Jullia's Point of View
"Isang daan at labing limang tao ang patay samantalang tatlong daan at limapu't isa ang sugatan at ngayon ay ginagamot pa sa iba't ibang ospital. Siyam sa tatlong daan at limapu't isa ay kritikal ang kondisyon."
Nanonood kami ngayon sa balita at kaming Verdant lang ang naiwan ngayon dito sa dorm namin. May class kasi ang mga classmate namin and since we're too tired ay hindi na kami pinapasok ng teacher namin kahit na hindi naman talaga kami papasok.
I sighed, "Kung magpapatuloy ito baka magkaroon na nang hindi magandang epekto sa ekonomiya natin pati na rin sa seguridad ng bansa," sabi ko habang nakatingin sa telebisyon.
"Nandito po kami ngayon ng aming team sa St. hospital kung saan three fourth sa mga sugatan ang naka-admit ngayon at kasama na ang lima sa kritikal na lagay," napangalumbaba na lang ako at napatingin sa mga kaibigan ko. "Sa ngayon ay stable na ang lagay ng mga sugatan na dinala sa ospital na ito at kasalukuyan ding sinasagawa ang operasyon sa limang kritikal ang lagay," dagdag pa ng reporter.
"I hope they'll survive," I heard Akesia said and I nod my head indicating that I agree to her.
Napatingin naman kami sa dalawang lalaki na kakarating lang at halatang haggard na haggard kaya naman tumayo na kaagad si Kass at Yana para kumuha ng maiinom ng dalawa. Oh, perks of having a lover, may mag-aalaga sa iyo. Napairap na lang ako and I heard Mark and Henry chuckled a little.
"Hindi pa alam ng mga otoridad kung bakit pinasabog ang plaza at hindi pa rin nila mabigyan ng pangalan ang mga taong involve sa pagsabog na ito," at tumingin ang reporter sa kaniyang cellphone saka nagpatuloy. "Sinasabi ng ilang mga tao na nasa lugar na may isang tao na naka-full black attire ang dahilan ng lahat ng ito. Masasabing isa itong suicide bomber dahil sa katawan ng lalaking ito nakalagay ang bomba,"
Napanganga naman ako and I know that my friends are also had the same reaction as mine.
"Nagpapatawa ba sila? Hindi ko alam kung bakit nila ginagawa ito pero ang patayin ang sarili nila at the same time mangdamay? May konsensya pa ba sila?" Inis na sambit ni Min at kulang na lang ay ibato ang unan sa telebisyon.
"Hindi natin alam kung ano ang dahilan nila pero nasisigurado ako na may koneksyon ito sa organization," dinig naman naming sabi ni Akesia.
"May clue ka na ba?" tanong naman ni Henry.
"Wala pa pero pakiramdam ko lang may kinalaman talaga sila," saka ito umiling iling.
"Kung sabagay," sang-ayon naman ni Mark at ininom ang juice na binigay ni Kass sa kanya. "I think the bomb that the suicide bomber used is a high graded," he added.
"High graded?" Takang tanong naman ni Yana.
"Meaning, na-enchance na ito at mas malakas pa ito sa normal na bomba," pagpapaliwanag naman ni Henry sa girlfriend nito.
"Ibig sabihin may expert talaga sila sa panig nila," sabi ko naman at napangalumbaba.
"That's an obvious," Kesia said and I looked at her. "Kung wala silang expert ay hindi sila makakatagal ng ganito sa pagtatago sa otoridad," she added.
"Also, may malakas silang backer," Henry added.
Backer na naman. Minsan talaga nagagamit ang salitang iyan sa hindi magandang bagay. Kung nagagamit sana ang salitang iyan sa magagandang bagay e'di sana hindi magkakagulo nang ganito ang lugar na ito o ang buong mundo.
"Imbis na ang organization ang pabagsakin natin bakit hindi ang backer nila?" Napatingin naman kami kay Kass. "You know, their backer might be the one giving them a financial aid," she added.
"Ang tanong paano natin iyan malalaman? Hindi naman tayo pwede manghingi ng bank transaction nila," Min said.
"Also, kahit manghinga man tayo hindi naman sila papayag. Hindi lang iyon, baka may swift account sila or black account para maitago ang identity nila," Yana added. "Hindi ko alam kung makakatulong ito pero si ate may kilalang hacker ng swift and black account," she added.
"That's too risky," agad naman na sabi ni Henry.
"Why?"
"Hindi natin alam kung hawak ba iyon ng organization o hindi," Henry answered.
Kaagad naman umiling si Yana, "You're wrong this time, Ney." She said with a confidence. "That man is known for being a business man and a nuetral person," she added. Tumaas naman ang kilay ni Henry at mahina akong natawa dahil alam ko na nagselos ang isang ito.
"Seloso naman si mayor," pang-aasar ni Akesia.
"Paano mo naman nasabi iyan? Na-meet mo na?"
Tumaas ang kilay ni Yana at saka umiling, "Nope, iyon lang ang pag-describe ni ate sa akin. And please, huwag kang mag-seselos dahil sabi ni ate boyfriend niya iyon," at umirap naman ito.
