MAAGANG NAGISING SI Naarah kinabukasan. Madilim pa ng mga sandaling iyon, pero malapit ng mag-agaw ang liwanag at dilim. Hinarap siya kay Akilah na himbing pa rin. Nakayakap ang isang kamay nito sa beywang niya. Napangiti siya nang maalala ang nangyari sa kanila kagabi. Inaamin niyang nagustuhan niya ang nangyari sa kanila. Mukhang ito na ang simula ng magandang samahan nila ng binata. Binuksan din nito ang sarili sa kan'ya. Napangiti siya nang ngumanga ito ng bahagya. Dumapa siya at thetinitigan ito. Kumibot ang labi nito kapagkuwan kaya napangiti ulit siya. Parang nang-aanyaya ang labi nito kaya hinalikan niya ito sa labi ng mabilis. Tumayo na rin siya dahil baka magising ito. Napababa siya ng tingin sa sarili, hindi pala siya nagdamit. Sabagay, hindi niya ramdam ang lamig dahil m