Kabanata 2

471 Words
"Ano ba 'yan Zach, kaloka, lumayo ka nga!" naiinis na sabi ko dahil ayaw niya akong tantanan. "Ano bang problema mo diyan?" sabi niya habang naksunod pa sa akin, alam kong nakasunod siya sa likod ko pero ngayon medyo malayo-layo na siya, "Naglalakad lang naman ako ah? Problema ba sa'yo 'yon?" "Bwisit ka! Kanina ka pa kaya naglalakad sa tabi ko!" "Kasalanan ko? kasalanan ko?! badtrip ampucha." Sabi niya at hindi ko na siya pinansin, mas lalo lang akong nabibwisit kapag nandito siya at inaasar ako. Pumasok ako sa pera padala at laking tuwa ko nang hindi na niya ako sinundan pa dito. Nang makuha ko ang pera ay agad ko namang nilagay sa ito sa bulsa ko at lumabas na rin sap era padala at laking gulat ko nang maabutan ko si Zach na nakatayo sa gilid ng pinto. "Oh, nandito ka rin?" tanong ko pa sa kanya, "Yup, ikaw? Ano ginagawa mo dito?" "Ulol, tigilan mo akong ulupong ka, palibhasa stalker." Sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad pero naramdaman kong humahabol siya sa likod ko. "Stalker? Mangarap ka hoy!" sabi pa niya kaya mas binilisan ko pa ang lakad ko. Naglakad ako papunta sa isang fast food chain, umorder ako ng chicken joy at pagkatapos ay umupo na sa nahanap kong pwesto. "Baka naman pwedeng makiupo? Wala na akong mahanap eh.." napataas ang kilay ko sa sinabi ni Zach, ngayon ay nasa harapan ko siya at hawak-hawak niya ang tray na naglalaman ng pagkain niya. "Ano pa nga bang magagawa ko, umupo ka na." sabi ko at iniusog ng kaunti ang mga pagkain ko para mailagay niya ang pagkain niya sa mesa. "Mahilig ka pala sa chicken?" tanong niya habang sinusubo ang pagkain niya. Tumango ako, "paborito ko yung chicken lalo na kapag may crispy fry." Sabi ko pa. "mahilig ka rin ba sa itlog?" tanong niya kaya tumango ulit ako. "Gusto ko rin ang itlog, minsan nga itlog ang almusal hanggang hapunan ko eh," sabi ko at kinuha ang soft drinks at saka uminom. Bahagya siyang napatawa, kinuha niya muna ang tissue at ipinunas sa bibig niya. "Itong itlog ko, baka pwedeng ikaw nalang ang kumain?" sabi niya, kaya kunot noo ko siyang tinignan. "Itlog? May itlog ka ba? Akala ko mani." Sabi ko at humagalpak ng tawa, akala niya mauuto niya ako ha! hindi ako papaloko sa kanya, mangarap siya! Muli ko siyang tinignan at nakita kong masama na ang mukha niya, nakasimagot na siya at itinigil ang pagkain sa harap ko. Napatigil lamang ako sa pagtawa ng maipit ang dibdib ko at tumama sa mesa kakatawa. "Bwisit ang sakit ng dede ko!" sabi ko at lumayo ng kaunti agad sa mesa, bwisit ang sakit ng pagtama. Nilingon ko si Zach dahil narinig ko ang mahihinang pagtawa niya, "Dede na ang tawag mo diyan? Akala ko pantal."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD