NASA sasakyan na kami ni Edrick nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Mama tumatawag. "Hello, Ma." sagot ko. Binubuhay na ni Edrick ang makina. "Nene, birthday mo na sa sunod na linggo. Babatiin ka lang namin ng kapatid mo." sabi sa akin ni mama. "Happy birthday Ate!" narinig kong sigaw ng kapatid ko sa kabilang linya. Advanced naman masyado sila mama. Ilang araw pa kaya yun. Ilang araw pa ang dadaan bago ang birthday ko. Narinig kaya ni Edrick ang sinabi ni Mama? "Masyado naman advance ma." sagot ko. "Eh! Bakit ayaw mo? Nasaan ba yang asawa mo? Sabihin mo sa birthday mo umuwi kayo dito. Nandito ang handaan. Gusto kong dito mo ganapin ang birthday party mo kahit kaunting handaan basta kompleto tayo. Nakasanayan natin yun." dagdag pa ni mama. Sinulyapan ko si Edrick. Seryoso