahat ng nakasulat dito sa reports nila ay totoo kaya. "Mukhang magiging masaya ito ngayon ha," mahinang ani ko. Tumingin ako sa orasan at 10am pa lang at ang hina ng orasan gumalaw. Kanina ko pa gusto makita ang mga Babies ko. Tiningnan ko ang upuan ni Juno. Wala siya doon dahil may meeting sila ngayon at kailangan talaga niya doon. Nakapout pa iyon nung umalis sa tabi ko dahil malapit na sana siyang matapos para mag baby time na daw kami pero biglang nagkaroon ng meeting bigla. Tumayo ako at nagstretching. Kailangan kong maglakad lakad para makapag ehersisyon naman ako kahit kaunti lang naman. Lumakad ako palabas sa opisina ni Juno nang may naalala ako. Gusto kong pum

