SAMANTHA "Dale, may bluetooth ba itong sasakyan mo?" tanong ko habang mabilis na nagtipa sa iPad na hawak ko. "Wala, Sam," sagot agad ni Dale. Sa kalsada nakatutok ang paningin nito habang pormal na nagmamaneho. Alam ko na tulad ko ay hindi na rin maganda ang kutob niya lalo na sa mga kinikilos ko. "Give me the directions right away," utos ko sa tauhan ko saka nilakasan ang volume ng cellphone ko matapos i-loud speaker ang tawag ko. "Sundin mo ang direksyon na sasabihin niya," mariin na sabi ko kay Dale. Alam ko na nakuha na niya ang ibig kong sabihin kaya naman hindi na nagtanong pa. "Sab, anak, listen to mommy ha. Naglalaro kasi kami ni daday kaya 'steady ka muna sa upuan mo ha?" sabi ko sa anak ko. "Yes, mom," nakangiti at nakakaunawa na sagot nito. Agad na kinabitan ko ng seat