TATLONG buwan ang lumipas nang maaksidente si Skye at dahil sa aksidente na 'yon natuto kaming magpatawad at kalimutan ang lahat ng sakit dulot ng nakaraan natuto kaming tanggapin ang binigay ng Diyos na pagsubok. Marami ang nagulat nang makita kami ng mga tao na magkasama ni Lian na namimili ng grocery at sabay na nagluluto ng pagkain. Ilang taon kasi kaming nagkaroon ng hidwaan dahil sa pagmamahal kay Daren at dahil sa pagmamahal namin kay Skye nagkaayos kaming dalawa. "Daren! Zeke!" tawag ko sa dalawa habang hindi ako magkanda-ugaga sa pagbibihis sa anak kong si Skye ng damit. "Mommy, bakit po ang tagal ni Daddy at Tito Zeke lumabas ng kuwarto?" tanong ni Skye sa'kin. Alam na rin ni Skye na kami ang tunay niyang pamilya at tanggap na rin niya kami. Ngunit pagdating sa pag-aalaga kay
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


