NAKATINGALA ako sa malaking gate ng bahay ko dito sa Manila. Ilang taon din akong hindi nakatira sa bahay na ito at ang tanging nakatira lang dito ay ang mga katulong ko na nagbabantay at nag-alalaga ng bahay para mapanatiling malinis at maganda pa rin. Kung minsan pumupunta si Zeke sa bahay ko para dumalaw at matulog kapag malapit lang sa lugar na ito ang shooting nila. Imbes na bumusina ako para marinig sa loob ng mga katulong ko. Kumatok ako sa gate gusto ko kasing surpresahin ang katulong ko. Limang minuto pa ang lumipas ay narinig ko ang mga yabag ng paa na papalapit ng gate. Sumilip ito sa maliit na butas upang malaman nila kung sino ang nasa labas. "Hi, Manang Tasi." ngumiti ako sa kanya. Namilog ang mga niya sa pagkagulat nang makita niya ako sa labas ng gate. "Ma'am, Sheymie!

