Eviane's P. O. V. Napaawang ang labi ko sa sinabi nito. Para siyang nababaliw, kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig niya. "Hibang ka ba, Garrison!?" sinamaan ko siya ng tingin. "I just wanna make sure you're always safe. Ayokong mawala ka na sa paningin ko kaya gusto ko sanang tumira ka na sa penthouse ko." Napabuntong hininga ako. "Gusto ko lang sabihin na, hindi porket boss kita at nagtatrabaho ako sa 'yo, e pwede mo na akong hilahin kung saan-saan. Sinusubukan ko maging kalmado ngayon, Garrison. Kaya huwag mo sagarin ang pasensya ko." Ngumiti ako ng pilit. Bigla namang natawa si Garrison kaya nawala ang ngiti sa labi ko. "You're so cute. I actually want to introduce myself first to your family para naman----" "A-Ano!?" "To prove that I am serious." "Tigilan mo na nga, Garri