Kabanata 1

980 Words
Simula nang mamatay ang aking mga magulang ay natuto na akong kumayod mag-isa. Marami akong trabahong napasukan, sa edad kong disen-nwebe ay kung saan-saang lupalop na ako nakarating. Noong ako ay medyo bata-bata pa ay pabalik-balik ako sa DSWD, hanggang sa ako'y nakapg-isip na at natuto ng manirahang mag-isa. Nine years old pa lamang kasi ako nang maiwanan na ako ng magulang ko, nasunog ang bahay namin noong ako'y nine years old pa lamang walang natirang ari-arian, walang natirang kahit ano, pati nga buhay ng pamilya ko ay kinuha na rin sa akin. Simula noon ay nagulo na ang buhay ko. Noong ako'y tumuntong ng 17 years old ay napadpad na ako dito sa Alabang. Ewan ko ba, sa hindi ko malamang dahilan at pangyayari ay bigla na lamang akong nakarating dito. Sa looban at katabi ang maliit lamang na estero, nasanay na rin naman ako sa buhay ko dito sa looban. Mayroon nga pala akong maliit na bahay, squatter area lamang ang lugar namin kaya kahit kailan ay pwede kaming paalisin ng may ari ng lupang ito. Ang maganda nga lang sa lugar ko ay wala akong binabayarang upa sa bahay. Kuryente lamang at tubig ang binabayaran ko buwan-buwan. Nag-aaral na rin ako ng 4th year high school, swerte ko nalang dahil may mabuting tao ang nagpaaral sa amin ng kaibigan kong si Avygail. Hindi kami inabot ng k12 na isinatupad kamakailan lamang kaya Malaya kaming makakapag-aral ng kolehiyo sa susunod na pasukan. Nabalik na lamang ako sa ulirat nang may magsalita malapit sa akin, walang'ya nandito pala si Jacob, ang manliligaw ko! "Liz, kailan mo ba ako balak sagutin?" Napalunbok ako sa sinabi niya, matagal-tagal n a rin kasi nang magsimula siyang ligawan ako. Hindi ko lang talaga naf-feel na sagutin siya dahgil hindi ko alam, wala lang talaga ako sigurong feelings sa kanya at aaminin ko. may kaya ang isang 'to dahil isa siyang pulis pero nung nalaman ko na may asawa nap ala siya at isang anak ay nawalan na ako ng gana, mas lalo ring humina ang feelings ko para sa kanya. "Gusto ko na ngang makipaghiwalay sa asawa ko dahil ayoko na sa kanya, naiintindihan mo ba 'yo. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganto." Sabi niya kaya agad akong tumutol. "Hindi mo naman kailangang hiwalayan pa asawa mo.." Nanlaki ang mata niya at agad na nagsalita. "Bakit? payag ka ng maging kabit ko?" kung sana ay pwedeng manampal ngayon ay ginawa ko na pero nagtitimpi ako. Aaminin ko, gwapo rin naman 'tong isang 'to, siguro siyam na buwan na kaming magkakilala at mula pa noon ay nililigawan na niya ako. Umiling ako at saka lumabas ng bahay. " Mas mabuti sana kung tigilan mo na ito," sabi ko, sumunod rin siya sa akin sa labas ng bahay at saka hinawakan ang baywang ko. "Hindi naman kita minamadali Liz, alam kong kasalanan ang ginagawa ko, nating dalawa. Pero sana naman maging mapagpasensya ka sa'kin.." Aniya at hinawakan ang kaliwang balikat ko. Muli akong umiling. "Isipin mo nga ang anak mo Jacob, kapag hiniwalayan mo ang asawa mo ano nalang ang magiging buhay niya?" humarap ako sa kanya. "Maganda ang trabaho ng asawa mo hindi tulad ko na waitress lang sa bar kung saan ka umiinom kapag gabi.." Umiling-iling siya at pagkatapos ay hinawakan pa ang kanyang sentido. "Liz, mahal na mahal kita..." Muntik na nga akong mapatawa nang sabihin niya 'yon. "Thank you nalang sa pagmamahal mong 'yan Jacob, Sana intindihin mo naman ang asawa mo, ayoko na rin na ganito tayo, yung ganito ka sakin." "Bakit kasi may lalaki ka na?" agad na tanong niya kaya nanlaki ang mata ko sa gulat. "Wala, ano bang iniisip mo diyan?" "Hindi pa nga kita nakukuha, may lalaki ka na? ano bakit bigla-bigla kang umaayaw? Hindi naman kita aanakan ah!" Malakas na sabi niya sa akin kaya sa gulat ko ay nasampal ko siya. Sa bwisit niya ay umalis nalang siya ng bahay, nakahinga naman ako ng maluwag nang makaalis na siya. Bukas, araw ng sabado ay pinakahihintay kong araw. Ang tanging tiyahin ko na mula pa sa amerika ay nagpapadala sa akin buwan-buwan sa araw ng sabado. Okay na nga 'yon sa pang-isang buwan ko pero dahil kailangan ko pang makaipon ng pera ay kung ano-anong raket ang pinapasukan ko. Maaga akong nagising dahil sa lamok. Walang'ya ang bilis namang maubos ng katol na binili ko sa labas! Tumayo na ako at saka humikab muna, nilinis ko rin ang maliit na kamang hinihigaan ko at saka napgatuloy sa kusina upang magluto ng aalmusalin ko ngayong sabado. Itlog at fried rice, okay na ito. Nang makakain ako ay nagpahinga muna ako saglit at pumunta na sa banyo para maligo, pupunta kasi ako sa mall malapit sa amin para kunin ang ipinadalang pera sa akin ng tiyahin ko. Bago pa ako pumuntang mall ay pinuntahan ko na muna si Avygail sa bahay nila pero as usual, Si Aivan ay nakita ko nanaman na nakatambay sa bahay nila at umagang-umaga naglalandian pa ang dalawang 'to. "Saan ang punta mo Liz?" tanong sa akin ni Avygail nang makita niya akong naglalakad sa labas ng bahay nila. "Kukunin ko pinadala sa akin ni Tita, sama ka?" tanong ko Umiling siya at ngumiti. "Pasalubungan mo nalang ako, may lakad kami ngayon ni Aivan!" sabi niya kaya napailing na lang ako, nagpaalam na ako sa kanya at kay Aivan na nakaupo lang sa hamba ng bahay nila. Narating ko ang mall at medyo kaunti pa lang ang tao dahil saktong kabubukas lang nito nang makapunta ako. Dumiretso agad ako sa pera padala center para makuha na ang pera ko, habang naglalakad ay muntik na akong mapasigaw nang may humawak sa baywang ko. "Hi Miss.." Nanlaki ang mata ko nang nakita ko si Zach sa gilid ko, ngayon ay ngingiti-ngiti siya habang nakaakbay na sa akin. "Alisin mo nga 'yang kamay mo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD