Chapter 10

1319 Words
Garrison's P. O. V. Habang hinuhubad ko ang aking damit dahil natapunan ito ng juice. Narinig ko ang vibration ng aking cellphone, mayroong notification kaya agad ko itong tinignan. "It's her..." Napangiti ako nang mabasa ang text ni Azrielle. From Azrielle: How are you? Ngayon ko lang nabasa ang email mo sa akin. Anong gusto mong pag-usapan? To Azrielle: About the marriage. Kailan ka uuwi ng Pilipinas, do you have an exact date? From Azrielle: Wala pa. Itutuloy pa rin ba talaga ang kasal? I mean, we're friends, hindi naman sa ayaw ko sa 'yo pero we're not in love. Napangiti ako, paniguradong matutulungan ako ni Azrielle. To Azrielle: That's what I want to say. Pwede bang huwag natin ituloy? From Azrielle: Let's talk about that soon. To Azrielle: Sure, thank you. Binaba ko ang aking cellphone at saktong bigla na lang bumukas ang pinto. Akmang sisigawan ko ang taong hindi na naman kumatok ngunit laking gulat ko nang makita kung sino iyon. "Eviane," tawag ko sa kaniya. Kasabay ng malakas na lampag ng pinto ay nabitawan niya lahat ng folders na hawak niya. Napaawang ang labi nito habang nakatingin sa aking katawan. Napagtanto ko na wala akong suot pang-itaas. "Do you like the view?" Pilyo kong sambit. "Anong pinagsasasabi mo? Nahihibang ka na ba?" iritable ang boses nito pero pansin kong naiilang siya. Kailan kaya siya magiging komportable sa akin? It feels like akala niya palagi akong nakikipaglokohan sa kaniya. Isa-isa niyang pinulot ang mga folders na nagkalat sa sahig. Lumapit naman ako para tulungan siya. Habang kinukuha ko ang mga papel ay pansin ko ang pamumula ng pisngi niya. Napangisi ako nang napagtantong pasimpleng sumusulyap si Eviane sa aking muscles. "I guess these are all mine?" tanong ko. "O-Oo, galing sa project 3. Ipapa-check daw sa inyo." Kinuha ko ang lahat ng folders at papel saka ipinatong sa aking lamesa. Pumunta naman ako sa maliit kong closet kumuha ako ng bagong polo. "Open the television," utos ko kay Eviane. Agad na sumunod si Eviane. Balita ang palabas sa tv. Naupo ako sa aking swivel chair, habang si Eviane naman ay naupo sa couch. Inaayos ko ang mga papel sa loob ng folder, napansin kong nag-ramble ito kaya hinanap ko pa ang page 1 para pagkasunod-sunurin ang mga ito bago basahin. "Isang business man, nakulong dahil sa mga ilegal nitong trabaho. Sikat at kilala si Vincent Ocampo bilang...." Napatigil ako nang marinig ko ang pamilyar na pangalang 'yon. "T-Teka, siya yung lalakeng nagbigay sa akin ng wine sa ball night party!" napalingon ako kay Eviane habang tinuturo ang TV. Napangiti ako. Nakulong na pala siya, finally. Dapat niyang pagsisihan habambuhay ang mga ginawa niya. "B-Bakit nangingiti ka d'yan?" tanong sa akin ni Eviane. Napailing na lamang ako habang tinutuloy ang aking ginagawa. "Lakasan mo pa ang volume, nakikinig ako ng balita." "Sir, hindi ba nagbabasa ka ng mga papel diyan? Paano ka pa nakikinig?" tanong ni Eviane habang hawak ang remote. "I can do multitasking," sabi ko. "Ibang klase. Hirap kaya mag-focus sa binabasa kapag maingay," kumento niya habang nilalakasan ang volume. Nagpatuloy ako sa aking binabasa. Habang nagche-check ako ng aming produkto ay biglang may kumakatok sa pinto ng opisina ko. "Pagbuksan mo," utos ko. Mabilis na sumunod si Eviane at binuksan ang pinto. Tumambad sa amin si Jimuelle. Ang kapatid kong panganay, but he's only adopted. "Oh, nasaan si Jonathan? Hindi ko alam na babae pala ang bago mong P.A?" natatawang sabi ni Jonathan. Akmang lalapitan ni Jonathan si Eviane kaya napatayo ako. Alam kong chickboy itong kapatid ko at kapag nakakita siya ng magandang babae ay lalandiin niya lang. "What's your name beautiful lady---" "Kuya, what brought you here?" Lumapit ako sa kaniya. "May balita akong narinig from Dad." Sumenyas ako kay Eviane na umalis muna. Sinarado niya ang pinto at nagtungo kami ni Jimuelle sa couch. "What is it?" "May babae ka raw na kinababaliwan ngayon? Siya ba 'yon?" "No---" "Obvious naman, Garry." "Nandito ka ba para asarin ako?" "Pwede. Nabo-bored na ako sa totoo lang. Parang gusto kong kuhanin kay Dad ang company na 'to at ako ang mag-handle, mukhang mas maraming sales 'to---" "Pwede ba? May sarili kang company na hina-handle, bakit hindi iyon ang pagtuonan mo ng pansin?" "Why? Are you scared na ma-bankrupt din 'to?" "What the f*ck are you saying?" "Malapit na ma-bankrupt ang akin. Wala nang masyadong sales. Bagsak. Nakakainis kasi yung katunggali ko, inagaw niya lahat ng customers. Hindi ako pwede magbagsak presyo. Nag-sale na nga ako last month para sa amin bumili ng car materials, kaso wala. Kinakalawang na yung mga tambutso ko do'n sarap ipukpok sa mukha ng Gilbert na 'yon---" "Alam na ba ni Dad 'yan?" Sinamaan ko siya ng tingin. Para niyang ginagawang laro ang business na pinaghirapan ng magulang namin. Hindi ako makapaniwala na nagagawang tiisin ni Dad ito. Ang kapal ng mukha niya. After what my parents done to him, ganito ang igaganti niya. "Oo naman, wala din naman siyang magagawa." Tumayo ako at kumuha ng papel. Lumakad ako papunta sa harapan ni Jim. May respeto ako sa kaniya bilang nakakatanda siya sa akin pero nauubos na rin ang pasensya ko sa kaniya. Hinagis ko sa dibdib nito ang sales ko ngayong buwan. "Taasan mo ang sales ko. I'll give you 10 million." Biglang humagalpak ng tawa si Jimuelle at tinignan ako ng masama. "Ang yabang mo na, mahina ka nga sa lahat e. Sabagay, I understand kung bakit pinagmamalaki mo ang sales mo. Ito lang naman ang kaya mong ipagmayabang, 'di ba? Pero pagdating sa babae, sa atensyon ni Dad at sa pagiging paborito. Ako palagi 'yon, Garry." Niyukom ko ang kamao ko. Akala niya pala siya ang paborito dahil lang siya ang palaging kausap at sinasamahan, hindi niya alam na siya ang pinakamahina kaya siya ang may kailangan ng gabay. "Get out of my company." "Fine!" Lumakad palabas si Jimuelle. Saktong pagbukas ng pinto ay naroon naman sina Jonathan at Eviane. Pumasok ang dalawa nang lumabas si Jim. "Sir, kailangan ko po ng pirma niyo, para ma-transfer na sa pangalan niyo ang property ni Vincent Ocampo." Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin iyon ni Jonathan sa harapan ni Eviane. "A-Anong property?" hinila ni Evaine ang braso ni Jonathan. Nagkatinginan kaming dalawa. Napayuko si Jonathan at ngayon lang niya napagtanto ang ginawa niya. "Huy, ano 'yan!" "Eviane, it's a... Business matter---" "Kilala ko yung Vincent na 'yon, siya ang nagbigay ng wine sa akin pero bakit ita-transfer sa 'yo ang---" "I bought everything he has, now that he's in prison." "Don't tell me, Garrison! Ikaw ba ang dahilan kung bakit siya nakulong!?" gulat na tanong ni Eviane. "Maybe... Yes?" "Bakit mo naman ginawa 'yon?" "It's f*cking a big deal, paano kung nagkasakit ka dahil sa drugs na nilagay niya? That's a f*cking crime, Eviane. No one can hurt you anymore. Hindi ako papayag, lahat sila papatumbahin ko!" Napaawang ang labi ni Eviane habang si Jonathan ay hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. Mabilis kong inagaw kay Jonathan ang mga hawak niyang papel at dinala sa aking table. Pinirmahan ko ito isa-isa. "Sir, na-appreciate ko pero bakit mo ginawa 'yon para sa akin?" "Eviane, ilang beses ko ba sasabihin sa 'yo na mahal kita?" "Lalabas muna ako, Sir." Narinig ko ang tunog ng pinto. Napatigil ako sa pagpirma ng mga papel. "Jusko, ganiyan ba talaga? Without my consent? Kung mahal mo talaga ko, hindi ba dapat ipinapaalam mo sa akin lahat? Ganoon ang mag-partner!" "Bakit, mag-partner na ba tayo? Hindi ba't nililigawan pa lang kita?" Lumakad ako papalapit sa kaniya. "Unless, sinasagot mo na ako." "H-Hindi 'no! Sinasabi ko lang na ganoon ang ideal na relasyon. Syempre nag-a-approve ang babae sa mga plano ng lalake! Hindi porket lalake kayo e' kayo na ang boss sa lahat." Napangiti ako. Is she accepting me as the boy she's saying being an ideal man inside a relationship? "Live with me, Eviane." "A-Ano!?" ******************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD