ILANG BESES PANG tinanong ni Naarah ang sarili kung ano ba ang naging kasalanan niya bakit siya dinukot at dinala sa isang isla. Iniisip niyang baka ang mga humahabol sa kan'ya noon ang kumuha sa kan'ya pero hindi pa malinaw dahil hindi naman niya nga makausap ang lalaking dumukot sa kan'ya. Basta paggising niya, paalis na ang mga ito dahil parating na daw ang taong gusto siyang makita at makausap. Pero hindi siya kagaya ng ibang kinidnap na nakaposas ang mga paa at kamay. Malaya siyang nakakalabas sa silid niya para pumunta ng sala, kusina o kahit saang sulok ng magarang bahay na iyon. Sinubukan niyang lumabas sa mga pintuang naroon, naka-lock iyon. At mukhang mabubuksan lamang mula sa labas. Hindi rin niya magawang mabasag ang mga salamin na naroon sa sobrang kapal. Pero binalaan siya n