Garrison's P. O. V. Nagising ako nang biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko iyon mula sa side table na katabi lang ng kama. Nakita kong tumatawag si Jonathan kaya agad ko itong sinagot. "Sir, wala pa kayo dito sa office, nakatanggap ako ng email mula kay Azrielle. Sinabi niyang uuwi siya ng Pilipinas ngayong araw. Magkita raw po kayo para ma-settle ang pinag-usapan niyo raw," sabi ni Jonathan dahilan para magising ang dugo sa katawan ko. "Sige, papunta na ako." Pinatay ko ang call. Uuwi na si Azrielle ng Pilipinas, bakit biglaan? Naka-graduate na ba siya? Napakabilis naman ng panahon. "Oh... Late na ba tayo? Parang taranta ka diyan," mahinang sabi ni Eviane habang nag-iinat ito nang mga braso. "Yup, pupunta daw ng company ko si Dad kaya kailangan na nating umalis." Sinuot ko an