Natawa naman kami dahil sa pagselos ni Henry kaya naman sinamaan niya kami ng tingin. Well, at least nagagawa pa namin ang tumawa sa kabila ng kaguluhan na ito. Also, nakita ko rin na bumabalik na ang ngiti ni Akesia.
"Oo nga pala, Kesh," dinig kong sabi ni Yana at tumayo ako para pumunta sa kwarto ko. "Punta tayo at bisitahin si mama mo," I heard Yana added.
Hindi ko na narinig pa ang usapan nila at pumasok na ako sa kwarto ko saka kinuha ang phone ko at nag browse. Sobrang daming news article ngayon at isa na rin sa featured ay kami. Someonefromnowhere: To those student of MA, thank you for saving my mom.
YouandI: I don't know kung nababasa man ninyo ito o hindi pero gusto ko magpasalaman sa pagligtas sa mag-ina ko. Sila yung tinulungan ninyo sa kotse na muntik nang ma-sofucate.
Naalala ko naman yung mag ina na nai-ligtas namin sa kotse ni Akesia kaya naman napangiti kami. Marami pang nagpapasalamat sa amin at marami rami din naman ang nagalit dahil hindi namin naligtas ang mga mahal nila sa buhay.
Napahilata na lang ako at binitawan ang cellphone ko, "Hindi naman lahat kaya namin iligtas. Hindi naman namin maililigtas ang mga taong patay na," I whispered.
"May problema ba?"
Napatingin ako sa may pintuan kung saan nakasandal si Akesia at nakatingin sa akin. Bumuntong hiningan naman ako, "Nothing. Just kind of annoyed," I said and her brows furrowed.
"Why?"
"They're mocking, cursing, and hoping for us to be in the same situation as what happened in the plaza. Mostly sa kanila ang mga namatayan. Hindi naman natin kasalanan na hindi natin nailigtas ang lahat," I ranted and she nods her head. "Also, mukha ba tayong bumubuhay ng patay?"
She gently laughed at me and shrugged her head, "What do you expect in this society anyway? No matter what you do they will say something about you. In nine things you did right, just one mistake will judge you," she said with a smile.
"People nowadays, really," I commented.
"Well, stop the drama. Go and get ready yourself, pinapatawag tayo ni Mr. President." And she left.
?????????????
Magulo and restricted area pa rin ang plaza at kitang kita ito sa lugar kung saan kami ngayon. Nagpatawag kasi ng meeting ang Presidente kasama kami.
"Please proceed to the conference room," Marina said while smiling on us.
Nginitian lang din naman namin siya at hindi na kami nagsalita pa saka kami pumasok sa conference room. Nakita ko pa ang pag-kunot ng noo ng mga politician nang makita kami. Siguro hindi nila expected na kasama kami sa meeting. Well, so do we, quits lang kami.
"Bakit napasali ang mga bata dito?" Sambit ng isang lalaki and by just looking at him he looks around 40s.
Hindi ko gusto ang tabas ng dila nito. Lalo na 'yung tono ng pananalita niya.
"Sorry for not informing you all," the President said and we all looked at him as we sitting on our designated chair. "I want to hear their opinion as we discussed on how we're going to give an assistance to the victims of this plaza suicide bombing,"
"They're just a kid! Mr. President, with all due respect ano naman ang ma-co-contribute nila sa meeting na ito?" Sambit naman ng isang babae.
Ah, now we know kung bakit easy as pie lang sa mga taga organization ang pagpapasabog sa bansang ito. Kahit ang mga politician na dapat nagkakaisa ay mas pinipiling magwatak watak.
"Kung titingnan sila, yes, they're just a kid. But no, think in the other way. There is no better than them in this room can give us a proper idea," agad naman na buweltahe ni Mr. President. "Hindi naman masamang manghingi ng opinyon sa kabataan, bakit kayo natatakot?" may halong pananakot sa boses ni Mr. President ah.
Nagdiskusyunan sila tungkol sa mga dapat at hindi dapat na gawin at sa mga solusyon. Hindi kami nagsa-salita unless na tawagin kami ni Mr. President.
"Hindi naman natin pwedeng bigyan ng 1.7 billion ang mga pamilya nang naapektuhan!" sigaw ng isang cabinet member.
"Tama! Hindi naman natin kasalanan na na-aksidente sila!" dagdag pa ng isa.
Parang gusto ko ata manapak ng tao ngayon. Napatingin ako sa mga kaibigan ko at nakita ko ang pagtaas ng kilay nila, sure, iisa lang kami nang nararamdaman ngayon.
"Ah!" biglang bigkas ni Akesia at saka niya marahas na hinampas ang mesa kaya naman napunta sa kaniya ang atensyon.
Ha, nawalan na ng kontrol si Akesia, lagot kayo!
"Sorry about that," dinig naman naming sabi ni Henry pero maski siya ay napabuntong hininga. "Hindi lang namin maatim na manahimik sa naririnig namin. Mr. President, may I have the honor to speak?"
Tumango naman ang Presidente na halata ring hindi nagugustuhan ang sinasabi ng mga cabinet members niya. Kung sabagay, karamihan sa cabinet member niya ngayon ay nasa kampo ng namayapa ng Presidente.
"You may speak as you pleases," the President said and that gave Henry a smile which creepier than the one of our enemy that we fought before. "Can you hear yourselves? Is that how money made you?"
"Ha! Anong akala mo sa amin mukhang pera?! Hindi iyan ang tinutukoy namin! Masyadong malaki ang 3.6 billion na uutangin at ang 1.7 ay mapupunta lang sa mga namatayan sa aksidente? Kasalanan nila na nasa lugar sila na iy--"
Hindi na naituloy pa ng isang cabinet member ang kanyang sasabihin dahil may biglang lumipad papasok sa bibig niya na naging dahilan ng kaniyang pag-ubo. Ang mga katabi lang niya ang nagbigay ng atensyon sa kaniya pero kami? Tinitingnan lang namin kung paano siya mahirapan.
I know, si Min ang may gawa no'n. Hindi na rin ata nakapagpigil ang baliw na iyon.
"Hindi ko alam na may mga tao pa pala na kagaya ninyo," pagsasalita ni Henry na wari mo'y baliwala sa kaniya ang nakikita namin na nahihirapan na cabinet member.
"What are you talking about!? Why don't you just help him and stop talking?!" The female cabinet member said.
Napabuntong hininga naman ako. Kaya hindi umaasenso ang bansa dahil sa ganitong klaseng mga tao sa gobyerno. Kung hindi mga corrupt at gahaman sa pera ay mga wala namang paki-alam sa mga nasasakupan nila kundi sila sila lamang na may mga pera.
"Why would we help him? Ayaw nga niyang tulungan ang mga namatayan at mga na-apektuhan ng aksidente e, so why?" Pang-aasar naman na sambit ni Henry. "Anyway, I'll continue, makinig man kayo o hindi wala kaming pakialam. The President is right, he should loan from the other country to aid those victims. Hindi naman porque 1.7 billion ang nakalaan ay uubusin na iyon sa mga namatayan at mga na-aksidente, no." Naiiling na sambit ni Henry at medyo um-okay na ata yung lalaking puro reklamo kaya nanahimik na sa pag-ubo. "Hindi lang ang mga naapektuhan nang pagsabog ang bibigyan, pati na rin ang lahat ng pamilya na na-apektuhan ng epedemya!" "Hindi natin kailangan bigyan sila ng-"
"Naririnig niyo ba sinasabi ninyo?!" sigaw ng isang cabinet member na kanina pa tahimik, "Ganyan na ba kayo kagahaman sa pera? Of course, ano nga bang pakialam ninyo sa mga tao gayong wala naman kayo sa sitwasyon nila!"
"Geral--"
"No, Jade, hindi ko na kaya manahimik! Bakit kailangan pa ninyong sisihin ang mga namatay sa pagsabog?! Hindi naman kasalanan ng anak ko na surpresahin ako at nag-drive pa papunta dito para lang masunog sa loob ng kotse niya!"
Napaiwas naman ako nang tingin dahil ramdam ko ang sakit sa kaniyang mga boses, ayoko rin makita ang mga mata niya na may nangingilid na luha.
"Kasalanan din ba ng kapatid ko na mamatay siya dahil sa epedemic na kumalat?" This time ang babae naman ang nagsalita, Jade ang pangalan based sa sinabi ni Geral.
Natahimik ang sampung cabinet member at hindi nila inaasahan ang pagsasalita ng dalawa. Labing dalawa silang cabinet member pero ang isip nila hindi iisa. I mean, oo, iisa sila sa mga pagnanakaw ng pera pero sa pagtulong? Maybe pakitang tulong lang since malapit na naman ang eleksyon.
"Calm down," dinig namin na sambit ng President.
Kumalma na din ang mga kaibigan ko pati na rin yung mga nagwawala na cabinet member. In the end, those corrupt and selfish cabinet member has been dismissed. Matagal na itong pinag-iisipan ni Mr. President but since he respect the former President even though they're in different party. This man, really is a good leader.
In the end kami kami lang din ang nag-isip nang mga gagawin at napagdesisyunan namin na bigyan nga ng mga pera ang mga namatayan sa insidente na pagsabog sa plaza at the same time ang mga na-apektuhan ng epedemic.
Sa mga namatayan ng mahal sa buhay sa pagsabog sa plaza makakatanggap sila ng thirty thousand pesos, sa mga kritikal naman ang naging lagay ay twenty five thousand pesos, sa mga minor injury naman ay ten thousand pesos. Also, they're free to have a psychiatrist since the trauma isn't a small matter.
Para naman sa mga namatayan during pandemic makakatanggap sila ng fifteen thousand pesos and every family will be giving ten thousand pesos. Kung sa iisang bahay may apat na pamilya then makakatanggap sila ng forty thousand pesos. Of course, walang pamilya na hindi makakatanggap, sisiguraduhin namin.