Nakapamaywang ako habang nakaharap kay Daren at Steven. Kanina ko pa sila kinakausap ngunit hindi nila ako pinapakinggan. Naghanap tuloy ako ng camera sa paligid dahil baka pinaprank nila ako, uso pa naman ang mga ganyang content ang prank. Ngunit wala akong makitang camera. "Ano ba ang problema n'yong dalawa?" Hindi ko mapigilan ang mainis sa ginagawa nilang pambabaliwala sa'kin. Ngunit tila wala silang naririnig mula sa'kin kaya mas lalo akong nainis sa kanila. Inis akong tumalikod sa kanila at lumabas ako ng kuwarto kapag gano'n ang kausap ko baka maubos ang pasensiya ko. Pumunta ako sa kusina para kumain ng ice cream. "Aling Matilda anong problema nila, bakit hindi nila ako kinakausap?" sumbong ko sa kanya. "Baka may ginawa kayong masama at hindi nila nagustuhan." Sunod- sunod n

