CHAPTER 2: THE PANIC

2391 Words
Walang may gustong magsalita sa amin at lahat kami ay hindi makapaniwala sa na-decode namin. All this time nasa bingit na pala ng panganib ang buhay namin at ng buong mundo. All this time akala namin okay na ang lahat pero hindi pala. "All this time nasa hukay na pala ang isang paa natin." Mahina kong sabi. Wala pa ring nagsalita sa kanila at tumingin ako isa isa sa mga mata nila. "This nuclear bomb, are they going to release it?" Tanong ko ulit. "Kung pagbabasehan ang lagay ng organisasyon nila ngayon, I doubt it." Sambit ni Henry at saka sya tumayo. "Pero kung ang personality nila ang pagbabasehan natin then, yes. Gagawin talaga nila iyon. The worst case senario is that it wasn't a nuclear or an atomic bomb. Baka isang chemical gas that will turn every living things half dead." Napasinghap naman kami sa sinabi ni Henry. Hindi malabo na mangyari ang mga sinabi niya. Napagtagumpayan ang virus sa lost island hindi nakakapagtaka if ever na may copy sila noon. "The heck! Ayoko na maulit pa ang nangyari sa atin sa lost island. Hindi ko na kakayanin pang pumatay ng tao na alam kong buhay pa sa loob pero wala lang kontrol." Naiyak na sambit ni Yana at agad din naman syang niyakap ni Henry. Sana all. Pero kahit din naman ako. Ayoko na rin maranasan ang mga naranasan namin noon. It's a turtore for everyone. Ayaw nilang mamatay pero wala silang magagawa kundi ang kumain ng mga kapwa nila. Hindi din namin masasabing hindi kami madadapuan ng virus if ever nga na hindi atomic bomb ang papakawalan. "Do we have to talk about this to the higher ups?" Tanong ni Mark sa amin at napatingin naman kami sa kanya, "You know, hindi naman tayo pwedeng basta bastang kumilos. Our moves are limited right now dahil sa under surveilance tayo sa kalaban." "May point si Mark. Maybe we can tell this to them." Pag sang-ayon naman ni Kass. "And what if hindi sila maniwala sa atin? After all, tayo ang naging dahilan kung bakit nagwawala ang organisasyon ngayon." Kaagad naman na sambit ni Min. "Siguro wala naman atang masama kung sasabihin natin sa higher ups at kasabay noon ay ang pagkilos natin." Sabi ko at this time sa akin naman sila nakatingin, "Kung sasabihin natin sa higher ups ang mga plano nila at kikilos din tayo hindi nila mabibigyan ng pansin ang kilos ng mga nasa gobyerno. Or maybe, pwede din na sabihin natin sa gobyerno na makikipag-ugnayan tayo sa kanila. Still, at the end of the day may sarili pa rin tayong plano." Tumatango tango naman si Henry habang nagsasalita ako at saka sya nagsalita, "May point si Kesia. If ever nga na hindi ma-foresee ng kalaban ang mga plano natin then we still have a chance to sabotage them." Sandali namang napatigil ang mga kaibigan namin para mag-isip at saka sila tumango tango para sabihing sumasang-ayon sila sa desisyon namin ni Henry. "Just this time please lang ha, walang magbubuwis ng buhay." Yana said with a nervous voice. "Hindi ko na kakayanin eh." And she gave us a sad smile. Walang nagsalita sa amin. Wala naman kasing makakaalam kung anong mangyayari sa hinaharap at wala ding makakaalam kung ano ba talaga ang dapat na mangyari. Well, maliban kay Henry. Ang kaso nga lang kahit na gaano pa kabihasa ni Henry ang pagtingin sa hinaharap ay fragments pa rin ito. He still needs time to decode it. But I will do my best to protect them. Sila na lang ang natitira sa akin at ayoko na malagasan pa kami. Ayoko na. "Is there no question?" Tanong ni Henry at pinasadahan ko naman ng tingin ang mga kasama namin at ganoon din naman ang ginawa ni Henry. Nang walang nagsalita ay tumango ito at saka sinabing, "Good, then the meeting is adjourned. Pwede na kayo magpahinga. Akesia and I will talk about something important." Wala namang nagsalita pa sa mga kaibigan namin at sa girlfriend nyang si Yana kaya naman ay wala pang ilang minuto ay kaming dalawa na lang ni Henry ang nasa conference room. Naupo ako sa upuan ko at ganoon din naman ang ginawa ni Henry. "So, what's the real deal? Nakita ko na may gusto kang sabihin." Nagulat naman ako sa sinabi ni Henry, "You advanced your ability?" He smirked at me, "Mukha ba akong useless noong mga nakaraang laban natin?" Kaagad naman akong umiling, "No, it's just that I'm shocked." Mahina naman syang tumawa at napailing na lang ako saka bumuntong hininga, "Do you find it suspicious?" I asked. Tumaas naman ang kilay nya, "Ang alin? Yung nasa news? You mean the terrorist bombing?" Tumango naman ako ng marahan at napatango sya, "Yeah, in just a week naka-limang lugar na sila sa iba't ibang bansa." "Actually, hindi ako sa mismong bombing nag-susupetsya." Agad kong sabi at saka ko inabot sa kanya ang document na hawak ko, "Hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko or masyado lang ako nag-iisip pero kada bombing location may naiiwang ganyan." "A white and blue handkerchief?" Tumango naman ako, "Well, if sa limang lugar na puro pagsabog at iisang tela lang at tatak ang nasa panyo then it's kinda suspicious." "Do you know what's Azure Organization specialty?" Napaisip naman si Henry at saka uming, "Nope, it never comes to my mind to ask Kass. Ah, what a shame." Mahina naman akong napatawa, "Now, it's my time to overtake you." Mahina din naman syang natawa, "You always overtake me." Did I? I don't think so. "Well, anyways, ayon kay Kass may iba't ibang specialty ang Azure Organization at ang Gwyn Organization. The Azure Organization has a lot of poison in their hands and the Gwyn Organization has a lot of money at the same time they had the most power in the Organization. Do you know why, Henry?" "May kinalaman ba ito sa mga bomba?" Tumango naman ako at saka siya sinagot, "Yes, bukod sa may mga bomba sila ay kaya din nila gumawa ng bomba from the scratch gamit lang ang mga gamit na nasa paligid nila. Kaya naman kahit na nagtatago sila they can still make a lot of bomb and we need to find them as soon as possible dahil kung hindi baka makagawa sila ng mas maalakas pa na bomba. You know what I mean." "Nuclear and Atomic bomb..." Mahinang sambit ni Henry. Walang nagsalita sa aming dalawa at nag-isip na lang kami parehas ng kung anong dapat naming maging hakbak. Mahigit isang oras din kaming nagdiskusyunan sa kung ano ang mga dapat at hindi namin dapat gawin and also ang mga escape rote na dapat ay laging nakahanda. We have escape plan from letter A to letter Z dahil hindi naming alam ang mga dapat na mangyari. Still we have note there that no one will leave a member to die. Nang matapos kami ni Henry mag usap at hand ana kaming lumabas ng conference room nang biglang nag ring ang cellphone nya and I saw the caller ID- from the government. Ni-loud speaker naman ni Henry ang tawag at saka ito nagsaslita. "Hello?" "Hello, good morning, Sir. Si Mister Henry po ba ito ng Mint Academy?" Ow, looks like a real one. Yung mga nang-scam kasi sila pa ang magtatanong sa kung sino ang tinawagan nila eh kaya halata sila masyado. "Yes, speaking. Who's this?" "I'm Sofia from the President's office. He wanted to talk to your group as soon as possible if it's okay." Sandali kaming napatigil ni Henry at parehas pa kami napakunot ang noo, "Is it urgent?" "Yes, Sir Henry. It's also confidential so I won't talk about it in phone. We'll wait at the President's office." Tumango naman ako kay Henry at saka sya nagsalita, "Okay, we'll be there in an hour." After the call ay nagpaalam naman kami agad sa kaibigan naming. Of course, dapat alam nila kung nasaan kami at alam din nila kung saan at ano ang gagawin naming sa labas dahil na rin sa nangyayari ngayon. Ayaw din naman nilang sumama maliban kay Yana. Bored daw sya kaya sya sasama. "Bakit daw tayo pinapapunta?" Tanong ni Yana sa amin. Umupo naman sya sa shotgun seat, si Henry ang driver and ako naman sa passenger seat. Umiling naman kaagad si Henry para sagutin si Yana, "Hindi ko pa alam, Ney. Hindi din naman sinabi sa phone since it's confidential." "Kailangan ko na bang kabahan?" Mahina naman akong tumawa, "Hindi ko alam kung paano mo pa nakukuhang magpatawa sa sitwasyon na ito, Yan." Nag flip hair naman sya at lumingon sa akin saka ngumisi, "Well, dapat lang naman di ba? I mean look, magmumukha tayong matanda sa problema na kinakaharap natin. Relax lang tayo, okay?" Napailing na lang ako. Babaeng ito talaga akala mo talaga walang pinagdaanan. But, I know what's deep in her heart. Hinahayaan ko lang sya but I know that she's dying inside. Although mukha lang syang masaya sa harap naming pero lagi kong nararamdaman ang negative emotion nya kahit na ayokong pakiramdaman iyon. "We're here." Kaagad na sambit ni Henry at lumabas naman sya. Yana is not a damsel in distress and also a romantic fan so hindi na nya need si Henry para pagbuksan sya ng pinto. Though it would look a gentleman on Henry's side but we all prepared his savage type. Nang makalapit kami sa pinto ay nakita namin ang limang guard at ang isang lalaking naka-tuxedo. Mukhang ang tatlo ay door guard samantalang ang dalawa ay guard ng lalaking naka-tuxedo. "Kayong tatlo lang po?" Gulat na tanong ng lalaki. "Mukha ba kaming may kasamang iba?" Pangbabara naman ni Yana. Siguro kung nasa normal circumstances lang kami baka tumawa pa ako sa sinabi ni Yana but no. We need a cooperation with the government so we need to be careful with our words. "Yana?" Tawag ko at kaagad naman syang nagulat doon. Yumuko si Yana at sinabing, "I'm sorry for disrespecting you, Sir." Ngumiti lang ang lalaking nagulat sa inasta ni Yana at saka sinabing, "No, it's okay, Miss Alyana. You don't have to say sorry." Nagulat naman kami sa pagbanggit nya ng pangalan ni Yana. "You know me?" Napakamot naman ang lalaking naka-tuxedo. "Well, alam ko po ang mga pangalan ng nasa verdant ellipse sophomore. Ikaw ba naman po pilitin na kabisaduhin ang mukha nyo at pangalan nyo para lang po hindi ako magkamali sa pag-greet sa inyo." Nagkatinginan naman kaming tatlo at mahina kaming natawa, "Lead the way please." Agad kong sabi at tumango naman sya. "Sure." Nang nakapasok kami ay malaking ballroom hall ang bumungad sa amin at sa dulo ng hall ay may pinto doon. Pagpasok naming sa dulo ng ballroom hall ay isang maliit naman na pasilyo ang bumungad sa amin. Sa bawat gilid ay mga soldier statue na may hawak na tunay na armas. Mapa axe, sword, bow and arrow, dagger, spear, at iba't iba pang mga weapon na gagamit sa digmaan. "This place is what we called hall of soldiers. As you can see sobrang daming estatwa ng mga sundalo dito na may mga armor at may mga tunay na mga weapon na hawak. Sabi ng mas nakakatanda sa akin sa lugar na ito ang mga weapon daw na iyan ang mga weapon na ginamit ng iba't ibang sundalo laban sa gera." "Wow, amazing..." Mahina naming sambit. Hindi naman kasi araw araw magkakaroon ng pagkakataon na ito. Limang pintuan ang nalampasan naming at isang hagdan ang inakyat naming para lang makarating sa office ng presidente at kung hindi siguro sanay sa lugar na ito ang papasok at maglalakad dito panigurado na kung saan saan na sila nakakarating. Feeling ko kasi may ilusyon an lugar na ito para magmukhang Malaki at the same time mag mukhang nakakaligaw. Nang makarating kami sa office ay kaagad kaming binati ng presidente at nakipag usap sa amin ng normal na akala mo ay hindi sya ang namamahala sa buong bansa namin. Napag usapan namin ang mga dapat nilang gawin at mga dapat naming gawin. Kagaya nang napag usapan naming magkakaibigan kanina ay sinabi na rin namin sa kanila ang dapat. "So gusto ninyong ipahayag sa lahat na nakikipag ugnayan kayo sa gobyerno at lahat ng plano ninyo ay kunektado sa gobyerno?" Nagtataka nyang tanong. "Yes." Agad naman naming sabi. "Why? Hindi ba mas magiging mapanganib iyon sa pamilya ninyo at pati na rin sa buhay ninyo?" Umiling naman ako at hinintay lang si Henry na magsalita. Hindi ako ang leader ngayon kaya naman hindi ako dapat magsalita. Kung kinakailangan lang saka lang ako magsasalita pero dahil hindi naman kailangan ng boses ko then I wont. "Napag-isipan na rin po namin iyan but fortunately cross out na po yan sa mga threat na matatanggap namin. Our family, maliban sa pamilya ni Jasmin ay magkakasama sa iisang lugar kung saan safe sila at walang nakakaalam kung nasaan sila kaya naman hindi naming kailangan mangamba para sa mga pamilya namin. Also, hindi din ito magbibigay threat sa buhay namin- maybe oo, konti pero hindi naman aabot sa point na ikamamatay naming." Pagpapaliwanag naman ni Henry at saka seryosong tumingin sa Presidente. "At isa pa kung alam ng kalaban na nasa ilalim kami ng proteksyon ng gobyerno once na may nangyari sa amin magkakaroon kayo ng whole search red alert so they wont do something stupid. Kung hindi sila stupid." Mukhang may nalimutan si Henry sabihin ah, "Hindi lang po iyon." Sambit ko at napatigin naman sila sa akin, "Once na nalaman ng kalaban na nakikipag-cooperate kayo mas mabibigyan nila ng pansina ang plano ninyo pero dahil may cooperation nga ang gobyerno at ang grupo naming then hindi lang isang plano ang meron sa atin. We will cooperate as one but act as different group." Napatango tango naman ang Presidente sa sinabi ko at magsasalita n asana sya nang biglang magbukas ang pinto at humihingal na pumasok ang isang babae na halatang tumakbo ng pagkalayo layo. Hindi kami nakialam sa kanila at hinayaan lang namin ang babae magsalita. "President, it's a big problem." "Heyle, calm down. Anong problema?" Bakas ang panic sa mukha ng babaeng nagngangalang Heyle at saka ito nagsalita ulit, "I can't president. The organization's letter has come! Nagpadala na sila ng sulat sa atin! Tayo na ang susunod!" Kumunot naman ang noo ko. Sulat? Do we miss something important?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD