SIMULA NG GABING iyon, naging masayahin si Arah. Inspired siya sa mga binitawang salita ng binata. Pero hindi niya pa rin pinapahalata dito. Naguguluhan pa rin kasi siya. Paano kung hindi totoo ang mga sinabi nito? Pero may isang tinig na nagsusumigaw sa isipan niya na totoo. Kaya nga naguguluhan siya. Gusto niyang makitang sincere ito sa lahat. Kasalukuyan siyang nagpapaypay ng uling nang lumapit ito sa kan'ya. Hindi para bumili, kung hindi manggulo. Ilang araw na nitong gawain iyon. "Puwede bang bumalik ka sa bahay mo, Akilah. Baka mabinat ka sa ginagawa mo," hindi siya nakatingin dito habang sinasabi iyon. “Mabuti nga ‘yon, para alagaan mo ulit ako.” “Ano? Okay ka lang, Akilah?” “I’m not okay kaya alagaan mo ako. Ang sarap mo kasi– I mean ang sarap mo mag-alaga.” Sinamaan niya i