MUGTO ang mga mata ko nang magising ako ng umaga. Tiningnan ko si Daren na katabi ko sa higaan at nakayakap sa'kin. Dahan-dahan akong bumangon para ipagluto sila ng almusal. Nandito pa rin kasi si Dhalia at Zeke kaya kumpleto kami. Gusto kong bumawi sa naging attitude ko kagabi. Pinakita ko naman kasi ang kahinaan ko sa kanilang lahat. Pagdating ko sa kusin ay gising na sina Aling Matilda at Aling Vivian. Abala na sila sa pagluluto ng almusal namin. Lumapit ako sa kanilang dalawa. "Good morning." bati ko sa kanilang dalawa. "Good morning, Sheymie, bakit gising ka na agad?" tanong ni Aling Vivian. Naghihiwa ito ng sibuyas. Umupo ako at pinapanood sila sa ginagawa nila. "Sinadya kong gumising ng maaga para magluto ng almusal kaya lang nagluluto na pala kayo." "Kami na ang bahala rito

