CHAPTER 3: THE LETTER

2089 Words
Nakatingin lang kami ni Henry kay Mr. President habang hawak hawak nya ang papel na sinasabing galing sa organization. At first, I doubt it. Sino ba naman kasi ang mag aakala na makakapagpadala sila na as in naka-address sa president, di ba? Both Henry and I are still waiting for Mister President to open the letter. Kahit na hindi ko gamitin ang emphatic ability ko I can still see the fear in his eyes. Kung sabagay, sino ba naman ang hindi kakabahan kung nagawa ng kalaban mo na padalahan ka ng sulat na walang ebidensya kung saan galing. Di ba? Binuksan na ni Mister President ang letter at kahit kami ni Henry ay nag-aabang. Nang mabukasan niya ay napakunot naman ang noo ni Mister President saka binaliktan ang papel. Tumingin ito sa secretary niya at saka nag-tanong, "Pinagloloko nyo ba ako?" "Po?" Naguguluhan namang tanong ni Miss Secretary. Kahit naman ako naguluhan din. Tiningnan ko si Henry at nakita ko sa ekspresyon ng mukha nya na nagtataka din sya sa sinabi ni Mister President. "Sir, is there something's wrong with the letter?" Henry asked. Syempre sya ang leader sa aming dalawa so I gave him all the rights that he needed. I mean, you know, leaser must be responsible for everything that needed to be done. "Is this what you called letter? Wala naman nakasulat dito eh." Saka naman itinapom ni Mister President ang letter sa coffee table na nasa pagitan namin. Kaagad din naman itong kinuha ni Henry at syempre sumilip na rin ako para naman hindi madoble ang oras namin sa pagtingin ng letter. Pero nasayang pa rin dahil binalik-baliktad ni Henry ang letter. "The heck?" Naguguluhang sabi ni Henry. Kinuha ko kay Henry ang letter at kunot noo na tiningnan ang papel at binalik-baliktad gaya ng ginawa ni Henry. No avail. Wala pa ring nakasulat sa papel. Blanko ang papel at walang kasulat sulat. Itinaas ko ang papel at tinapat sa liwanag ng ilaw pero wala pa rin. Tumayo din amo at tinapad sa liwanag ng araw pero wala pa rin. "Walang nakasulat." Sambit ko at tumingin kay Miss Secretary. "Kilala mo ba ang nagbigay nitong sulat?" Kaagad naman na umiling si Miss Secretary. Bakit ganoon? Bakit parang feeling ko mah mali. "Okay ka lang ba, Kesh?" Dinig kong tanong ni Henry. Tumango naman ako, "Yes, okay lang naman ako." At saka ako ngumiti. I know na na-gets ni Henry ang ngiti ko kaya naman hindi na sya nagtanong pa. Mamaya na ito magtatanong sa akin once na kami na lang dalawa ang magkasama. Mahirap na kasi baka may nakikinig pa. Tahimik akong umupo sa tabi ni Henry at tinititigan si Mister President na sinesermonan ang kanyang sekretarya. Hindi ko naman masisisi si Mister President dahil talaga nga namang mahalaga ang bawat oras lalo na pag ang organisasyon ang pinag uusapan at isa pa kailangan namin ng bawat impormasyon na makukuha namin tungkol sa organisasyon. Pero itong si Miss Secretary, tumanggap ng isang liham na hindi man lang inaalam kung saan galing. It's her negligence. Her job is to secure every impormation and pass it to the President but she didn't just give the president a false hope about the new information but also cause a lot of time to waste. At dahil feeling ko ay may mali kaya naman ipinikit ko ang mga mata ko at nakinig sa sermon ni Mister President kay Miss Secretary. Pinakiramdaman ko rin ang paligid ko gamit ang ability ko and I can tell that Mister President is furious about what happened and at the same time he's dissapointed with his secretary. Si Miss Secretary naman ay nararamdaman ko na natatakot syang mawalan ng trabaho at the same time natatakot sya sa pwede gawin ni Mister President. Hindi lang iyon, naramdaman ko rin na may itinatago si Miss Secretary at naramdaman ko na kilala nya ang nagbigay ng letter. Sino kaya iyon? Bukod sa tao sa loob ng room ay pinakiramdaman ko rin ang mga bagay na makakapagbigay sa amin ng problema. And thank goodness dahil ginawa ko iyon. Naramdaman ko na may something sa ilalim ng lamesa. Is that a recorder? Palihim kong kinapkap ang ilalim ng coffee table at naramdaman ko na may isang device na nakadikit doon. Kasing laki lang ng hinliliit kaya naman siguradong hindi iyon mapapansin. Isa pa, ang coffee table ay dark at hindi kita ang nasa ilalim kaya perfect ito for this kind of eavesdropping. Palihim kong kinuha ang device at saka ito palihim na itinago sa bulsa ko. I can feel na binabantayan ako ni Henry dahil alam nya kung kelan lilingon ang isa kay Miss Secretary at Mister President o kaya naman parehas sila. Ipinikit ko ulit ang mata ko at pinakiramdakan ang buong room at naramdaman ko naman na wala nang mali sa room. Sunod ko naman pinakiramdaman ay ang katabing room at sa may kanang room ay may isang tao at nararamdaman ko na may alam sya sa nangyayari ngayon. Idinilat ko ang mga mata ko at tiningnan si Henry nang makahuluhan at saka naman sya tumango. "Mister President." Tawag ni Henry kay Mister President na busy pa magalit kay Miss Secretary. Pinakiramdaman ko naman ulit si Miss Secretary at nagulat ako sa naramdaman ko. Feeling ko nagsitaasan ang balahibo ko kaya naman tiningnan ko si Miss Secretary at na-confirm ko na tama ang naramdaman ko based sa reaction ng mukha nya. "Ah, sorry if you have to witness that. It's embarassing." Kahit na pilit ay ngumiti naman ako at saka sinabing, "It's okay." "Aalis na po kami. May mga dapat pa po kaming asikasuhin. Also, pwede po ba namin madala itong letter? We will figure out kung may laman ba talaga ito." Sambit naman ni Henry. Kaagad naman na tumango si Mister President. "Yes, please. Hindi ko alam kung bakit ipinadala yan dito sa office ko but I am sure that your group will figure it out in no time." Parang gusto kong umirap sa presure na binibigay nya sa amin. Estudyante pa rin naman kami at hindi kami full time detective. Also, hindi naman kami ganoon karunong mag decode maliban kay Mark. "Thank you." Henry said and we both stand up. Naglakad kami papunta sa pinto ng office at binuksan naman ni Henry ang pinto at bago pa man makalabas ay lumingon naman ako kay Mister President. "Please do be careful. Hindi po natin alam ang mga mangyayari and we have no idea how and when they will attact us so please be careful. The country needed you." Ngumiti naman si Mister President sa sinabi ko at saka tumango, "Yes, I won't disappoint you." Nang makalabas kami ng room na iyon ay parang nabunutan ako ng tinik. Tipong parang nawala yung takot na nararamdaman ko. Hindi ako nagsalita hanggang sa makarating kami ni Henry sa sasakyan namin at ganoon din naman sya. Bago pa man kami magsalita ay pinakiramdaman ko muna ang paligid. Kaagad naman ako napabuntong hininga nang malaman ko na safe ang sasakyan namin at walang magiging problema. "May problema ba?" Kaagad na tanong ni Henry sa akin. Umiling naman ako, "Wala. Hindi ko lang akalain ang mga nalaman ko. I mean, akala ko safe ang lugar na iyon since guarded hindi din pala." Sambit ko pa. "Hindi safe? You mean the President's office?" Nagtatakang tanong naman ni Henry at saka ako tumango. "Paano mo naman nasabi?" "Pinakiramdaman ko ang paligid and I can sense something about his secretary. I know na nakita mo rin naman na may ginawa ang secretary nya kaya naramdaman ko ang pagiging cautious mo." "So, ano na gagawin natin?" Tanong naman nya saka umayos ng upo, "Hindi naman natin pwede pabayaan si Mister President di ba? Magiging magulo ang bansa once na may nangyaring masama sa kanya. You know, maraming uhaw sa kapangyarihan na nakaaligid sa kanya." Tumango naman ako sa sinabi nya, "Yeah, you're right. Pero hindi naman natin kaya syang protektahan all the time. Okay na rin na naghabilin ako ng babala sa kanya. Siguro naman mage-gets nya iyon since matalino syang tao." "Well, may point ka naman dyan." Saka nya nilabas ang sobre na naglalaman ng blank letter. "Siguro mas okay kung si Mark ang pagtatanungan natin nito. After all, this is his mastery. Kung siguro hindi tayo nag focus sa reseach baka masagot natin ito. Ah, our IQ seems degrading." Mahina naman akong natawa, "Sus, aminin mo kasi na may bagay talagang hindi mo kayang gawin." Naiiling naman syang tumingin sa akin saka hindi na nagsalita. Dumating na rin ang driver namin kaya naman kaagad din kaming umalis. Ang driver kasi namin binigyan ko pa nang signal para lang pumunta dito. Hindi basta basta ang pagiging driver ng Mint Academy students dahil kailangan na walang nakakakilala sa kanila and besides, iba ibang tao ang nagiging driver namin. Hindi ko nga alam kay ate Raquel kung saan nya nakukuha ang mga taong ito eh. Matanong nga sa susunod. "May kinapkap sa ilalim ng coffee table ah. Ano iyon?" Kaagad naman ako nabalik sa ulirat sa tanong ni Henry. Napatingin ako kay manong driver at nakita ko naman na nakatingin sya sa amin. Nakikinig ba sya? Natawa naman ako, "Nilagay ko lang doon ang bubble gum na nginunguya ko. Ang tagal ba naman kasi manermon ni Mister President sa Secretary nya." Nagbigay naman ako nang emosyon kay Henry para naman ma-gets niya ang sinasabi ko. I know na may hint na sya kahit hindi ako magbigay ng emotion signal sa kanya since sya nga ang number one namin pero mas okay na ang sigurado at least hindi mabubuko. "Kadiri ka talaga. Sasabihin ko yan kay Marvin once na makauwi na sya." And he gave me a disgust look. Ang sarap lang talaga batukan ng lalaking ito. Sinamaan ko sya ng tingin at saka naman sya tumawa. Nang makarating kami sa school ay napakunot naman ang noo ko at dahil doon nagkaroon na ako ng hint. "Mauna ka na Henry kakausapin ko lang yung student na uutusan ko." Tumango naman sya sa sinabi ko. I know na na-gets nya ang sinabi ko. Umuna akong bumaba sa kotse at saka nagpatuloy ang driver sa pag-drive na si Henry lang ang kanyang sakay. Pumunta ako sa guard at kinausap sila. "Hi, mga kuya!" Bati ko sa dalawang guard at kumaway pa sa kanila. "Ms. Akesia, hello po." Bati nang mas batang guard, si Kuya Joel. "Hi, Ms. Kesia." Bati din ng mas matandang guard, si kuya Roel. "Bakit ka po pala nandito? Bakit ka po bumaba sa kotse?" Takang tanong ni Joel. "Well, I feel something kasi. Wait, may tanong ako." "Sure po, ano po iyon?" Sambit ni kuya Roel. "May bago bang driver na binigay si Ms. Raquel?" Tanong ko at napaisip naman silang dalawa. Bigla naman akong kinabahan nang parehas silang umiling. "Wala po. Walang pinakilala sa amin si Ms. Raquel na bagong driver. Yung driver nyo po noong nakaraan siya pa rin po ang driver nyo ngayon. Bakit po ba may problema po ba?" Tanong naman ni Kuya Joel. Kaagad naman akong umiling, "Wala naman. Thank you so much sa pagsagot ng tanong ko. Mauna na po ako." Tumakbo ako papunta sa pag-paparadahan ng kotse at nakita ko namang wala ito doon kaya naman kinabahan ako. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Yana. "Yan, call the team. I need back up! Nasa panganib si Henry!" "What?!" "Just call the team right now. Go to the nearest abandoned building. I think doon papunta ang kumuha kay Henry." I told her. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Yana at nauna na akong tumakbo papunta sa abandoned building. Malayo-layo iyon sa school at labas na rin ito ng sakop ng school kaya naman free ito for those who had an ill intention towards us. Gladly, nagbigay ako ng hint kay Henry bago ko sya iwan sa kotse at sa iniwan ko sa kanya na emotion nararamdaman ko kung nasaan sya. I can sense na papunta sila sa abandoned building. Hindi ko alam kung bakit hindi nakilos si Henry its either he wants to catch the one who wants to kidnap us or baka may ginawa ang driver sa kanya. Either of the two hindi maganda ang kutob ko. I have to save him or else baka magaya na naman ang dati. No, the history won't repeat itself! Hinding hindi ko hahayaan na may mawala pa sa mga kaibigan ko. Kokonti na lang sila at ayoko na mabawasan pa sila. Gagawa ako ng paraan para mailigtas si Henry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD