"Kanina ko pa napapansin kanina ka pa nakangiti." seryosong puna sa akin ng asawa ko. Pumasok ako sa office niya dahil wala lang. Na-miss ko siya bigla. Gusto ko siyang yakapin at halikan. Ang sarap talaga pala ng buhay may asawa, unlimited kiss ang hugs. Lalo pa at napakagwapo ng asawa ko. Habang papalapit ako sa kaniya ay mas lalo lang akong nasasabik na yakapin siya. Mas lumalaki din ang aking pagngiti. "Ang slow mo naman asawa ko." Pinulupot ko ang aking mga braso sa kaniyang balikat. Nasa likuran niya na ako habang siya ay abala sa kung anong che che bureche ang inaasikaso. Wala naman akong maintindihan. Makakita ka ba naman ng maraming numbers nahihilo ang ulo ko. "Did you tell me I was slow? How did I become slow? Tell me wife?" Humarap siya sa 'kin. Napangiti naman ako. Ang gwap