SAMANTHA "Mommy, daddy! Wake up please," narinig kong malakas na sabi ni Sabrina habang panay ang tapik sa balikat ko. "Yes baby?" sagot agad ng ama na naunang nagising sa tabi ko. "I need to pee." Nagmulat ako ng mata at inaantok na bumangon. Nakatulog pala ako katabi ni Dale matapos ipahiram sa akin ang damit nito at tumabi sa anak ko. "Alright baby, come. Si daddy muna ang bahala sa iyo okay?" Pinanood ko lang ang dalawa dahil hinayaan ko si Dale na samahan si Sabrina since siya ang nakakaalam ng pasikot-sikot dito sa bahay nila. Nakahinga ako ng maluwag matapos makitang niligpit na pala ni Dale ang foam na nilagay niya kanina sa sahig. Nawala na kasi ito sa isip ko dahil ang makatulong ang pinakagusto kong gawin dahil nanlalata ako at pagod na pagod ang pakiramdam ko lalo na