CHAPTER 25 GRIECO Inip na napabuga si Eco ng hangin matapos na sumulyap sa cellphone niya pero wala ang hinihintay niya at gustong makita sa screen no’n—isang text message. He’s with Candice and Axl, eating in a fine restaurant after his driving lessons. “Why do you look so worried, Grieco?” tanong ng babae sa kanya kaya napatingin siya rito. “Are you with us with somebody else?” Sumulyap ang binata sa inaanak na parang nalungkot ang mukha at umuklo lang sa kinauupuan. That’s the reason why he hates talking in front of Axl. The boy instantly turns sad when he feels that he’s no longer involve with Candice. “Please Candice.” aniya rito. Wala siya sa mood magbiro dahil pagod siya at hinihintay niya ang text ni Kisses. Ala una na pero wala pa siyang natatanggap mula roon. Gusto na sana