MABILIS NA IGINIYA ni Akilah ang sarili papuntang pintuan nang makarinig ng sunod-sunod na katok. Nakangiti pa siya ng mga sandaling iyon dahil baka si Naarah ang kumaktok. Pero napakunot siya ng noo nang makita si Jacob na humahangos. “Kuya, nag-aalala na po ako kay Ate Arah. Hanggang ngayon po hindi pa nakakabalik sa pag-deliver ng oder po ng Dakks Bar.” “Ano?” Tumingin siya sa orasan niya. Alas onse y media na ng mga sandaling iyon. “Kanina pa ba siya umalis?” “Opo. Dapat nakabalik na po siya kasi hindi naman po gano’n kalayo ‘yong bar.” “‘Yong diyan ba ‘yan sa pangalawang kanto mula dito?” “Opo, Kuya.” “Damn, ang lapt nga!” Tumingin siya sa bata. “Tapos ka na ba magligpit?” “Opo.” “Sige, umuwi ka na. Ako na ang bahalang pumunta doon. Delikado rin sa ‘yo kung isasama pa kita.”