SAPO PA RIN ni Naarah ang ulo nang umakyat sa kuwarto niya, halos kakatapos niya lang din mag-marinate. Pero nakadalawang balik siya sa baba dahil nagtimpla siya ng gatas. Hindi na siya makatulog tuloy. Nawala na kasi ang antok niya kakahintay niya sa delivery ng mga ititinda niya kanina. Pagkabalik na pagkabalik kasi, tinawagan niya ang supplier niya na magpapa-deliver siya. Kailangan niyang kumayod uli, ilang araw din siyang hindi nagtinda. Napatingin siya sa telepono niya. Ngayon lang niya nabuksan iyon, kaya ngayon lang din nagsipasukan ang mga mensahe. Marami siyang nakitang mensahe ni Liam at ng kaibigang si Mandy. Alam niyang nag-aalala ang mga ito dahil sa ilang araw niyang walang paramdam. Nagising siya kinabukasan dahil sa malakas na kalampag sa pintuan niya. Pikit ang isang m