HALOS gusto ko ng hilahin ang oras o hindi kaya ay sabihin ko kay direk na unahin ang scene ko para matapos na agad ang shooting. Hindi na ako mapakali dahil pakalipas ng tatlong tao na paghihiwalay namin ay bumalik na si Sheymie sa'min. Kung hindi dumating si Steven baka naka-iskor na ako kay Sheymie. Siniko ako ni George isa sa mga co-artist ko na komedyante. "Hoy, Daren, hindi naman mental retarded ang role mo sa pelikula bakit para kang baliw? Baka mamaya bigla mo na lang akong suntukin." Biro ni George. "Masaya lang ako ngayon." sagot ko. Muli naman niya akong siniko. "Yiee! Dahil 'yan kay Miss Sheymie. Nagkabati na kayong dalawa?" Tumango ako. "Siguro?" hindi pa kasi kami nag-uusap dalawa. "Ang tagal mong nawala kanina. Hindi pa ba kayo nakakapag-usap?" Natahimik ako. Hindi k

