SERYOSONG nag-uusap sina Daren at ang pamilya niya nang bumaba ako ng first floor. Ayoko sanang abalahin ang seryosong pag-uusap nila ngunit mas nakakahiya naman kung babalik ako ng kuwarto ko samantalang nakita na ako ni Dhalia. Napilitan tuloy akong lumapit sa kanilang apat. "May kukunin lang ako sa kusina?" tinuro ko pa ang kusina namin. Ngumiti si Papa "It's okay, may pinag-usapan kaming importante bagay." ani Papa Daisuke. Tumango ako. Matagal ko ng kasama ang pamilya nila pero hindi pa rin ako nasasanay sa ganitong eksena nila. Nakakaramdam pa rin ako ng hiya sa kanila kapag seryoso silang nag-uusap. "Pupunta na ako sa kusina?" sagot ko. "Tumango silang lahat pagkatapos ay dumiretso ako sa kusina. Kumuha ako ng ice cream at kinain ko na lang sa kusina imbes na sa kuwarto ko. N

