“Hmm... Baby...” anas ni Georgina habang marahan kong hinahaplos ang kanyang malulusog na dibdib. Ang kanyang mga daliri’y abala sa paghubad ng suot kong mahabang polo. Habang magkadikit ang aming mga labi, marahan ko siyang binuhat at pinaupo sa ibabaw ng mesa ng aking opisina.
Walang alinlangan kong hinubad ang kanyang damit. Hinagkan ko ang kanyang dibdib, sinimsim ang kanyang u***g habang napapaliyad siya sa sarap.
“Oh, shit...” ungol niya, napakapit sa buhok ko habang nanginginig ang kanyang katawan.
Mas lalong uminit ang aking pakiramdam nang ipasok ni Georgina ang kanyang kamay sa loob ng pantalon ko, marahang hinahaplos ang aking pagkalalake.
“Baby, ayokong matapos ‘to… Paligayahin mo ako,” pagsusumamo niya, punong-puno ng pagnanasa ang boses.
“Of course...” bulong ko.
Ngunit sa mismong sandaling ibinaba ko ang suot niyang palda, isang nakakainis na ingay ang pumunit sa katahimikan—bumukas ang pinto ng opisina.
“Ryker! Oh, damn it!” sigaw ni Ismael.
Bigla akong napatigil. Mabilis akong tumingin sa kanya nang masama, puno ng inis. “Don’t you know how to knock before coming in? “singhal ko habang nagmamadali akong magbihis. Si Georgina naman ay dali-daling tumakbo papuntang banyo, pulang-pula ang mukha sa kahihiyan.
Kampante namang umupo si Ismael sa sofa, halatang aliw sa nasaksihan.
“Isn’t that your secretary?” tanong niyang puno ng panunukso.
“It’s none of your business,” malamig kong tugon.
“Tsk. Kung sino-sino na lang talaga ang kinakasta mo. Hindi ka ba natatakot? Baka makakuha ka ng sakit.”
I didn’t answer him. Instead, I grabbed a paper from my desk and threw it at him.
He picked it up, read it, and shook his head while chuckling.
“Talaga? Pinag-HIV test mo muna bago mo pinatulan? Ikaw na!”
Umupo ako, naka-dekwatro ang mga binti. “I’ve been with a lot of women, but I always make sure I’m safe. I don’t want any regrets.”
“Alam ba niyang fubu mo lang siya?”
“Of course. She knows the rules.” Lalong sumisidhi ang inis ko—naputol na ang init na kanina’y umaapaw.
“Ano ba’ng kailangan mo?”
Sumeryoso ang mukha ni Isaac. “Did you forget? Today’s Ryco’s death anniversary.”
Tumahimik ako. Kinuha ko ang sigarilyo sa drawer at sinindihan.
“Hinahanap ka ni Tito Rasmier kanina. Bakit hindi ka nagpakita?”
“You know I’m busy.”
“Busy having s*x??”
Napabuntong-hininga ako, tinig ko’y naging mabigat. “Alam mo naman kung bakit hindi ako pumupunta sa mga gano’ng okasyon. Hindi ko kaya, Ismael.”
Napailing siya. “You need to let go of that promise you made to Ryco. He would’ve understood.”
I quickly changed the topic.
"How’s the hospital I want to buy? Have they responded?"
Isaac shook his head. “Hindi ka pa rin sumusuko? Paulit-ulit ko nang sinasabi—ayaw nilang ibenta ang Bernadette Oasis Hospital. Pamilya nila ang nagtatag no’n. Malalim ang ugat ng lugar na ‘yon sa kanila.”
“The hell I care. Gawin mo ang lahat para makuha ko ang ospital na ‘yon.”
“Ryker, are you serious? You’re doing all this just because of one nurse? Why not just have her fired?"
I shook my head.
“No. That’s not part of the plan."
Suddenly, I remembered our chat—me and that nurse.
I opened my phone right away.
“She read it... and she still hasn’t blocked me,” I muttered to myself with a slight smile.
“Magbago ka ng diskarte. Hangga’t umaasa kang ibebenta sa’yo ang ospital, baka abutin ka ng siyam-siyam.”
“Tsk. Sinira mo lang ang araw ko,” iritado kong sagot.
Tumahimik kami nang lumabas si Georgina mula sa banyo, nakayuko at halatang nahihiya.
“Mahilig ka talaga sa mas bata, ano?” puna ni Ismael.
“She’s twenty-five.”
“Ah, okay.” Tumayo siya. “Aalis na ako. Puntahan mo si Tito Rasmier. Hinihintay ka niya.”
At tuluyan na siyang lumabas.
As soon as Ismael left, Georgina returned. She walked over silently and gently ran her hand across my broad chest, clearly trying to seduce me.
“Baby... itutuloy na ba natin ngayon?" aniya, ang tinig niya'y puno ng pag-aanyaya.
"Stop, Georgina," malamig kong tugon, hindi man lang siya tinitingnan.
Bigla siyang napahinto. Matalim ang tingin niyang ibinaon sa akin, puno ng pagtatampo at galit.
"What's wrong with you? Ayaw mo na bang ituloy 'to? I’ll be your driver—kahit saan mo gusto."
Napatingin ako sa kanya, diretso sa mga mata niya. "Where’s the document about our monthly income reports?"
Napayuko siya, umiwas ng tingin, halatang nabigla. "H-Hindi ko pa natatapos…"
"Didn’t I tell you I needed it today?" sagot kong kalmado pero madiin, pilit pinipigil ang inis.
"I'm sorry. Marami lang talaga akong ginawa. Pero huwag kang mag-alala, tatapusin ko ngayon."
I let out a deep breath. "What about the confirmation from Mr. Suarez regarding my request to have a meeting this week? Did he reply to your email?"
Napatingin siya sa sahig, halatang nahihiya. "Nakalimutan ko... hindi ko pa siya napadalhan ng email."
Napakuyom ako ng kamao, gigil sa pagkainis. "Georgina, let me remind you—you're just a fubu. Whatever we have has nothing to do with work. Don’t act like some Disney princess because I can fire you anytime I want."
"Sorry... hindi na mauulit," mahina niyang sabi, halos pabulong.
“Just make sure you finish everything I asked you to do today.”
"Yes, Sir," sagot niya, halos hindi makatingin. Tumalikod siya at tahimik na lumabas ng opisina.
Umiling ako habang nakatitig kay Georgina. Hindi ko maaaring palampasin ang kapabayaan niya sa trabaho. Kahit may panghihinayang ako na naudlot ang unang pagkakataon sana naming magtalik, mas mahalaga pa rin sa akin ang trabaho.
Pinagpatuloy ko ang mga gawain ko hanggang sa hindi ko namalayang alas-kuwatro na pala ng hapon.
“Kailangan ko nang umuwi,” mahina kong bulong sa sarili.
Maingat kong niligpit ang mga gamit bago lumabas ng opisina. Habang nagmamaneho pauwi, naisip kong bumili ng bulaklak para dalawin si Rycon. Sigurado akong wala na roon ang mga magulang ko dahil kanina pa sila bumisita sa musoleyo.
Huminto ako sa isang maliit na botika na may tindang bulaklak at pumili ng pinakamagandang maiaalay kay Rycon. Matapos bumili, agad akong bumalik sa nakaparada kong sasakyan.
“Holdap ’to!”
Bigla akong napahinto. Isang lalaki ang biglang tumutok ng baril sa tagiliran ko bago ko pa man nabuksan ang pinto ng kotse. Napalinga ako sa paligid. May ilang taong dumaraan, pero dahil halos magkadikit na ang katawan namin, hindi halatang may baril siyang nakatutok sa akin.
“Kunin mo na ang gusto mong kunin,” sagot ko, pilit pinapakalma ang sarili. Kabado ako, pero kailangan kong panatilihin ang malinaw na pag-iisip.
Kinapa ng lalaki ang bulsa ko at mabilis niyang nakuha ang cellphone at pitaka ko. Wala namang gaanong pera sa loob noon, karaniwan kasi akong gumagamit ng card.
“’Wag kang kikilos kung ayaw mong mabutas ang tagiliran mo!” mariing banta ng lalaki.
Pagkatapos makuha ang mga gusto niya, bigla niya akong hinampas ng baril sa ulo. Naramdaman ko ang matinding kirot bago ako bumagsak sa sementado.
“Holdaper! Pulis! Holdaper 'yan!” sigaw ng isang babae mula sa di kalayuan.
Nahihilo ako. Lumalabo ang paningin ko at hindi ko na inalam kung sino ang sumisigaw. Mayamaya, narinig ko ang putok ng baril.
“Patay na yata siya!” Narinig kong usapan ng mga tao sa paligid.
Dahan-dahan akong tumayo habang pinipilit hanapin ang pinagmumulan ng kaguluhan. Doon ko nakita ang lalaki na nakaposas, nakadapa, at tinututukan ng pulis.
“Siya po ang hinoldap,” wika ng babae habang itinuturo ako.
Nilapitan ako ng pulis. “Sa'yo ba itong cellphone at wallet?”
Tumango ako. “Oo. Maraming salamat po.”
“Maari po ba kayong sumama sa presinto para pormal na magsampa ng reklamo?”
“Sige po. Walang problema.”
“Sumunod na lang kayo,” aniya.
Habang pabalik ako sa kotse, may narinig akong tumawag sa akin.
“Sir! Sandali lang!”
Huminto ako at lumingon. Kumunot ang noo ko sa pagkakakilala sa mukha.
“Jillian Ramirez...” mahina kong sambit.
Naka-maong siya at puting t-shirt. Simple pero maayos tingnan. Lumapit siya kaagad.
“Sir, dumudugo po ang ulo ninyo. Sigurado po ba kayong ayos lang kayo?”
Mabuti na lang at naka-shades ako, hindi niya ako makikilala, kahit na nga ngayon lang niya ako nakaharap.
“Ayos lang ako,” malamig kong tugon.
“Sir, gamutin muna natin ang sugat ninyo.”
“Gamutin?” tanong ko kunwari’y nagtataka.
Tumango siya. “Malapit lang dito ang ospital. Puwede kayong dumaan para linisin ang sugat.”
“Thanks for your concern, but I don’t have time.” Binuksan ko ang pinto ng sasakyan pero kumatok siya sa bintana.
Napilitan akong ibaba ang salamin.
“Ano na naman?” inis kong tanong.
“Pasensiya na po. Pero nag-aalala talaga ako. Puwede ko kayong gamutin dito? Nurse po ako. Off-duty lang kaya naka-civilian ako.”
“You have a first aid kit with you?”
Tumango siya. “Sandali lang.”
Binuksan niya ang bag at inilabas ang betadine, bulak, alcohol, at bagong biling gasa.
“Why do you have all that in your bag?”
“Para sa tatay ko sana,” sagot niya.
“Then why use them on me?”
“Kailangan n’yo po. Sabihin n’yo kung masakit,” wika niya habang maingat na nililinis ang sugat ko gamit ang alcohol.
Hindi ko maiwasang pagmasdan siya. Tahimik lang siyang nagtatrabaho, para bang sanay na sanay sa ganitong eksena. Nang matapos siya, kinuha pa niya ang blood pressure at heart rate ko gamit ang dala niyang Sphygmomanometer.
“You carry that around too?”
Tumango siya. “Pati oximeter at thermometer. Lagi kong dala.”
“Tsk. Weird.”
Ngumiti siya. “Sabi nga nila, pero nakasanayan ko na. Hindi mo kasi alam kung kailan may taong mangangailangan ng tulong.”
“Do you think your efforts are worth it? The hospital doesn’t even see what you’re doing. It won’t raise your salary or get you promoted.”
Ngumiti lang siya. “Hindi naman ako tumutulong para sa posisyon o pera. Isa ito sa mga sinumpaan kong tungkulin.”
“It’s useless.”
Ngumiti siya. “Ayos na po ang sugat n’yo. ’Wag n’yong hayaang lumala. Kung sumakit ang ulo n’yo, magpa-check up agad.”
Tumango ako. Kinuha ko ang wallet ko at inabot sa kanya ang tatlong libo.
“Here, take this. Use it to buy what your father needs.”
Umiling siya. “Walang bayad ang pagtulong, Sir. Maliit na bagay lang ito.” Tinalikuran niya ako at umalis.
Pero hindi ako makakapayag. Bumaba ako ng kotse at hinabol siya.
“Wait!” sigaw ko.
Huminto siya at lumingon. “Bakit po?”
Kinuha ko ang palad niya at ipinatong ang pera. “Take it. I don’t like owing anything to anyone.” Tinalikuran ko siya at umalis.
“Sir! Wait lang po!” habol niyang sigaw.
Binilisan ko ang paglalakad at sumakay ng kotse.
“I hate her so much,” bulong ko sa sarili.