Eviane's P. O. V. Narito kami sa isang mamahaling restaurant, sa lugar at serving pa lang ng pagkain ay mahahalata mo kaagad ang kamahalan ng presyo nito. Hindi ko pa rin makakalimutan kung magkano ang bill namin ni Garrison kanina sa mga damit, umabot ng 83k ang nagastos namin dahil sa mga damit. Paano ba naman, si Ma'am Miykal. Nilabas yung mamahaling dresses at coordinates niya. Lahat 'yon nagustuhan ni Garrison at pinasukat sa akin. Sampung coordinates ata ang nabili ko at fifteen na tops tapos hindi ko rin mabilang ang dress. Sabi ni Garrison suotin ko ang mga 'yon kapag aalis kami. Tapos nagawa niya pang bilhan ang pamilya ko ng mga damit. Tig li-limang terno ang binili niya para kay Mama, Victa, Donna, Stephen at Zek. "Tahimik ka ata, I'm not used to it," sabi ni Garrison at umin