Garrison's P. O. V.
I can feel my heart ache the moment I see her tears falling through her cheeks.
"Use me to forget that bastard," madiin kong sambit.
Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya. Hinawakan ko ang pisngi niya at pinunasan ang luha niya gamit ang hinlalaking daliri ko.
"G-Garrison, naririnig mo ba ang sarili mo?" Hinawakan niya ang kamay ko at tinanggal ang pagkakahawak sa kaniyang pisngi. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagluha.
"I'll do anything for you, Eviane," I said without hesitation.
F*ck, I've already fallen for her.
"Salamat, pero... Alam kong nasasaktan ako, that I am in my healing stage pero kahit kailan hindi ko naisip na gumamit ng tao para lang mawala ang sakit---"
"Then at least be with me, let me help you to forget him." Hinawakan kong muli ang kamay niya.
Nakatitig lang ako sa mga mata niya, umaasa na pumayag ito. Kahit hindi niya matumbasan ang pagmamahal na binibigay ko, basta makasama ko lang siya.
"How? How could I forget him, Garrison. Three f*cking years of my life was all about him."
Napahinto ako. I already know na ganoon sila katagal, so as we, my ex-girlfriend and I. Naalala ko na naman ang ginawa niya sa akin, ganoon rin kami katagal.
"I understand your pain, I've been there. Wipe your tears now. Let's eat infront of them, show them that you are okay without him." Hinawakan ko ang baba niya at nilapit ang mukha ko.
Dahan-dahan siyang tumango at lumakad papasok ng comfort room. Tumagal siya doon ng ilang minuto. Paglabas niya ng banyo ay napaawang ang labi ko nang makitang ibinuhaghag niya ang kaninang naka-bun niyang buhok. Dahilan para magkaroon ito ng kaunting wave o pagkakulot. Pansin ko rin na may blush on na siya.
"You look gorgeous," bati ko.
"Thank you, Garrison." Hinawakan niya ang braso ko.
Napangiti ako sa kaniya at sabay kaming lumakad pabalik sa table. Hindi pa kami nakakalapit sa aming lamesa ay pinagtinginan na kami, huling-huli ko ang pagtingin ni Solomon sa amin. Lalo na sa akin, tila ba may inis sa kaniyang mga mata nang makitang nakakapit sa aking braso ang kaniyang ex-girlfriend.
Nang maupo kami sa aming table ay nakita kong napatigil sa pagkain ang babaeng kasama ni Solomon. Siguro ay nagulat ito na may kasamang kagaya ko si Eviane.
"Let me help you," sabi ko nang makitang nahihirapan si Eviane hiwain ang steak gamit ang kutsilyo. Tumayo ako para ipaghimay siya ng steak.
Napangiti si Eviane sa akin. Bumalik ako sa aking upuan at saka kumain. Pansin ko rin ang pasimpleng pagtanaw ni Eviane sa lamesa nila Solomon.
"How's your food?" tanong ko.
"Masarap, iba talaga kapag mamahalin. Palaging good quality."
"Tell me anything that you want to eat, let's eat that together," sabi ko at kinuha ang juice saka uminom.
Napataas ang kilay ni Eviane.
"Y-You're kinda suspicious," bulong niya.
Napangisi ako. Nang yumuko siya ay malapit nang mapunta ang dulo ng kaniyang buhok sa plato niya kaya agad kong hinawi ang kaniyang buhok at inipit sa likod ng tenga nito, napatigil sa pagnguya si Eviane. Biglang namula ang buong mukha niya na ikinabahala ko.
"W-Why? Is there something wrong with the food? Your face is turning red," sabi ko.
"M-May a-ano, paminta, maanghang," naiilang niyang sabi sabay kuha ng inumin nito.
"Be careful."
"Alam mo, gusto kita komprontahin. Yung mga ginagawa mo ba na 'to, dahil lang ba sa pagganti mo sa akin? I mean, tatanggapin ko sige, kasi I know how to admit my mistakes and---"
"How many times do I have to tell you that this isn't a revenge."
"Then what? Bakit sinabi mong gamitin kita, saka yung words mo masyadong ano... B-basta!"
"Because I like you, Eviane."
Bigla siyang nasamid at umubo ng malakas. Napatayo ako at agad na binigyan siya ng isang basong tubig.
"A-are you okay?" hinimas-himas ko ang kaniyang likuran.
"Sir, may problema ba sa pagkain? Should I report it?" nag-aalalang tanong ni Jonathan.
"No, nasamid lang siya," sabi ko.
"I-I'm fine. O-okay na ako, bumalik ka na sa upuan mo," pagtataboy sa akin ni Eviane. Sumunod naman ako sa kaniya. Nakatitig lang ako sa mga mata niya habang pinupunasan niya ang labi niya.
"Do you think I am not serious?" tanong ko.
"Garrison, ako e... Galing na ako sa lalakeng manloloko, kaya huwag mo na dagdagan yung pain na nararamdaman ko. We barely knew each other. Ilang beses pa lang ba tayo nagkikita? Five times?"
"I don't care how many times we've met, Eviane. I like you and that's what matters."
"Garrison... I-I don't know how to react. I-I mean, bakit parang ang bilis? Isa pa, malay ko ba kung ginagago mo lang pala ako." Binitawan niya ang spoon and fork.
"I told you, I've been there, in your situation."
"Paano?"
"I also had an ex-girlfriend, we've been together for almost 3 years. She cheated last year so we broke up." Napasandal ako sa kinauupuan ko.
"G-Ganoon din katagal?" tanong niya.
I nodded. "I became busy, in our first year, we've been in good term but after celebrating our 2nd anniversary, we've been on and off. We oftenly met. I somehow think it's my fault, because I was too busy that I don't have time to meet her, pick her up in school, date her, eat with her. Then before her graduation in Masteral, I saw her with a man, her study buddy, became her f*ck buddy." I laughed a bit as I remembered how she cheats on me.
"Napakasakit no'n, nahuli mo?" curious niyang tanong.
"Yeah, in her condo."
"Naka-condo siya? Yaman."
"Yup, she's the daughter of our investor. I really don't know why I liked her, she's a party girl, obsessed with jewelries and clothes, she always asked me for material things." Ininom ko ang juice at napatingin sa kaniya na kumakain nang muli.
"Mayaman naman pala siya, bakit hindi siya ang bumili?" irita niyang sabi. "Mayaman na, gold digger pa rin."
Natawa ako sa sinabi niya.
"Anong nakakatawa? Nakakainis kaya yung mga ganyang babae, masyado mang-abuso."
"Yeah, you're very different from her, that's why I really like you." Napahinto na naman siya sa pagkain.
"Ayan ka na naman, bobolahin mo na naman ako. Hindi ako naniniwala sa 'yo, Garrison. Kaya tigilan mo 'yang panloloko mo."
"I'm serious, I already started courting you when I gave you flowers."
"H-Huh!? Panliligaw ba talaga 'yong ginagawa mo na 'yon!?" gulat niyang sabi.
"Yup, to I will prove that I really like---" nagulat ako nang biglang isubo ni Eviane sa bibig ko ang strawberry na hawak niya.
"Kumain ka pa, baka gutom ka lang," aniya.
Napangisi ako at kinain ang sinubo niya sa akin.
"Well, I hope you'll feel that I am really serious about you. Hindi naman ako nagmamadali, I know that you are worth courting for." Ngumiti ako sa kaniya.
"Bahala ka." Tila ba hindi pa rin siya naniniwala. This is challenging, paano ko ba siya mapapaniwalang totoo ang nararamdaman ko sa kaniya?
Sabay kaming napalingon sa lamesa nila Solomon nang makita naming tumayo na sila at naglakad palayo. Kita ko sa mga mata ni Eviane na hindi pa rin siya okay.
"Garrison, may tanong ako."
"What?"
"Paano ka naka-move on?" tanong niya.
"I enjoyed the pain. In my healing stage, I went to many different countries. Somehow I work in that place but mostly, I travel with Jonathan."
"Wow, naka free travel pa siya?" tanong niya.
"Yup, sagot ko lahat."
"Mahal mo naman mag-move on," natatawa niyang sabi.
"We have different kinds of ways to move on. That's my way, I need to calm my mind. See new things and see that the world is beautiful even without her."
"Matagal ka na rin pa lang single, kung last year pa kayo break," aniya.
"Yup, been months."
"Wala kang naging girlfriend after niya?" tanong nito.
"No, I felt like I'm not interested in love again but you suddenly came and---"
"Bobolahin mo na naman ako," aniya.
"I am serious."
Natapos ang pagkain namin at lumabas na kami ng restaurant. Napangiti ako nang makitang bagay kay Eviane ang sandals. I want to spoil her, she deserve it. I can see how happy she is when I gave her the sandals. Isang bagay pa lang 'yon, what more kung bigyan ko pa.
"Seatbelt," sabi ko pagkasakay namin ng sasakyan.
"Teka lang, hindi ko mahila, parang naka-stuck," sabi niya.
Agad akong lumapit sa kaniya para hilahin ang seatbelt. Nagdikit ang mga pisngi namin. Naramdaman ko ang pagsandal niya sa kinauupuan niya. Napangisi ako nang makitang namumula na naman ang mukha niya.
"Jonathan will tour you around the building while I have paper works to do in my office. Come with me in the conference room at exactly 10 am, I have a meeting."
Pinaandar ko ang sasakyan pabalik ng company building. Tahimik lamang siya buong byahe.