CHAPTER 82

3041 Words

NAGULAT ang buong sambayanan nang pumutok ang balitang si Lian Barcelona ang kumidnap sa aking nawawalang anak na si Skye. Isang araw lang na ikinulong si Lian at nakapagpiyensiya agad siya. Tadtad ang media na gustong mag-interview sa'min ngunit kahit isa sa kanila ay wala akong pinayagan sagutin. Palaging abogado ang sumasagot sa mga tanong ng media. Kahit sa pamilya at kamag-anak ko ay lumalapit na sila para makuha ng impormasyon ngunit nanatiling tikom ang bibig namin. Ayokong munang humarap sa media dahil gusto kong makasama ang anak kong si Skye ng matagal ng nawala sa'kin. Bitbit ko ang bagong laruan at damit na pinabali ko kay Dhalia nang pumasok ako sa kuwarto ni Skye. Nakasubsob siya sa kama habang patuloy siyang umiiyak. Umupo ako sa gilid ng kama niya. Skye, anak may binili

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD