Eviane's P. O. V. "Jonathan, ilang taon si Garrison nung nakilala niya yung babae na 'yon, Azrielle ang pangalan niya, hindi ba?" tanong ko kay Jonathan habang abala siya sa kaniyang ipad. Kakatapos lang naming kumain ng almusal pero narito pa rin kami sa table para tumambay dahil wala pa naman kaming gagawin. "Oo, as far as I know, elementary pa lang si Sir Garrison," sagot niya. "Sobrang close nila, 'no? Wala ba silang relasyon na romantic? Hindi ba nila naging crush ang isa't isa?" tanong ko at napasalung-baba sa harapan niya. Ibinaba niya ang ipad na nakatapat sa kaniyang mukha at tumingin sa akin. "Hindi, wala akong naalalang nabanggit ni Sir na nagkagusto siya doon. Isa lang naman ang naging kasintahan ni Sir noon, si Crixia lang. Kung nagseselos ka kay Ma'am Azrielle—" "Selo