Driving the Wedge

1541 Words
"Langdon!" "Casindra!" Naglapat sa huling pagkakataon ang kanilang mga labi at niyakap ang isa't isa. Hindi pa sana nila gustong humiwalay pero saglit lang na pumuslit si Cas paalis sa mansiyon nila at kailangan na nitong bumalik kaagad kung ayaw nitong makatunog ang mga kasama sa pagkawala nito. "Tomorrow, six p.m., meet me here again. Don't bring anything to avoid suspicions. Nahanda ko na ang lahat. Makakaalis na rin tayo dito sa wakas, Cas. I'll bring you to California first and then we'll head to Monaco right after." Tumango ito sabay ngiti ng puno ng pag-asa. Her smile melted his heart once more as he surveyed her face. "Matutupad na ang ipinangako ko sa iyo, Cas. We'll be leaving from this godforsaken place. We'll start to build our own family away from here. Wala nang pipigil sa atin. I could openly give you flowers and gifts when we're there. I could date you wherever I want. We'll be happy there. Just you and me." "I know Lang and I can't wait to love you freely without fear." Hinaplos nito ang tiyan. "We will raise this baby together with love. We'll nurture our baby with the same love we're giving each other." Hinaplos niya rin ang pipis pa nitong tiyan nang buong pagmamahal. The moment she told him she's pregnant, that's when his desire for leaving intensified. He can't let their baby be born in this kind of place. Gusto niya itong bigyan ng normal at masayang na buhay malayo sa pangingialam ng dalawang pamilya. They will never go back here until peace is restored between the clans. He's scared and he knows Cas has reservations too but they'll go by. Being young doesn't mean they couldn't be responsible. May pera siya. He's got savings that were out of his family's reach. Handa rin siyang tulungan ng tiyuhin niya. Natagalan lang ang pag-alis nila dahil kailangan niyang itaon iyon sa kaarawan ng abuelo para mas madali silang makatalilis paalis. Karamihan sa mga security detail nila ay ma-a-assign sa Los Ojos kaya magkakaroon siya ng pagkakataon na lingatin ang mga naiwan. Tomorrow is the day Casindra said yes to him. It's their first anniversary together and he took it as a good sign that their plan will go smoothly as they want it to be. "Langdon!" "Casindra!" tawag ng kanilang mga bantay sa kanila. "Please be safe. I love you," ang huli niyang nasabi bago binitawan ang mga kamay nito. "I love you too," she replied and ran towards the opposite side where Tatiana was calling for her name. Sinilip niya muna mula sa kakahuyan kung papasok na ba ang dalawa sa ari-arian ng mga Alcantara bago siya lumabas ng lungga para puntahan si Sergio na natahimik na sa kakatawag sa kaniya. Iyon pala ay busy na ito sa kakakiliti sa dala nitong alagang daga na si Romy. "Ang tagal mo! Papakainin ko pa itong si Romy." "Akala ko ay ipapakain mo kay Jenny," tukoy niya sa alagang reticulated python. "Ang sama mo!" Ipinasok nito ang daga sa loob ng t-shirt saka siya binatukan. "I don't know why Casindra loves you. Anghel iyon tapos ikaw demonyo. Bulag nga talaga siguro ang pag-ibig." Inakbayan ko ang pinsan at may ibinulong rito. "Casindra told me something about how you would win Tatiana." Sergio's face lit instantly like a light bulb upon hearing the name. Namula ito saka parang teenager na kinilig. Inilapit nito ang tenga sa kaniya. "What is it? Come on. Tell me." "Iyon ay kung gagawin mo ang pabor na hiningi ko sa iyo." "Of course I'd do it. Ibibigay ko lang naman sa pinsan niyang babae 'yung sulat 'di ba? Ano nga ulit pangalan nun? Anong itsura? Eh 'di ba hindi iyon naglalalabas sa mansiyon nila dahil napaka-protective ng kuya? That girl is nonsocial. Paano ko malalaman kung sino ang bibigyan ko?" Napaisip siya. Oo nga ano. Even her name remained a mystery to him and his clan. Palagi lang itong ikinukwento ni Cas pero hindi nito kailanman nabanggit ang pangalan ng nakababatang pinsan nito. "I'll ask Cas again. You promise to give her the letter after our flight tomorrow, okay?" "Oo nga. I'll do it so how about you let me in for one trivia about Tatiana?" Tumigil siya sa paglalakad at hinintay si Sergio na handa nang lumuhod para lang malaman ang mga mahahalagang bagay tungkol sa nililigawan. "Okay. She doesn't like flowers." "But why?" Nagkibit-balikat siya. "Sabi mo isa lang." "Ang daya naman. I need to know the reason why she doesn't like it. Kaya ba hindi siya nagpapakita ng interes sa akin dahil araw-araw ko siyang pinadadalhan ng mga gumamela at sampagita? I thought she only doesn't like the expensive ones? Lahat ba ng bulaklak ayaw niya? Paano kung bigyan ko siya ng bulaklak ng kalabasa? Healthy din yun. Paborito ng hamster ko. Hoy Langdon! Sagutin mo ako!" Natatawang sumampa siya sa kabayo at mabilis itong pinatakbo palayo sa kabayo ni Sergio na hinahabol na siya. Hinayon niya ng tingin ang tanawin ng Monte Vega na naaabot ng mata. He should remember it by heart because he might never get to see them again. The day after, he arrived in the rendezvous three hours earlier. Handa na ang lahat ng mga papeles sa maliit na leather body bag na suot niya. Naghihintay na rin sa 'di-kalayuan ang kotse na magiging getaway car nilang dalawa ni Cas. Langdon exhaled sharply to shake off the doubts and foreboding feeling that was beginning to form inside his heart. "No, everything will turn out well. I've planned everything," he assured himself. Nang makarinig siya ng kaluskos ay mabilis siyang tumayo para lapitan ang inaakalang dumating na na dalaga. "Ca—" But instead of Cas, Langdon's face met Nathan's stoic face who smacked his head with a rock. Una niyang naramdaman ang pagsigid ng kirot sa ulo niya. Ikinurap niya ang mata para luminaw ang tingin niya sa paligid. Naka-masking tape ang buong bibig niya at nakadapa siya sa damuhan na tigmak ng kaniyang dugo habang sa unahan ay parang may ungol na nagmumula sa isang tao. Mabilis siyang nag-angat ng tingin at ganoon na lang ang panghihilakbot niya nang makita ang pinakamamahal na babae, nakatayo sa gilid ng bangin, nakabusal, nakatali ang mga kamay sa likuran, at umiiyak na nagpapasag habang nakatingin sa kaniya. "Cas..." bulong niya sa utak. "Casindra!" sigaw niya sa isip at sinubukang tumayo ngunit natumba lang siya ulit dahil nakatali ang mga paa niya sa katawan ng puno sa likuran samantalang nakagapos naman ang mga kamay. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Nathan is in a few meters away from him, his back turned away from Casindra as if he can't bear to see the execution. And when Langdon looked to his left, all of his blood seemed to be drained upon seeing the man he recognized to be Nathan's father holding a gun in his hand. "No! No! Please! Not Casindra! Please, not her! Not my love and our child!" Pero sa utak lang niya iyon naisisigaw kasi wala siyang magawa. Napakainutil niya! Hilam ng magkahalong dugo, laway, sipon, at luha ang mukha niya habang hinuhuli ang mata ni Casindra na unti-unti nang pumipikit na para bang tinatanggap na lang ang kapalaran nito lalo na nang itaas ng tiyuhin nito ang baril at itutok dito. "I love you, Cas! I love you and our baby." But she never opened her eyes until the first bullet pierced her heart. No!" atungal niya. "Casindra!" Umiiyak na pumikit siya. The memory of her blood-soaked body before slowly falling off the cliff will forever haunt him for the rest of his life. Ramdam niya na siya naman ang susunod na papaslangin kaya hindi na siya dumilat pa. He could die here than live knowing he will never see Cas again. "That's right. Kill me too. Kill me too!" He froze when instead of a loud shot, he heard something thrown to his side. Against his will, he opened his eyes to see the gun within his grasp. "No! I'd rather kill myself than be accused of killing Cas." Nilingon niya ang dalawang papalayong lalaki. Gusto niyang sumigaw sa galit. Gusto niyang patayin ang mga ito pero ni hindi siya makawala sa sariling pagkakagapos. He looked at the empty spot where Cas had been and smiled bitterly. "Please wait for me, Cas. I'm coming to you. I just hope it'll just be quick." Pinukpok niya ang sariling ulo sa kahoy hanggang sa umagos ang dugo niya. Gusto na niya agad na mawalan ng malay para makita na niya si Cas, para makasama na niya ito. "Lord, please. Let me die! Let me die with her." Dumilat si Langdon kasabay nang pagbabalik niya sa kasalukuyan. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Nang maalala ang nangyari kanina ay mabilis siyang nagpunta sa silid kung saan natutulog ang dalaga. "Cas. Good morning..." The empty room greeted him back. The sheets are arranged properly without any trace that the bed has been slept on. Nakaalis na si Cas kanina pa pero may iniwan ito para sa kaniya. Dinampot niya ang pinunit na papel na iniwan nito sa kama at binasa. "I'll wait for you, Langdon. Magkasama tayong aalis papunta sa Monaco. Go do your thing first."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD