Eviane's P. O. V.
Halos malula ako sa laki ng building at dami ng silid nito. Unang palapag pa lang ang kabisado ko, pero siguro naman ay masasanay din ako. Ang mahalaga, may trabaho ako at may maayos na sahod para sa pamilya ko.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Jonathan habang pasakay kami ng elevator.
"Oo naman, medyo masakit na yung paa ko. Buong building ba naman nilakad natin, isang oras mahigit din tayong palakad-lakad." Ngumiti ako ng tipid.
Nag-iwas siya ng tingin at bumuntong hininga, baka akala niya ay nagrereklamo ako.
"Huy... Medyo mahina lang talaga ang muscles ko sa binti. Sanay naman ako sa lakaran pero mabilis sumakit, baka isipin mo paglalakad pa lang suko na ako." Siniko ko siya.
"Don't worry, ganyan din ako nung una. Kalaunan ay nasanay lang din ako. Kadalasan naman uupo ka lang sa tabi ni boss. Kukuhanin ko sa HR department yung ipad mo, for sure naayos na nila 'yon. I-aactivate nila ang mga account na gagamitin mo at ipapasa sa 'yo ang files na kakailanganin mo for your work."
Napataas ang kilay ko. Ipad? Magkakaroon ako ng Ipad? Hindi ba't mahal iyon?
"Babayaran ko ba 'yong ipad?" tanong ko.
"Nope, sagot ng company 'yon."
Nanlaki ang mga mata ko. Magkaka-ipad ako ng wala sa oras, grabe iba na talaga. Pumasok kami ng elevator patungo sa conference room kung nasaan si Sir Garrison.
"Sa susunod na taon, laptop naman ang ibibigay ng company sa mga employees."
"Bakit sila nagpapamigay ng ganoon?"
"It's not for their personal use. They can't put any wallpaper like photos of them, kasi binigay iyon for work purposes only. Para magampanan ng maayos ang trabaho nila. Mostly ang nakakuha noon ay mga I.T namin and Accountants, also sa production team. Kadalasan kasi may mga sariling desktop naman dito sa loob ng company."
"Hindi na ako magtataka bakit ang ganda ng takbo ng business dito. Lahat pala ihahain sa 'yo, ang gagawin mo na lang ay magtrabaho."
Tumango si Jonathan at lumabas ng elevator. Nagulat naman kami nang makitang lumabas din sa kabilang elevator si Sir Garrison.
"It's already 10 am. Let's go," seryoso ang tono ng boses ni Garrison.
Para siyang switch, pwedeng mong i-on ang bossy type business man, pwede ring yung soft and caring side niya. I wonder kung sa akin lang ba niya ipinapakita 'yon. Mahirap na magtiwala lalo na kung na-trauma ako sa past ko.
"Good morning, Sir."
Kaliwa't kanan ang bumabati kay Sir Garrison, hindi mo mabilang ang employee's na pumapasok sa conference room. Nakasunod lamang ako kay Sir Garrison. Dama ko pa rin ang pananakit ng muscles sa binti ko, pakiramdam ko magkakaroon ako ng muscle cramps anytime.
Pagpasok namin sa conference room ay namangha ako sa nga hightech nitong kagamitan. Maski ang presentation na nakikita sa projector. Sobrang linaw nito. Biglang pinatay ang ilaw sa silid para mas lumiwanag ang nakikita sa projector.
"Miss, ikaw ba yung bagong secretary ni Sir Garrison?" tanong sa akin ng isang babaeng naka-uniporme din.
Tumango naman ako.
"Bakit hindi mo pa pinaghahanda si Sir ng juice?" tanong nito.
Nagtataka akong tumingin kay Garrison. Nakaupo na siya sa gitna at nagsalita na ang mga employees. Tatanungin ko ba siya kung gusto niya ng juice.
"H-Hindi naman ata humihingi si Sir," wika ko.
"Automatic kasi 'yon, tuwing nasa conference si Sir, dapat laging may iced tea. Nasaan kaya si Maxine? Alam ko siya ang chief of staff," aniya.
Pakiramdam ko ay hindi ko nagagawa ang trabaho ko, hindi ko naman kasi alam. Nag-aadjust pa ako. Pero syempre dapat akong kumilos.
"A-Ako nang bahala, ikukuha ko si Sir. Saan ba kukuha?" tanong ko.
"Sa dulo ng hallway, may kitchen doon para sa mga guest. Nandoon lahat ng gamit, kayo lang ang pwede pumasok doon, authorized lang ni Sir, kaya huwag ka magpapapasok."
"Salamat, ako nga pala si Eviane." Napangiti ako sa kaniya at nilahad ang kamay ko.
"Martha," tinanggap nito ang kamay ko.
Agad akong lumabas ng conference room at nagtungo sa dulo ng hallway. Natagpuan ko kaagad iyon at pagpasok ko ay walang tao. Nagtungo kaagad ako sa sink at kumuha ng baso sa cabinet. Nakakita ako ng iba't ibang klaseng juice.
"Excuse me, sino ka? Hindi pwede ang employees dito." Kamuntikan ko nang mabitawan ang hawak ko dahil sa gulat. Muntik pa akong makabasag.
"S-Sir, secretary po ako ni Sir Garrison, kukuha sana ako ng juice."
"Baguhan ka ba?" pumamewang ito. Nakakatakot ang awra niya.
"O-Opo."
"Nasa ref ang juice ni Sir. Lagyan mo ng lemon sa baso, dapat kanina mo pa ginagawa 'yan. Mga baguhan dapat sinasanay muna," aniya.
Napayuko ako at binuksan ang ref. Mabilis akong kumuha ng juice at kumuha ng sliced lemon sana nilagay doon.
Nang matapos ako ay agad akong lumabas ng silid na 'yon. Nagtungo akong muli sa conference room pero parang ayaw na lumakad ng mga paa ko, napakasakit na nito. Pagtulak ko sa pinto ay bigla kong narinig ang sigaw ni Garrison.
"WE'RE SUPPOSED TO MAKE IT MORE AFFORDABLE WITH HIGH QUALITY. PAANO MABIBILI 'YAN? NASAAN YUNG TARGET MARKET NA NAKALAGAY DITO SA PROPOSAL NIYO!?"
Napatigil ako. Ngayon ko pa lang narinig si Garrison na sumigaw ng ganoon. Galit na galit siya. Inumin niya sana itong juice nang kumalma naman siya.
"S-Sorry, sir. Ire-revise po namin."
"Palitan niyo yung materials. I don't like this proposal, you've been working for five months for this project. Sayang lang lahat." Binitawan ni Garrison ang folder sa lamesa at umupong muli.
"Sorry po, Sir."
"Get out, revise the whole proposal. Within a month dapat tapos 'yan." Nagulat ako sa sinabi ni Garrison, napaka-strict niya pala sa work.
Wala pang ilang minuto ay mabilis na naglabasan ang mga empleyado, kaming dalawa na lang ang natira. Nakita kong binabasa ulit ni Garrison ang nasa folder.
Lumakad ako papalapit kay Garrison. Akmang ilalapag ko na ang juice sa lamesa nito nang bigla kong hindi maramdaman ang kaliwang paa ko dahilan para manghina ito at bumagsak ako. Laking gulat ko nang mabitawan ko ang baso at bumuhos kay Sir ang juice.
"Eviane!" sigaw ni Garrison.
Napayuko ako sa takot. Hinihintay kong sigawan niya din ako.
"Sorry! Sorry talaga, hindi ko sinasadya!" sigaw ko.
"Are you okay? What happened?" Napataas ang tingin ko sa kaniya nang makitang basang-basa ito ngunit hinawakan ang magkabila kong balikat.
"H-Hindi ko maramdaman ang paa ko, namamanhid ata. Sorry, natapunan ka tuloy," sabi ko.
"I'm fine."
"Hindi ka ba galit?" tanong ko.
"N-No, I'm not mad."
"Pero kanina, galit na galit ka sa kanila."
"Narinig mo 'yon?" tanong nito.
"Oo."
"I did it for them to work harder," hinawakan niya ang pisngi ko.
Napalunok ako ng ilang beses nang mapatingin ako sa labi niya. Bigla ko na namang naalala ang paghalik ko dito noon.
"You're blushing."
"H-Ha!?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.
Lumuhod siya sa harapan ko at laking gulat ko nang sunggaban nito ng halik ang labi ko. Napapikit ako sa kaniyang ginawa. Tila ba hindi nakatanggi ang katawan ko sa halik nito. Napahawak ako sa kaniyang dibdib at mahina siyang tinulak.
"B-Baka may makakita sa atin, ano ka ba! Tama na, mali ito." Umatras ako.
"Your eyes are telling me that you like me too."
Napa-iwas ako ng tingin sa kaniya. Agad akong tumayo at pinakiramdaman ang mga paa ko. Hindi ako dapat mahulog sa kaniya, hindi pwede. Nandito lang ako para sa trabaho, wala nang iba.
"Luh, asa ka!"
Mabilis akong lumakad para takasan siya.
**********