JULLIA'S POINT OF VIEW
Napatingin ako sa mga kaibigan ko na busy mag isip ng kanya kanya naming mga dapat gawin. Hindi pa namin na-fa-finalize ang mga program na dapat namin gawin pero eto na naman kami, may bago na naman kaming problema na kailangan gawan ng paraan.
Naririnig ko ang kaliwa at kanang pagbuntong hininga nila. Hindi ko rin naman sila masisisi, kahit naman ako napapabuntong hininga din. Hindi ko rin gusto ang nangyayari sa mundo at lalong lalo na sa amin ngayon. Kung nandito lang sana si kuya edi sana may nahihiraman kaming opinyon. Hindi naman kasi namin pwedeng sabihin ito sa iba dahil mapapahamak sila.
Sa ngayon, nandito kami sa laboratory namin at nag iisip kung ano ba ang gustong iparating ng organization sa amin sa bagong sulat na pinadala nila. Mayroon itong warning sign. That's all. Hindi namin alam kung para saan ang warning sign na iyon.
"Hindi kaya gagawa na naman sila ng pagsabog?" Nag-aalalang sambit ni Mark na halatang hindi din sigurado sa sasabihin.
Napatingin ako kay Henry at Akesia na ngayon ay malalim ang iniisip. Hindi ko talaga alam kung saan nila nakukuha ang mga idea nila but, they're really a leader like model to us. No, hindi lang sila model, talagang leader like talaga sila.
"Pwede," dinig naming sambit ni Henry.
"Yeah, kung ang warning sign na iyan ay ang pagbibigay sa atin ng sign na magpapasabog ulit sila then, we need someone na magbibigay sa atin ng tip kung saan," sabi naman ni Akesia.
"Ang problema nga lang hindi natin alam kung sino ang magbibigay sa atin ng tip," sabat naman ni Yana.
Natahimik na naman kami. Pinagmasdan ko sila at saka ako nagsalita, "Hindi kaya magbibigay ulit sila ng letter sa atin kung saan at kelan sila magpapasabog? I mean, I know na kung organization talaga ang nagbigay niyang letter na iyan ibig sabihin they are testing us. You know, gusto nila ng laro. If not naman, then they're seeking for an attention," I said.
Napahawak si Akesia sa sintido niya at hinilot hilot naman niya iyon. Sa sobrang dami ng problema niya, I know na pinipilit na lang niya ang sarili niya na maging matatag. She thinks that she might hold us back if ever na mag-collapse siya. Kaya naman siguro hindi siya nagsasabi sa amin nang nararamdaman niya.
Ah, kuya Marvin! Kapag ikaw talaga hindi pa bumalik dito at binigyan ng support si Akesia, makikita mo!
"I think we should rest first," sabi naman ni Kass at agad naman ako napatango.
"Yeah, hindi ko na kaya. Masakit na ang ulo ko," I lied.
Actually, para kay Akesia iyon. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na napatingin siya sa akin pero hindi ko iyon pinansin. Syempre, magpapahalata ba naman ako? I know na ganoon din si Kass.
"Okay, after an hour, let's talk." Tumayo naman si Henry at ganoon din naman si Yana.
Napahiga ako sa sofa at sindal ang ulo ko sa malambot na unan at pumikit. Ang daming nangyayari, parang ang hirap makisabay. Sa pamilya, sa kaibigan, sa paligid, sa mundo. Bakit parang ang hirap gumalaw ngayon? Bakit parang limitado lahat ng galaw ko?
"Akesia, okay ka lang?" Dinig kong tanong ni Mark kaya naman napatingin ako kay Akesia.
She looks pale. Natutulog pa ba ang babaeng ito?
"Natutulog ka ba?" I asked.
Huminga siya ng malalim at humiga, "Hindi ko alam pero tatlong araw na ako hindi makatulog nang maayos. I want to rest, I want to sleep soundly, but I can't. Hindi ko alam kung bakit."
Naawa naman ako bigla kay Akesia but good thing ay nakapikit siya at hindi niya nakita ang ekspresyon ko. Though, I doubt na hindi niya iyon naramdaman.
"Is it about your ability ba?" Kass asked.
"Or you're worried?" Tanong naman ni Min.
"Of course, I'm always worried. Feeling ko lagi akong natatakot na may mangyayaring hindi maganda. I always prepared myself for the worst. And to my ability, no, I guess they're stable."
"You guess?" Taas kilay kong tanong. "Hindi sigurado?" I asked again.
Tumango siya habang nakapikit, "Yeah,"
"I don't want to ask this but,"
"Spill the bean, Mark," agad naman na pagpuputol ni Akesia.
"Did you already made a contact with senior Marvin?"
Bigla naman kumalabog ang kaba sa dibdib ko at sinamaan ng tingin si Mark. Nakita ko namang dumilat ng mata si Kesia at tumingin kay Mark at saka nito pinikit ulit ang mga mata.
"No,"
"Huh?"
Sinamaan ko ulit ng tingin si Mark but this time kasama ko na si Min at Kass na magbigay ng masamang tingin sa kanya. Kaagad naman niyang tinaas ang mga kamay nito na sumusuko.
"Hindi ko siya ma-reach. Hindi ko alam pero may nag-bo-block sa akin para kausapin siya," she said.
Napatingin ako kay Kesia, "Pwede yun?"
Tumango ito kahit nakapikit, "Yeah, kung mas makapangyarihan ang taong nag-block sa akin, oo, posible iyon. Sabagay, I'm not a full pledge ability user. Talagang may mas malakas sa akin- sa atin."
Hindi na kami nagsalita pa at natahimik na lang kami. Nang hindi ko na makayanan ay kaagad naman akong tumayo at lumabas ng laboratory. Napainat naman ako nang nasa labas na ako at nakalanghap ng sariwang hangin.
"Good afternoon po, Miss Jullia," bati sa akin ng isang lalaki pero dahil busy ako mag-inat inat hindi ko na natingnan ang mukha nito.
Tumango naman ako at sumagot, "Good afternoon,"
When I tried to reach my toe using my hand while standing straight, I saw an envelop on the floor. At nang makita ko ang seal na nakalagay ay agad akong lumingon kung saan papunta ang lalaki na kanina'y bumati sa akin.
Shit! Bakit hindi ko siya tiningnan sa mukha? Ah! Ang engot mo naman Jullia!
No choice, dinampot ko ang envelop at saka kinakabahan itong sinuri. Of course, I confirmed na galing nga ito sa organization kaya naman agad akong tumakbo papunta sa loob ng laboratory.
Good thing they're all there.
"Guys," I said and ipinakita sa kanila ang hawak kong papel. "Nang lumabas ako para lumanghap ng sariwang hangin at mag inat inat may bumati sa akin. Lalaki siya, pero hindi ko nakita ang mukha niya. Sorry. Binati niya ako and then when I tried to reach my toe using my hand-"
"You mean tumuwad?" Paninira naman ni Yana kaya naman natawa sila.
Good grief, I know she's just trying to make our atmosphere better. I smiled.
"Yeah, pagtuwad ko nakita ko ito sa hindi kalayuan." Tinapon ko ang letter sa table at naupo na rin sa stool.
Nandito kasi kami sa research part ng laboratory namin kaya naman laboratory table and stool ang gamit namin.
"Did you try to reach him out?" Tanong ni Henry.
"I did, pero hindi ko na siya nakita pa."
Kinuha ni Henry ang letter pero agad naman na nagsalita si Akesia.
"Bakit ganun? Bakit parang alam na alam ng organization kung nasaan tayo? Bakit parang alam niya kung ano ang ginagawa natin? Kung ano ang kailangan natin?"
Naakagat naman ako ng ilalim ng labi, "Don't tell me may alagad sila dito sa loob?" Kinakabahan kong tanong.
"Ayoko man na isipin iyan but both of you had a point," agad na sabi ni Henry. "Mayroon nga ata talagang spy sa school na ito."
"Should we tell this to ate Raquel?" Nag aalala namang sabi ni Yana.
Umiling si Henry at Akesia. Iisa lang ata ang utak ng dalawang ito. Halos parehas kasi sila ng wavelength.
"Hindi pa naman natin sigurado. Masyado pang busy si ate Raquel to deal with this. I think we should deal with it alone. Hindi naman ata mahirap ito," sabi ni Kass.
"So, are we going to doubt everyone here?" Min asked.
Henry said, "As far as I know, they're using a student. If ever they're just trying to manipulate them then, faculty is the main source."
"Pero mga alumnus ang seventy five percent sa teacher dito," agad kong sabi.
"And that makes the thirty percent more suspicious," agad na sabi ni Akesia.
Pinagplanuhan namin kung paano namin malalaman kung sino ang spy and we all distributed our work. In the end, iisang plan lang ang nabuo namin. Worst comes worst, we will do everything to save everyone.